AP MODULE 3

Cards (7)

  • Civic Engagement
    Tuwirang pakikilahok o pakikibahagi ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa lipunang kinabibilangan
  • Nakaugat ang konseptong ito sa pagnanais ng isang indibidwal na mapabuti ang kalidad ng buhay sa isang pamayanan sa pamamagitan ng political at non-political na proseso
  • Ang isang mamamayang may malalim na moral at pansibikong tungkulin sa kinabibilangang pamayanan ay may pagturing sa kanyang sarili bilang kabahagi ng mas malawak na lipunan
  • Mga Kategorya ng Civic Engagement
    • Kategoryang Civic
    • Kategoryang Electoral
    • Kategoryang Political Voice
  • Kategoryang Electoral
    • Mapanuri at matalinong pagboto sa halalan
    • Pakikibahagi sa mga layunin ng malinis at mapayapang proseso ng halalan sa pamayanan
    • Malayang pagpili ng kandidatong iboboto
    • Paghahain ng kandidatura o pagtakbo sa isang posisyon sa pamahalaang lokal at pambansa
  • Kategoryang Civic
    • Aktibong pakikibahagi sa mga gawain, proyekto, at programang naglalayong matugunan ang suliranin ng pamayanan
    • Pakikilahok at boluntaryong pakikiisa sa mga organisasyong non-electoral o mga samahang hindi tuwirang nauukol sa usapin at prosesong panghalalan ngunit may layuning mapaunlad at maisaayos ang kalidad ng buhay sa pamayanan
    • Pakikiisa sa mga gawain na may adhikaing makatulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng pagkakawanggawa at paglilingkod nang walang anumang kapalit at pansariling interes
  • Kategoryang Political Voice
    • Pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan sa mga opisyal at institusyon ng pamahalaan
    • Paglalahad ng kaisipan at pananaw tungkol sa isang isyung panlipunan sa print at broadcast media
    • Paghahain ng adbokasiya tungkol sa isang gawain o pagkilos na maaaring magdulot ng kabutihan at pag-unlad ng komunidad