PAGBASA

Cards (21)

  • Ethika- Tumutukoy sa nakaugaliang pamamaraan ng pamumuhay at pakikipagkapwa.
  • Ethika- Ayon sa Free Dictionary (2014), ang etika ay tumutukoy sa mga pamantayan ng pagkilos at pag-uugali batay sa mga katanggap-tanggap na ideya sa kung ano ang tama at mali.
  • Ethika- Sa larangan ng Pilosopiya, ang etika ay itinuturing na isang sangay ng pag-aaral na nakapokus sa mga prinsipyo at paniniwala sa kung ano ang mabuti at nararapat.
  • Plagiarism- tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at ideya nang walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito.
  • Plagiarism- Itinuturing na rin na paglabag ang redundant publication, kung saan nagpapasa ang isang mananaliksik ng iisang pag-aaral sa dalawang magkaibang refereed journal para sa publikasyon.
  • Disenyo ng Pananaliksik- Ayon sa Business Dictionary (2011), ang disenyo ng pananaliksik ay detalyadong balangkas ng pagsasagawa ng imbestigasyon.
  • Disenyo ng Pananaliksik- Ang bahaging ito ay kadalasang naglalaman ng paraan ng pangangalap, presentasyon, at pagsusuri ng datos.
  • Disenyo ng Pananaliksik- Madalas na ginagamit bilang pangkalahatang distinksiyon ng disenyo ang pagiging kuwantitatibo (quantitative) o kuwalitatibo (qualitative) ng pananaliksik.
  • Kuwantitatibong Pananaliksik -Tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba't ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng matematika, estadistika, at mga teknik na gumagamit ng komputasyon.
  • Kuwalitatibong Pananaliksik - May layuning malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito.
  • Deskriptibong Pananaliksik - Pinag-aaralan ang pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan, at kalagayan.
  • Historikal na Pananaliksik - Gumagamit ng iba't ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos upang makabuo ng mga kongklusyon hinggil sa nakaraan.
  • Aksiyong Pananaliksik - Habang isinasagawa ang pananaliksik ay bumubuo rin ng mga plano at estratehiya ang mananaliksik kung paano siya makapagbibigay ng makabuluhang rekomendasy
  • Case Study - Naglalayong unawain ang isang partikular na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang kongklusyon sa iba't ibang paksa ng pag-aaral. Hal: “Kahirapan sa Pagkatuto ng Ikalawang Wika: Kaso ng Ilang Mag-aaral na may Dalawang Pagkamamamayan”
  • Normative - Madalas na inihahanay sa deskriptibong uri ng pananaliksik dahil naglalayon itong maglarawan ng anumang paksa.
  • Etnograpiya - Isang uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na nag-iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay, at iba't ibang gawi ng isang komunidad sa pamamagitan ng pakikisalamuha rito.
  • Komparatibong Pananaliksik - Naglalayong maghambing ng anumang konsepto, kultura, bagay, pangyayari, at iba pa.
  • Eksploratori - Isinasagawa kung wala pang gaanong pag-aaral na naisagawa tungkol sa isang paksa o suliranin.
  • Metodolohiya - Sistematikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan at proseso ng imbestigasyon na ginagamit sa pangangalap ng datos sa isang pananaliksik.
  • Sarbey - Sinusuri sa pamamagitan ng iba't ibang estadistikal na pamamaraan.
  • Panayam - Naglalaman ng mga simpleng tanong upang kumuha ng malalim at malawak na impormasyon mula kalahok.