Pang-Abay

Cards (15)

  • Ano ang pang-abay?
    Ang pang-abay ay mga salitang nagbibigay-turing sa isang pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.
  • Ano ang Pang-Abay na Ingklitik?
    Ito ay mga katagang laging sumusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan.
  • (Pang-Abay na Salita o Parirala) Ano ang Pang-abay na Pamaraan?
    Ito ay sumasagot sa tanong na PAANO.
  • (Pang-Abay na Salita o Parirala) Ano ang Pang-Abay na Pamanahon?
    Ito ay sumasagot sa tanong na KAILAN.
  • (Pang-Abay na Salita o Parirala) Ano ang tatlong uri ng Pang-Abay na Pamanahon?
    may pananda (nang, sa, noon…), walang pananda (kahapon, kanina, ngayon…), nagsasaad ng dalas (araw-araw, taon-taon, tuwing umaga…)
  • (Pang-Abay na Salita o Parirala) Ano ang Pang-Abay na Panlunan?
    Ito ay sumasagot sa tanong na SAAN.
  • (Pang-Abay na Salita o Parirala) Ano ang Pang-Abay na Panggaano?
    Ito ay sumasagot sa tanong na GAANO o MAGKANO.
  • (Pang-Abay na Salita o Parirala) Ano ang Pang-Abay na Pang-agam?

    marahil, siguro, tila…
  • (Pang-Abay na Salita o Parirala) Ano ang Pang-Abay na Panang-ayon?

    oo, opo, tunay…
  • (Pang-Abay na Salita o Parirala) Ano ang Pang-Abay na Pananggi?
    hindi, di, ayaw
  • (Pang-Abay na Salita o Parirala) Ano ang Pang-Abay na Panulad?
    pareho, mas, mabuti…
  • (Pang-Abay na Salita o Parirala) Ano ang Pang-Abay na Kundisyunal?
    kung, kapag, pag/pagka
  • (Pang-Abay na Salita o Parirala) Ano ang Pang-Abay na Kusatibo?
    dahil sa
  • (Pang-Abay na Salita o Parirala) Ano ang Pang-Abay na Benepaktibo?
    para sa, para kay
  • (Pang-Abay na Salita o Parirala) Ano ang Pang-Abay na Pangkaukulan?
    tungkol, hinggil, ukol