ap

Cards (38)

  • Mga Larawan

    • A
    • B
    • C
    • D
    • F
    • G
    • H
  • Mga Tauhan
    • BENITO MUSSOLINI
    • ADOLF HITLER
    • EMPEROR HIROHITO
    • FRANKLIN ROOSEVELT
    • WINSTON CHURHILL
    • JOSEPH STALIN
    • CHIANG KAI SHEK
  • Wall Street Crash
    Nangyari noong Oktubre 29, 1929, kung saan 16 milyong shares ang nai-trade sa New York Stock Exchange sa isang araw lamang. Bilyon-bilyon ang nawala, na nagpalipol sa libu-libong mga investor.
  • Bunga ng Wall Street Crash: 1) Maraming tao ang nawalan ng malaking salapi at nalugi, 2) Nagsara ang mga bangko at mga negosyo, 3) Maraming tao ang nawalan ng trabaho, 4) Humina ang produksiyon at bumababa ang pasahod sa mga manggagawa, 5) Nagdulot ng Great Depression.
  • Ang economic troubles ng 1930s ay panglokal ang sakop at epekto. Ang economic instability ay nagdulot ng political instability sa maraming bahagi ng mundo.
  • Epekto ng Great Depression sa iba't ibang kontinente
    • NORTH AMERICA- Tumaas ang pagkakautang ng mga tao at pagbagsak ng produksyon
    • SOUTH AMERICA- Pagbaba sa demand ng produkto galing Latin America at pagkakaroon ng Dictatorship sa Argentina
    • AFRICA- Pagpapataw ng mataas na buwis dahil sa pagbagsak sa demand sa kanilang produkto
    • MIDDLE EAST- Dahil sa pagganda ng ani ay hindi lubos na naapektuhan ang Middle East ng pagbagsak ng stock market sa US
    • EUROPE- Dahil sa pagtaas ng Inflation ay bumaba ang consumer spending na siyang nagpalala ng sitwasyon
    • RUSSIA- Lubos naming umunlad ang Soviet Union dahil sa kanilang produksyon at sapilitang pagtatrabaho na mahigit 14 oras at dahil sa pamumuno ni Stalin
  • Komunismo
    Itinatag batay sa ideyelohiya ni Karl Marx sa kanilang librong Communist Manifesto upang magkaroon ng pantay-pantay ang lahat ng tao at upang tutuluan ang kapatilasimo sa Lipunan.
  • Pasismo
    Isang kaisipang kung saan ang interes ng pamahalaan ay mas mahalaga kaysa sa mga mamamayan at paggamit ng dahas upang lutasin ang problema sa Lipunan. Itinaguyod ni Benito Mussolini at ng kaniyang mga taga suporta na tinawag na Blackshirts.
  • Nasismo
    Itinatag ng National Socialist Party o NAZI na naniniwala na ang lahing Aleman ay kabilang sa nangungunang lahing Aryan.
  • Ang Holocaust ay isang pangyayaring malagim kung saan 6 milyong Jew ang Pinatay
  • Mga Pangyayari na Nagdulot ng WWII
    1. Paglusob ng Germany sa Poland
    2. Pagkuha ng Germany sa Czechoslovakia
    3. Pagkuha ng Germany sa Austria
    4. Pagsalakay ng Japan sa China
    5. Pagsalakay ng Germany sa Rhineland
    6. Pagsalakay ng Italy sa Ethiopia
    7. Pagsalakay ng Japan sa Manchuria
  • Ang pagtiwalag ng Germany sa liga ng mga bansa at pagkabigo ng liga na panatilihin ang kapayapaan ang nagkumbinsi kay Hitler na kunin ang Rhineland.
  • Dahil maraming mga mamamayang Austriano ang gustong maisama ang kanilang bansa sa Germany, nagpadala si Hitler ng hukbo sa Austria at ginawa itong sangay/annex ng Germany.
  • Noong 1939, ang pagpasok ng mga Aleman sa Poland ang huling pangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
  • Pagsalakay ng Japan sa China (1937)
  • Sinalakay ng mga Hapones ang China, at dahil sa kanilang mga makabagong armas, bumagsak ang Nanjing at ang Beijing na kapital ng China
  • EMPEROR HIROHITO
  • Pagkuha ng Germany sa Austria (1938)
  • Nakasaad sa Treaty of Versailles na ipinagbabawal ang pagsasama ng Austria at Germany (Anschluss). Ngunit dahil maraming mga mamamayang Austriano ang gustong maisama ang kanilang bansa sa Germany, nagpadala si Hitler ng hukbo sa Austria at ginawa itong sangay/annex ng Germany
  • Pagkuha ng Germany sa Czechoslovakia (1939)
  • Noong 1939, ang pagpasok ng mga Aleman sa Poland ang huling pangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang pagsakop na ito ay pagbaliktad ng Germany sa Russia na kapwa pumirma sa kasunduang Ribbentrop-Molotov, isang kasunduan ng hindi pakikidigma ((Non-Aggression Pact)
