FILIPINO: FLORANTE AT LAURA

Cards (60)

  • Tubong Bulacan ang Prinsipe ng Makatang Tagalog
  • Isinilang si Balagtas noong Abril 2, 1788
  • Isinilang si Balagtas sa Panginay, Bigaa, Bulacan
  • Juan Balagtas - ama ni Francisco
  • Juana Dela Cruz - ina ni Francisco
  • Kiko - palayaw ni Francisco
  • Dahil sa kahirapan, kinailangan ni Balagtas na manilbihan bilang utusan sa Tondo, Maynila
  • Ang kapalit ng paninilbihan ni Balagtas kay Donya Trinidad ay ang pagpapaaral nito sa kanya
  • Pinag- aral si Balagtas sa Colegio de San Jose at dito ay nakatapos ng Gramatica Castellana, Gramatica Latina, Geografia y Fisica, at Doctrina Christiana
  • Canones - ang batas ng pananampalataya
  • Pinalad si Balagtas na makapag- aral sa isa pang paaralan, ang San Juan De Letran. Natapos niya ang Humanidades, Teología, at Filosofía
  • Naging guro ni Balagtas sa San Juan De Letran si Padre Marino Pilapil, isang bantog na guro na sumulat ng pasyon.
  • Magdalena Ana Ramos - unang bumihag sa puso ni Balagtas
  • Ipapaayos sana ni Balagtas kay Jose Dela Cruz o Huseng Sisiw ang isang tula na ibibigay niya sana kay Magdalena Ana Ramos
  • Mula sa tondo, lumipat si Balagtas sa Pandacan
  • Sa pandacan nakilala ni Balagtas si Selya o Maria Asuncion Rivera
  • Nanong Mariano Kapule - katunggali ni Balagtas sa pag-ibig ni Selya. Siya ay mula sa isang may kaya at makapangyarihang pamilya.
  • Isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura sa bilangguan
  • May ilang nagsasabing itinapos ni Balagtas ang obra sa Udyong, Bataan
  • Sa Udyong, Bataan nakilala ni Balagtas si Juana Tiambeng, ang babaeng iniharap niya sa dambana
  • Sa edad na 54 ni Balagtas, ikinasal sila ni Juana Tiambeng.
  • Sa lalawigan ng Bataan ay muling bumalik sa bilangguan si Balagtas dahil sa paratang pinatulan niya ng buhok ang isang babaeng utusan ni Alferez Lucas.
  • Binawian ng buhay si Balagtas noong Pebrero 20, 1762
  • Namatay si Balagtas sa edad na 74
  • Apat ang anak nila Juana Tiambeng at Francisco Balagtas
  • Francisco Balagtas - prinsipe ng Makatang tagalog
  • Florante at Laura - isinulat ni Francisco Balagtas Baltazar
  • Isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura noong 1838
  • Isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura noong panahon ng Espanyol
  • Komedya o moro-moro : paglalaban ng mga Moro at Kristiyano
  • Naitago ni Balagtas ang totoong mensahe ng Florante at Laura sa pamamagitan ng Alegorya
  • Tinutukoy ni Lopez K. Santos na apat na himagsik ang naghari sa puso at isipan ni Balagtas
  • Apat na himagsik ang naghari sa puso at isipan ni Balagtas:
    1. Ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan
    2. Ang himagsik laban sa hidwaang pananampalataya
    3. Ang himagsik laban sa mga maling kaugalian
    4. Ang himagsik laban sa mababang uri ng panitikan
  • Ang Florante at Laura ay itinuturing na isang obra maestra ng panitikan Pilipino at sinasabing nagbukas ng landas para sa panulaang Tagal noong ika-19 na dantaon.
  • Isinulat ang Florante at Laura sa wikang Tagalog
  • Ang awit ay inalay ni Balagtas kay Selya o Maria Asuncion Rivera
  • Ang awit ay nagsilbing gabay at nagturo sa mga Pilipino ng maraming bagay.
  • Sinasabing si Dr. Jose Rizal ay nagdala ng kopya ng Florante at Laura habang siya'y naglalakbay sa Europa at naging inspirasyon niya sa pagsulat ng Noli Me Tangere
  • Sinasabing Si Apolinario Mabini av sumıpı sa pamamagitan ng sarili niyang sulat-kamay ng kopya ng awit habang siya ay nasa Guam noong 1901
  • Ang Florante at Laura ay isang akdang nabibilang sa genre na tinatawag na awit o romansang metrikal.