esp

Cards (45)

  • PROSOCIAL LYING
    Pagsisinungaling upang mapangalagaan o MATULUNGAN ANG IBANG TAO na hindi mapahamak
  • PROSOCIAL LYING
    • Nagsinungaling si Roseh sa magulang ni Dalia na sila ay magkasamang gumawa ng proyekto ngunit ang totoo ay pumunta lamang sila ng mall para SAMAHAN si Dalia na makipagkita sa kanyang nobyo
  • SELF-ENHANCEMENT LYING
    Pagsisinungaling upang ISALBA ANG SARILI, upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan
  • SELF-ENHANCEMENT LYING
    • Nagsinungaling si Dalia sa kanyang magulang na pupunta sa bahay nila Roseh para gumawa ng proyekto ngunit ang totoo ginamit niya lamang itong dahilan upang MAKAALIS siya ng bahay at makipagkita sa kanyang nobyo dahil kung magsasabi ito ng totoo ay tiyak na MAPAPAGALITAN ng magulang
  • SELFISH LYING
    Pagsisinungaling upang PROTEKTAHAN ANG SARILI kahit pa MAKAPINSALA NG IBANG TAO
  • SELFISH LYING
    • Nakita ni Dindy na ginugulpi ng kanyang buskador na mga kaklase si Dindo. Humihingi ito ng tulong dahil alam nitong nakita ni Dindy ang tunay na pangyayari. Nagsumbong si Dino sa kanilang guro. Ipinatawag ang mga sangkot sa gulo at si Dindy. Tinanong ng guro si Dindy kung totoo ba ang sinasabi ni Dino ngunit dahil sa TAKOT na gulpihin rin ito ay mas pinili ni Dindy na SABIHIN ANG KABALIKTARAN nang pangyayari
  • ANTISOCIAL LYING
    Pagsisinungaling upang SADYANG MAKASAKIT NG KAPWA
  • ANTISOCIAL LYING
    • Hindi payag ang mga magulang ni Dalia sa relasyon nila ni Anton. Isa lamang ang naisip niyang paraan upang maayos ang kanyang relasyon sa mga magulang. Kaya, nakipagkita siya sa nobyo at ipinagtapat na HINDI na niya ito GUSTO at marami pa siyang PLANO SA BUHAY
  • STRAIGHT-UP LYING (DIREKTANG PAGSISINUNGALING)
    Pagsasalita na may PAGMAMALABIS at PAGBABAWAS ng mga DETALYE
  • STRAIGHT-UP LYING (DIREKTANG PAGSISINUNGALING)

    • Nagkomentaryo si Jeah sa kasuotan ni Vera, isang campus beauty sa kaklaseng si Joane. Ngunit ang hindi alam ni Jeah ay ipinagsabi rin pala ito ni Joane sa ibang kaklase at umabot ang chismis kay Vera. Ang masaklap nadagdagan ng IBANG DETALYE at naakusahan si Jeah naninira kay Vera dahil sa ipinagsasabi ni Joane
  • WHITE LIES
    Ang pagsisinungaling tungkol sa isang maliit na bagay na sinasabi ng isang tao upang MAIWASAN NA MASAKTAN ang DAMDAMIN NG IBA
  • WHITE LIES
    • Nagluto ng pagkain si Ana para sa kanyang kaklaseng si Leah. Para kay Ana ito ang pinakamasarap na naluto niyang cupcake ngunit nang matikman ni Leah ay HINDI niya masyadong NAGUSTOHAN ang lasa pero upang HINDI MASAKTAN ang kaibigan ay sinabi niyang NAPAKASARAP ng niluto na cupcake at tiyak na huhusay pa ito kung pagbubutihan pa ang pagluluto
  • BLACK LIES
    Pagsisinungaling upang makakuha ng PANSARILING BENIPISYO mula sa IBA o pansasamantala
  • BLACK LIES
    • Alam ni Esma na MAYAMAN ang pamilya ng kanyang kaklaseng si Becca kung kaya kinaibigan niya ito. Naging malapit sila at sa tuwing nagbabakasyon o proyekto sa paaralan ay hindi nakakalimutan ni Becca na pasalubungan o TULUNGAN sa mga gamit na kailangan sa pag-aaral si Esma dahil alam niyang mabait ito sa kanya at nag-iisang kaibigan sa paaralan ngunit ang totoo ay kinaibigan lamang siya ni Esma dahil sa kanilang ESTADO SA BUHAY
  • ACADEMIC DISHONESTY
    Anumang uri ng PANDARAYA na nangyayari na may kaugnayan sa mga PANG-AKADEMIKONG gawain tulad ng pasulat
  • PLAGIYARISMO (PLAGIARISM)
    Ang pagkuha PAGGAMIT NG IDEYA ng iba na WALANG PAHINTULOT o pagkilala sa nagmamay-ari
  • PLAGIYARISMO (PLAGIARISM)
    • Dahil sa pagsikat ng vlogging sa inyong lugar ay gumawa ka rin ng iyong sariling vlog at gumamit ka ng hindi nagpapaalam sa may-ari ng mga musika, larawan dahil alam mong makatutulong ito sa para mas pumatok ang content ng iyong vlog
  • COPYRIGHT
    Ito ay NAGPOPROTEKTA SA MGA LITERARY, musical, dramatic, at artistic works tulad ng mga libro, musika, pelikula, sculptures, at paintings. Binibigyan nito ang may-akda ng EKSKLUSIBONG KARAPATAN na kontrolin ang paggawa ng mga kopya, pagpapalabas, at pagbebenta ng kanilang mga likha
  • COPYRIGHT
    • Selos by Shaira & Lenka
  • PATENT
    Ito ay nagbibigay PROTEKSYON SA MGA BAGONG IMBENSYON, kabilang ang mga produkto o proseso na nag-aalok ng bagong teknikal na solusyon o nagbibigay ng bagong paraan ng paggawa ng isang bagay. Ang ___ ay nagbibigay sa imbentor ng eksklusibong karapatan na gamitin ang imbensyon sa isang LIMITADONG PANAHON
  • PATENT
    • The Lightbulb by Thomas Edison
  • TRADEMARKS
    Ito ay PROTEKSYON SA MGA SIMBOLO, pangalan, at slogans na ginagamit ng mga komersyal na entidad upang kilalanin ang kanilang mga produkto o serbisyo mula sa iba. Ito ay mahalaga sa pagbuo ng brand identity at consumer loyalty
  • TRADEMARKS
    • Wowowin & Jolibee
  • INDUSTRIAL DESIGNS
    Ito ay tumutukoy sa PROTEKSYON NG AESTHETIC aspect ng isang item. Kabilang dito ang mga bagong o orihinal na disenyo para sa isang produkto na nagpapabuti sa itsura nito
  • INDUSTRIAL DESIGNS
    • iPhone – Steve Jobs
  • GEOGRAPHICAL INDICATIONS
    Ito ay mga marka na ginagamit sa mga produkto na may isang tiyak na GEOGRAPHICAL ORIGIN at nagtataglay ng mga katangian, reputasyon, o iba pang mga katangian na esensyal na nakaugnay sa LUGAR NG PINAGMULAN nito
  • GEOGRAPHICAL INDICATIONS
    • Bagiuo - Strawberry
  • PANLILINLANG (DECEPTION)