  • Isinagawa ng Germany ang blitzkrieg o lightning war, ang estratehiyang militar na ginagamitan ng mabibilis na eroplano at tangke na sinundan ng puwersa ng mga sundalo sa kanilang pagsalakay
  • The 'Molotov Cocktail' proved to be a primitive but effective anti-tank weapon against Soviet forces
  • Ang Digmaan sa Europe - Naghanda ang hukbong Pranses at at Ingles laban sa hukbong Aleman ngunit walang naganap na labanan at tinawag na PHONY WARS
  • Muling naglunsad ng pagsalakay si Hitler sa Denmark at Norway noong Abril 9, 1940. Isinunod nito ang Netherlands, Belgium at Luxembourg. Ito ang naghudyat sa pasimula ng Battle of France at ang pagtatapos ng Phony War. Tuluyang bumagsak ang Paris sa mga Aleman noong Hunyo 22, 1940
  • Sinamantala ng Soviet Union ang digmaan at sinakop ang Finland noong Nobyembre 1939. Sinakop din nito ang Latvia, Lithuania at Estonia gayundin ang Romania
  • Tinulungan ng Germany ang Italya laban sa mga British sa digmaang naganap sa Hilagang Africa at upang makuha ang SUEZ CANAL(mahalaga sa Britanya)
  • Sa tulong ng pinagsamang puwersa ng mga sundalo mula sa Italy, Romania at Finland biglaang sinalakay ng Germany ang Soviet Union noong Hunyo 22, 1941
  • Ang paglaganap ng pananakop ng Axis Powers, pagkatalo ng mga Allies at pagkabahala sa kalagayan ng demokrasya sa daigdig ang nagdulot sa United States upang mapilitan na makialam sa digmaan. Pinagtibay ng kongreso ang batas na Lend Lease
  • Noong Agosto 1941, sina Pangulong Franklin Roosevelt ng America at Winston Churchill ng Inglatera ay nagpulong at lumagda sa Atlantic Charter, isang dokumento na naglalaman ng mga demokratikong prinsipyo na ipinaglalaban sa digmaan
  • Ang digmaan sa Pacific ay sa pagitan ng mga Allies at Japan na nagpatuloy hanggang Agosto 1945. Narating ng Hapon ang tugatog ng tagumpay sa pananakop sa Pasipiko noong 1942 at nagtatag ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere
  • Binomba ng mga eroplanong Hapon ang Pearl Harbor, Hawaii noong Disyembre 7, 1941. Ang pataksil na pagsalakay na ito ay nagpagalit sa mga Amerikano
  • Nagsimula ang pagbawi sa Kanlurang Europe noong Hunyo 6, 1944, nang dumaong ang Allied Powers sa Normandy, France(D-Day) samantalang sa Hilagang Europe ay tinalo naman ng Rusya(SOVIET) ang mga hukbong Nazi at nasakop ang Berlin
  • Habang nilalabanan ni Heneral Montgomery ang mga Nazi sa Egypt, sinalakay naman ni Heneral Dwight Eisenhower ang Morocco at Algeria. Pagkaraan ng matinding labanan noong May 13, 1945 ang Hilagang Africa ay napasakamay ng mga Alyadong bansa
  • Noong Abril 30, 1945 si Hitler na nagnais mamuno sa daigdig ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbabaril kasama ang kabit nito, si Eva Braun sa isang selda. Ang digmaan sa Europe ay nagtapos noong Mayo 7, 1945 nang si Heneral Alfred Jodl, pinuno ng sandatahang lakas ng Germany ay lumagda sa isang kasunduan ng pagsuko ng Germany sa mga Alyado
  • Nang matapos ang digmaan sa Europa, ang mga alyado ay nagplano na durugin ang Japan, ang natitira sa puwersang Axis
  • Inatake ng puwersang Amerikano at Australian ang mga lugar sa Asia-Pacific na nasakop ng Japan. Noong Agosto 6, 1945, ang United States ay nagbagsak ng bomba atomika sa Hiroshima at nasundan ng pangalawang bomba atomika na ibinagsak sa lungsod ng Nagasaki noong Agosto 9, na nagdulot ng malubhang epekto sa Japan
  • Nagpulong sina Joseph Stalin ng Russia, Winston Churchill ng Great Britain at Franklin Roosevelt ng US upang pagpasyahan ang kapalaran ng Germany. Napagkasunduang ipatupad sa Germany ang disarmament, demilitarization o pagbabawal na magtatag ng sandatahang lakas at dismemberment o paghahati rito. Pagbabayarin din ang Germany ng $20 bilyon bilang bayad-pinsala