FILIPINO

Subdecks (1)

Cards (109)

  • Pagsulat ng Tula
    Ang pagsulat ng tula ay nangangailangan ng kasanayan
  • Mula sa tradisyunal na anyo ng tula na mahigpit sa porma at sukat, lumitaw ang pagbabago sa pamamaraan ng pagsulat ng tula
  • Bukod sa naging daluyan ng ekspresyon at damdamin ang makabagong panulaan, hinamon din nito ang kasanayan ng mga makata sa paggamit ng mga makabagong istilo at pamamaraan
  • Nananatili ang pangunahing elemento ng tula rito — ang kasiningan sa paglalaro ng ritmo at tugma sa likod ng talinghaga at matalinong paghahabi ng mga salita
  • Akrostik
    Makapaglalarawan ng suliranin ng daigdig sa kalikasan
  • Pagsulat ng Akrostik
    1. Bumuo ng akrostik na may parirala o pangungusap sa bawat titik bilang paglalarawan
    2. Lagyan ng disenyo ang ginawang akrostik
  • Estilo
    Tumutukoy sa anyo na kinabibilangan ng sukat at tugma ng akda, pamamaraan o teknik na gagamitin gaya na lamang ng paggamit ng matatalinghagang pahayag, tayutay, at marami pang iba
  • Mga Hakbang sa Pagsulat ng Tula
    1. Balikan ang mga karanasan na mayroong kaugnayan sa paksa
    2. Hanapin ang sariling pagkakakilanlan sa pagsulat sa pamamagitan ng pag-eensayo sa iba't ibang mga istilo ng pagsulat
    3. Magsaliksik kung kinakailangan
    4. Manood o magbasa ng maraming tula na nais isulat lalo na kung mag-uumpisa pa lamang
    5. Maging malay sa haba ng isinusulat
  • Ang FlipTop at spoken word poetry poem ay isinusulat upang itanghal. Madalas ding itanghal ang reverse poem
  • Ang isusulat na tula ay kailangang binubuo ng 12-15 taludtod
  • Maaaring panoorin ang "VIDEO TUTORIAL: PAANO GINAGAWA ANG ISANG REVERSE POETRY?" mula sa channel na "HARVEY POETRY TV" para sa karagdagang kaalaman sa pagsulat nito
  • Mga hakbang sa pagsulat ng tula
    1. Pagpili ng paksa
    2. Pag-isip ng pamagat
    3. Pagdedesisyon sa istilong gagamitin
    4. Pagtukoy sa simbolismo, talinghaga, o tayutay
    5. Paggawa ng paunang borador
    6. Paghingi ng pamumuna
    7. Pagrerebisa
  • Mga dapat tandaan sa pagsulat ng makabagong tula
    • Paksa
    • Sinaliksik na impormasyon
    • Pagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan
    • Haba ng tula
    • Kaalaman sa uri ng isinusulat
    • Pag-eensayo sa pagsulat
  • Mga dapat tandaan sa pagtatanghal ng makabagong tula
    • Lugar
    • Oras
    • Midyum ng pagtatanghal
    • Intonasyon
    • Diin
    • Hinto
    • Tindig
    • Kumpas
    • Ekspresyon ng mukha
    • Pagtuon ng paningin
  • Ang mga hakbang na maaaring sundin sa pagsulat ng tula ay ang pagpili ng paksa, pag-isip ng pamagat, pagdedesisyon sa istilong gagamitin, pagtukoy sa simbolismo, talinghaga, o tayutay para sa isusulat, paggawa ng paunang borador, paghingi ng pamumuna para sa isinulat, at pagrerebisa.
  • Ang mga dapat tandaan at isaalang-alang sa pagsulat ng makabagong tula ay ang paksa, sinaliksik na impormasyon, pagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan, haba ng tula, kaalaman sa uri ng isinusulat, at pag-eensayo sa pagsulat.
  • Ang mga dapat tandaan at isaalang-alang sa pagtatanghal ng makabagong tula ay ang lugar, oras, at midyum ng pagtatanghal. Mahalaga rin ang pagpaplano sa intonasyon, diin, at hinto sa tula. Makatutulong din ang palagiang pagsasanay upang masiguro ang kaangkupan ng tindig, kumpas, ekspresyon ng mukha, at pagtuon ng paningin.
  • barayti ng wika sa tahanan