ARALIN 4.2: Patakaran sa Pananalapi ng Pilipinas (AP)

Cards (32)

    • Araw-araw ay kailangan natin ng pera o salapi upang mabili ang mga naisin nating mga produkto at serbisyo upang matugunan ang ating walang hanggang pangangailangan at kagustuhan. 
  • Ang salapi ay tumutukoy sa mga bagay na pangkalahatang tinatanggap bilang medyum o instrumento na may iba’t-ibang gamit
  • Midyum ng Palitan (Pambayad ng nais bilhin)
    • Halimbawa, ngayong online classes ay nangailangan ka ng pambili ng laptop, cellphone at iba pang kagamitan. Pumunta ka kasama ng iyong magulang sa mga tindahan nito at ikaw ay nagbayad ng katumbas na halaga upang mabili ito.
  • Pamantayan ng Halaga
    • Ang ating binibili ay may halaga, tulad ang isang kilong baboy ay 350.00 piso, ang kendi ay 1.00 piso, ang iyong matrikula (tuition fee) ay nasa 45,000 libong piso, pamasahe sa pampublikong jeep ay 7.00 piso, ang pagpapagupit ng buhok ay 50.00 piso at iba pa.
    • Lagakan ng Halaga
    • Ang iyong hawak na salapi ay maaring itago sa pitaka o ideposito muna sa bangko at maaring gastusin sa takdang panahon. Dapat lamang tandan na may implasyon na maaring makaapekto sa magiging halaga nito kung kailan mo na naising gastusin ito.
  • Pamantayang ng Maantalang Pagbabayad. 
    • Tulad ng mga credit cards, maaring hindi munang hindi bayaran ang biniling produkto o serbisyo.
  • M1 o mga salaping pantransaksiyon tulad ng mga baryang hindi hawak ng bangko, mga banknotes o perang papel at mga checking accounts (tseke).
  • M2 o mga salaping hindi agad magagastos tulad ng time deposit, money market mutual funds at savings deposit sa bangko.
  • Salaping Plastik. Mga halimbawa ay credit card o mga loyalty cards (tulad ng SM Advantage cards at MRT-LRT beep cards) na mga binibigay ng mga establisyimento.
  • M1 o mga salaping pantransaksiyon
  • Bangko Sentral ng Pilipinas
    1. Tagagawa ng Pera
    2. Tagapamahala ng Pondo ng Pamahalaan
    3. Tagapa-utang sa mga bangko kung kinapos ng pondo
    4. Tagapangasiwa ng mga reserbang pera ng mga dayuhan at reserbang ginto.
    5. Tagaayos ng operasyon sa institusyon sa pananalapi
  • Matibay - Ang salapi ay hindi agad-agad nasisira, nabubulok, napupunit at nananatili ang hugis, anyo at sangkap sa matagal na panahon. 
  • Mabubuhat - Kahit saan ay maaring dalhin para sa madaliang transaksiyon. Ang pera ay maaring barya at may gawa sa papel na mas magaan sa bulsa.
  • Mahahati - Ang salapi ay nahahati sa iba’t-ibang halaga, may piso, limampiso, sampung piso at iba pa. Ang mga malalaking naman tulad ng isang libong piso ay nahahati sa iba’t-ibang halaga.
  • Kakaunti - Ang opisyal na tagagawa ng salapi sa ating bansa ay ang Bangko Sentral ng Pilipinas. Sila lamang ang binigyan ng Karapatan sa pagdidisenyo at paggawa upang maiwasan ang paggawa ng pekeng pera (counterfeit money).
  • Matatag - Ang katatagan  ng salapi ay hindi basta naapektuhan ng implasyon at deplasyon at pinamamahalaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
  • Minting ang tawag sa paggawa ng perang barya.
  • BSP Coin Series at ang New Generation Currency Coin
    • Tawag sa Bagong Salapi ng Pilipinas
  • 20 pesos
    • Obverse: Manuel L. Quezon, Declaration of Filipino as the national language, Malacañan Palace
    • Reverse: Banaue Rice Terraces; Palm Civet; Cordilleras weave design
  • 50 pesos
    • Obverse:  Sergio Osmeña, First Philippine Assembly, Leyte Landing
    • Reverse:  Taal Lake in Batangas; Maliputo (Giant trevally); Batangas embroidery
  • 100 pesos
    Obverse: Manuel A. Roxas, Old BSP building in Intramuros, Manila, Inauguration of the Third Philippine Republic
    Reverse: Mayon Volcano in Albay; Butanding, (whale shark); Bicol textile design
  • 200 pesos
    • Obverse: Diosdado P. Macapagal, EDSA People Power 2001, Aguinaldo Shrine in Kawit, Cavite, Barasoain Church in Malolos, Bulacan
    Reverse: Chocolate Hills in Bohol; Philippine Tarsier; Visayas weave design
  • 500 pesos
    • Obverse: Corazon C. Aquino, Benigno S. Aquino, Jr., EDSA People Power I, Benigno Aquino monument in Makati City
    • Reverse: Subterranean Underground River in Puerto Princesa, Palawan, Blue-Naped Parrot; Southern Philippines cloth design
  • 1000 pesos
    • Obverse: José Abad Santos, Vicente Lim, Josefa Llanes Escoda
    Reverse: Tubbataha Reefs Natural Park in Sulu Sea; Pinctada maxima, South Sea Pearl; Mindanao design for Tinalak (Ikat-dyed abaca)
  • Piloncitos - ang unang barya ng Pilipinas
  • Nagsimula ito sa Manila-Acapulco Galleon Trade noong 1565.
  • Cobs o macuquinas - ang mga unang barya na naipadala mula sa mga Galleon ng Mexico at iba pang Espanyol na kolonya.
  • El Banco Espanol Filipino de Isabel II
    • ang unang bangko ng bansa
    • Bank of the Philippine Islands ngayon
  • pesos fuertes - unang perang papel na ipinakalat sa buong bansa.
    • Ang pagsasapilipino ng mga barya ay naganap noong dekada sesenta. 
  • Sa pagkatatag Central Bank of the Philippines noong Enero 3, 1949, ang unang perang naipalabas ay ang mga English series notes at mga baryang nahulma sa US Bureau of Mint.
    • Noong dekada setenta naman, ang mga Ang Bagong Lipunan series notes ang naipaikot. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pera ng pilipinas noong naipalabas ang mga barayang flora at fauna noong 1983. Tampok sa series na ito ang mga pambansang bayani at iba’t ibang uri ng mga flora at fauna ng Pilipinas.