    Pagbibigay ng MALING IMPORMASYON o pagdadahilan sa tagapagturo na may kaugnayan sa akademikong gawain
  • PANLILINLANG (DECEPTION)

    • Isa sa naging gawain ninyo sa paaralan ay sumulat ng sanaysay. Marami kayong gawain sa module sa iba pang asignatura, kaya naisipan mong magsaliksik ng sanaysay at ito ang iyong ipinasa bilang katuparan ng iyong pangangailangan sa asignatura
  • PAGDARAYA (CHEATING)

    Anumang pagtatangka na magbigay o MAKAKUHA ng TULONG sa isang pang-akademikong gawain
  • PAGDARAYA (CHEATING)

    • Nagsagawa ng isang pagsusulit ang inyong guro sa Matematika, nagaral ka ngunit hindi mo kinaya ang pagsusulit kung kaya tinapik mo ang iyong kaklase para itaas ang kanyang sagutang papel nang makopya mo ang kanyang mga sagot sa pasulit
  • SABOTAHE (SABOTAGE)

    Anumang pagkilos upang MAKALAMANG SA GAWA ng iba
  • SABOTAHE (SABOTAGE)

    • Bilang proyekto sa asignaturang Agham, pinalikha ng modelo ng volcanic eruption ang klase nina Jessa. Alam niyang ang kanilang grupo ang makapagbibigay ng pinakamagandang proyekto, ngunit nang dumating na ang araw ng pagpasa ay napagtanto niyang mas maganda ang nagawang modelo ng kabilang grupo. Kaya, inutusan ni Jessa ang kagrupong lalaki na sadyaing BUHUSAN NG TUBIG nang MASIRA ang proyektong ipapasa ng KABILANG PANGKAT
  • PANLOLOKO (FORGERY OR FALSIFICATION OF DOCUMENTS)

    Anumang kilos ng paggamit, imitasyon o PANGGAGAYA at pagnanakaw ng mga maling dokumento, impormasyon at LAGDA para makapanlinlang ng iba
  • PANLOLOKO (FORGERY OR FALSIFICATION OF DOCUMENTS)

    • Gumawa si Rose at Dalia sa mall, upang hindi sila maging absent sa klase ay gumawa sila ng EXCUSE LETTER na naglalaman ng dahilang may lagnat sila kaya hindi makapasok sa paaralan. Para ito ay maging kapani-paniwala ay ginawa nila ang LAGDA ng kanilang mga MAGULANG
  • PANUNUHOL (BRIBERY)

    Panunuhol sa sinumang pwedeng GUMAWA ng kanyang hinihinging PABOR kaugnay sa gawaing pang-akademiko
  • PANUNUHOL (BRIBERY)

    • Wala kang talento sa pagguhit kaya nakipag-usap ka sa iyong kaklaseng magaling magdrawing na iguhit ka rin ng obra at BABAYARAN mo siya sa halagang Php 50 dahil nakatakda itong ipasa bukas sa asignaturang Arts
  • PAGPAPANGGAP (DISHONEST ACTIONS)
    PAGPAPANGGAP sa pamamagitan ng KILOS, pananamit at ekspresyon ng mukha
  • PAGPAPANGGAP (DISHONEST ACTIONS)
    • impostor, magnanakaw at palakaibigang pick pocketers
  • WITHHOLDING
    Ang HINDI AGARANG paglalantad ng KATOTOHANAN na lubhang mahalaga