Nakatatandang anak ni Sisa na isang sakristan at tagatugtog ng kampana sa kumbento. Siya ay mapagmahal na anak at kapatid, matapang, puno ng pangarap, masipag, malakas ang loob, matalino. Mahalaga ang tauhang kanyang ginagampanan sapagkat sinisimbolo niya ang kabataang Pilipino na sa kanyang murang edad ay hindi pabayang anak at tumulong sa mga magulang upang maibsan ang kahirapan sa buhay at sinasagisag niya ang walang malay at inosente sa lipunan.