Pagbabalat - Alisin ang balat gamit lang ang mga kamay.
Pagtatalop - Inaalisin ng balat sa tulong ng kutsilyong pantalop.
Paghihiwa - Pagpuputol o pagpapaliit samga sangkap
Pagkakaliskis - Pagkakaliskis ng isda sa tulong ng kutsilyo
Pagtatadtad/Pagdidikdik/Paggigiling -
Sa pagtatadtad ang ginagamit ay kutsilyo at sangkalan.
Sa pagdidikdik ginagamit ang almires.
Sa paggigiling ginagamit sa de-koryenteng gilingan.
Pagkukudkod/Paggagadgad/Pagkakayod -
Gamit ang kudkuran ang niyog ay paulilt-ulit na kinukudkod.
Ang melon, buko, makapuno, at kung minsan abokado, ay kinakayod gamit ang pangkayod. Ang keso, hilaw na papaya, sayote, kalabasa, at nilagang ube ay ginagadgad gamit ang gadgaran.
Paggigilit - Ginagamit ang matalin na kutsilyo, ang isad, karne at pust ay hinihiwa-hiwa nang hindi tagus-tagusan sa laman.
Paghihimay - Gamit ang mga kamay,pinaghihiwa-hiwalay ang laman ng maliit at pino.