ANG MAMIMILING PILIPINO

Cards (11)

  • Pangangailangan
    Bagay na dapat mayroon ang tao dahil kailangan niya ito araw-araw
  • Kagustuhan
    Hinahangad ng tao dahil nagbibigay ito ng higit na kasiyahan
  • Ang Pangangailangan at Kagustuhan ng tao ay magkaiba
  • May mga pagkakataong ang gusto ng isang tao ay pangangailangan ng iba, at ang pangangailangan ng iba ay kagustuhan lamang ng iba
  • Pangangailangan
    Parehong materyal at di materyal na mga bagay na magbibigay kasiyahan sa BUONG PAGKATAO ng indibidwal
  • Hierarchy of Needs
    • Pisikal na Pangangailangan
    • Kaligtasan at Seguridad
    • Pagmamahal at Pagsama
    • Pagpapahalaga sa Sarili at Pagpapahalaga mula sa Iba
    • Kaganapan ng Pagkatao
  • Pisikal na Pangangailangan
    • Pangunahing pangangailangan ng tao at pinaka unang dapat matugunan
    • Ang hindi pagtugon dito ay maaaring magdulot ng pisikal na sakit o karamdaman
  • Kaligtasan at Seguridad
    • Kabilang dito ang pangangailangan sa kaligtasan at katiyakan ng buhay gaya ng hanapbuhay, pinagkukunang-yaman at seguridad para sa sarili at buong pamilya
  • Pagmamahal at Pagsama
    • Kabilang dito ang pangangailangan na magkaroon ng kaibigan, kasintahan, pamilya at mga anak at pakikilahok sa mga gawaing sibiko
    • Ang hindi pagtugon dito ay maaaring magdulot ng matinding kalungkutan
  • Pagpapahalaga sa Sarili at Pagpapahalaga mula sa Iba
    • Bilang bahagi ng lipunan, kailangan nating maramdaman ang ating halaga sa lahat ng pagkakataon
    • Ang respeto ng ibang tao at tiwala sa sarili ay nagpapataas sa dignidad ng isang tao
    • Ang hindi pagtugon dito ay maaaring magdulot ng kawalan o kakulangan ng tiwala sa sarili
  • Kaganapan ng Pagkatao
    • Ang taong nasa antas na ito ay may mataas at malawak na pananaw sa sarili
    • Hindi kinakikitaan ng takot na harapin ang mga pagsubok o inggit man sa kapwa
    • Hindi mapagkunwari at totoo sa kanyang sarili
    • May kababaang loob at respeto sa ibang tao