MELC 2

Cards (7)

  • Natural Rights - Mga karapatang taglay ng isang mamamayan sa kanyang pagsilang.
  • Constitutional Rights – karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng estado.
    May apat na klasipikasyon ito:
    1. pulitikal
    2. sibil
    3. sosyo-ekonomik
    4. karapatan ng akusado
  • Statutory - Mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas. Ang tumanggap ng minimum wage ay halimabawa nito.
  • Pulitikal- karapatang makilahok sa mga gawaing pulitikal.
    • Pagboto o pakikilahok sa halalan
    • Panunungkulang Pampulitikal
    • Pagkamamamayan
  • Sibil- pinahahalagahan ang nga ugnayang sosyal o pakikisalamuha ng tao sa kanyang kapwa.
    • Kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, mapayapang pagtitipon at paglalahad ng karaingan.
    • Kalayaan sa pagbabago ng tirahan at sa paglalakbay
    • Pagtatatag ng asosasyon at unyon o mga kapisanan na ang layunin ay hindi labag sa batas.
  • Sosyo-ekonomik – Isinusulong ang gawaing panlipunan at pangkabuhayan o may kinalaman sa hanapbuhay ng mga mamamayan.
    • Karapatan sa pag-aari
    • Karapatan sa dignidad na pantao
    • Pagkapantay-pantay na panlipunan at pangkabuhayan
    • Karapatan sa edukasyon sa lahat ng antas
  • Karapatan ng Akusado- mga karapatan na magbibigay-proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa anumang krimen.
    • Karapatang manahimik o magsawalang kibo habang sinisiyasat ang kanyang kaso.
    • Karapatan laban sa labis na pagpapahirap
    • Karapatang magpiyansa