SEKTOR NG INDUSTRIYA

Cards (22)

  • Sektor ng Industriya
    Ito ay tumutukoy sa iba't ibang uri ng gawaing pangkabuhayan. Ang pangunahing layunin nito ay maproseso ang mga hilaw na materyal o sangkap na materyal upang makabuo ng mga produktong ginagamit ng tao.
  • Subsektor ng Sektor ng Industriya

    • Pagmimina
    • Pagmamanupaktura
    • Konstruksyon
    • Utilities
  • Cottage Industry
    • Napapaloob dito ang mga produktong gawang kamay (hand-made products). Hindi hihigit sa 100 manggagawa ang kabilang sa industriya at maliit na lugar lamang ang sakop ng operasyon
  • Small and Medium-scale Industry
    • Binubuo ng 100-200 na mga manggagawa at ginagamitan ng payak na makinarya sa pagproseso ng mga produkto
  • Large-scale Industry

    • Binubuo ng higit sa 200 na mga manggagawa, ginagamitan ng malalaki at komplekadong makinarya sa pagproseso ng mga produkto at kailangan ng malaking lugar para sa produksyon tulad ng planta o pabrika
  • Sektor ng Paglilingkod
    Ito ay tumutukoy sa iba't ibang uri ng gawaing pangkabuhayan na nagbibigay ng serbisyo sa mga tao. Ang pangunahing layunin nito ay matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.
  • Ang sektor ng industriya ay nagkakaloob ng hanapbuhay sa mga gawain na nakapaloob sa sektor na ito, pinakamaraming manggagawa ang nasa pagmamanupaktura.
  • Malaki ang ambag ng produktong elektroniks, semi conductor at textiles sa kita ng bansa mula sa pag-eexport.
  • Pagmimina (Mining)
    Pagkuha at pagproseso ng mga yamang mineral (metal, di-metal, o Enerhiya) upang gawing tapos na produkto o kabahagi ng isang yaring kalakal
  • Pagmamanupaktura
    Pagagawa ng mga produkto sa pamamagitan ng manual labor o ng mga makina. Nagkakaroon ng pisikal o kemikal na transpormasyon ang mga materyal o bahagi nito sa pagbuo ng mga bagong produkto
  • Konstruksyon
    Mga gawaing tulad ng pagtatayo ng mga gusali, estruktura at iba pang land improvements
  • Utilities
    Mga kompanyang ang pangunahing layunin ay matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan tulad ng tubig, kuryente at gas. Kasama dito ang paglatag ng mga imprastruktura at angkop na teknolohiya upang maihatid ang nararapat na serbisyo sa lahat ng tao
  • Kahalagahan ng Industriya
    • Nagkakaloob ng Hanapbuhay
    • Kumikita ng Dolyar
    • Nagpoproseso ng mga Hilaw na Materyales
    • Nakagagamit ng Makabagong Teknolohiya
    • Nagsu-supply ng Yaring produkto
  • Nagkakaloob ng Hanapbuhay
    • Pinakamaraming manggagawa ang nasa pagmamanupaktura
    • Mga pagawaan, pabrika, at tindahan na nagproprodyus ng mga produkto
  • Kumikita ng Dolyar
    • Malaki ang ambag ng produktong elektroniks, semi conductor at textiles sa kita ng bansa mula sa pag-eexport
    • Madaling ipagbili ang mga produkto ng industriya sa pamilihan sapagkat hindi madaling mabulok at masira
  • Nagpoproseso ng mga Hilaw na Materyales
    • Mga hilaw na materyales at produktong agricultural na binili mula sa sektor ng agrikultura ay pinoproseso ng industriyal upang makalikha ng mga produkto na kailangan sa pamumuhay ng tao at ekonomiya
  • Nakagagamit ng Makabagong Teknolohiya
    • Bumibili ng makabagong makinaryang pamproduksiyon na gagamitin upang paunlarin ang indutsriya at mapabilis ang gawain nito
  • Nagsu-supply ng Yaring produkto
    • Mga bagong teknolohiya, mga nagtataasang gusali, modernong pasilidad ng komunikasyon at transportasyon, makinarya sa pagsasaka, mataas na uri ng binhi at imprastruktura para sa agrikultura
  • Kahinaan ng sektor ng industriya
    1. policy inconsistency
    2. inadequate investment
    3. macroeconomic volatility and political instability
  • Policy Inconsistency
    • Ang kahinaan ng pamahalaan na magkaroon ng mga polisiyang susuporta sa pagpapalakas ng industriya
  • Inadequate Investment
    • Ang pamumuhunan ay mahalaga upang malinang ang teknolohiya at mapalakas ang kasalukuyang industriya
    • Kung may sapat na kakayahang pinansyal, mas madali sa isang bansa na magbago ng negosyo at magpokus sa mga produktong may mataas na demand
    • Dahil sa mababang antas ng pamumuhunan sa Pilipinas kompara sa mga karatig bansa, nahing mahirap para sa mga negosyante na mapalakas ang teknolohiya o magbago ng mga produktong ginagawa
  • Macroeconomic Volatility and Political Instability
    • Ang kahinaan ng mga elemento ng makroekonomiks at ang kaguluhang politikal sa bansa sa iba't ibang panahon ay nagtulak sa mga lokal at dayuhang mamumuhunan na huwag magnegosyo sa bansa
    • Bunga nito ang mababang antas ng pamumuhunan na nagresulta sa matamlay na industriya at mabuway na ekonomiya