ANG KILUSANG PROPAGANDA

Cards (24)

  • ANG KILUSANG PROPAGANDA - Aralin 3
  • Kilusang binubuo ng mga intelekwal sa gitnang uri tulad Nina:
    1. Jose Rizal
    2. Marcelo H. Del Pilar
    3. Graciano Lopez-Jaena
    4. Antonio Luna
    5. Mariano Ponce
    6. Jose Ma. Panganiban
    7. Pedro Paterno
    at iba pa.
  • Intelekwal - Ang Kilusang ito ay binubuo ng mga?
  • Layunin ng Kilusang Propaganda - paghingi ng reporma o pagbabago.
  • Layunin ng KILUSANG PROPAGANDA
    1. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas.
    2. Gawing lalawigan ng Espanya Ang Pilipinas.
    3. Panumbalikin Ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya.
    4. Gawing mga Pilipino Ang mga kura-paruko.
    5. Ibigay Ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita, pagtitipon o pagpupulong, at pagpapahayag ng kanilang mga karaingan.
  • ANG MGA PROPAGANDISTA:
    1. Dr. Jose P. Rizal
    2. Marcelo H. Del Pilar
    3. Graciano Lopez-Jaena
    4. Antonio Luna
    5. Mariano Ponce
    6. Pedro Paterno
    7. Jose Ma. Panganiban
    8. Pascual Poblete
  • Dr. Jose P. Rizal - gumamit ng dalawang sagisag panulat. Siya Ang nagtatag ng LA LIGA FILIPINA. Gumamit na sagisag panulat na LAONG-LAAN at DIMASALANG.
  • Marcelo H. Del Pilar - gumamit ng iba't ibang sagisag panulat:
    1. PLARIDEL
    2. PUPDOH
    3. PIPING DILAT
    4. DOLORES MANAPAT
  • Graciano Lopez-Jaena - kinilalang manunulat at mananalumpati sa "Gintong Panahon ng Panitikan at Pananalumpati". Itinatag niya Ang kauna-unahang magasin, Ang LA SOLIDARIDAD na naging opisyal na bibig ng "Asociation Hispano Filipino".
  • Antonio Luna - Isang parmasyotikong dinakip at ipinatapon ng mga kastila sa Espanya. Sumanib sa Kilusang PROPAGANDA. Ang paksa ng kanyang mga isinusulat ay nauukol sa mga kaugaliang Pilipino, at ang iba'y tumutuligsa sa pamamalakad ng mga kastila. Ginamit niyang sagisag-panulat ay TAGA-ILOG.
  • Mariano Ponce -
    1. Naging tagapamahalang patnugot, mananalambuhay at mananaliksik ng Kilusang Propaganda.
    2. Mga sagisag-panulat na ginamit: TIKBALANG; KALIPULAKO at NANING.
    3. Tungkol sa kahalagahan ng edukasyon ang karaniwang paksa ng kanyang mga sanaysay. Inilahad din niya ang pang-aapi ng mga banyaga at ang karaingan ng bayan.
  • Pedro Paterno -
    1. Isang iskolar, dramaturgo, mananaliksik, at nobelista sa Kilusang Propaganda.
    2. Sumapi sa Kapatiran ng mga mason at sa Asociation Hispano Filipino.
    3. Unang manunulat na nakalaya sa sensura sa Panitikan sa mga huling Araw ng pananakop ng kastila.
  • Jose Ma. Panganiban -
    1. Itinago Ang tunay na pangalan sa ilalim ng sagisag na JOMAPA.
    2. Kilala sa pagkakaroon ng "MEMORIA FOTOGRAFICA"
  • Pascual Poblete -
    1. Kabilang siya sa dalawang Panahon ng Panitikang Pilipino: KASTILA AT AMERIKANO. Mamahayag, makata, mandudula, nobelista, at mananalaysay.
    2. Itinatag niya at pinamatnugutan Ang pahayagang "EL RESUMEN".
    3. Sa Panahon ng AMERIKANO, itinatag niya Ang pahayagang "EL GRITO DEL PUEBLO" at "ANG TINIG NG BAYAN".
    4. Siya Ang kauna-unahang Pilipino na nagsalin sa Filipino ng NOLI ME TANGERE ni Jose Rizal. Siya ay kinilalang "AMA NG PAHAYAGANG TAGALOG".
  • MGA PAHAYAGAN NOONG PANAHON NG HIMAGSIKAN
    • Hindi naging mabisa noong Panahon ng Himagsikan Ang mga katha.
    • Ang mga sanaysay at Pahayagan Ang naging behikulo sa pagbabatid sa mga tao ng mga tunay na nangyayari sa kapaligiran.
    • Ito Ang naging mabisang taga-akay sa mga tao upang tahakin Ang landas tungo sa pagkakaroon ng kalayaan.
  • ILAN SA MGA PAHAYAGAN NOON ANG:
    1. KALAYAAN
    2. DIARIO DE MANILA
    3. EL HERALDO DE LA REVOLICION
    4. LA INDEPENDENCIA
    5. LA REPUBLIKA FILIPINA
    6. ANG BAYANG KAHAPIS-HAPIS
    7. ANG KAIBIGAN NG BAYAN
    8. ANG KALAYAAN
  • KALAYAAN —
    1. Ang pamansag ng Katipunan.
    2. Itinatag ito noong 1896
    3. Pinamatnugutan ito ni PIO VALENZUELA.
  • DIARIO DE MANILA
    1. Ang pantulong ng Kalayaan.
    2. Natagpuan ng mga kastila ang limbangan nito kaya't may katibayan Sila sa mga Plano ng mga Katipunero.
  • EL HERALDO DE LA REVOLICION
    1. Limbag ito sa UNANG Republika ng Pilipinas noong 1898.
    2. Itinaguyod nito Ang kaisipang pampulitika.
    3. Nang lumaon, naging HERALDO FILIPINO ang pangalan nito at kalaunan ay naging Indice Official at Gaceta de Filipinas.
    4. Tumagal ang pahayagang ito mula ika-28 ng Desyembre, 1898 Hanggang kalagitnaan ng 1899.
    5. Layon nitong pang damdaming makabayan tulad din ng mga naunang Pahayagan.
  • LA INDEPENDENCIA
    1. Naging patnugot nito si Antonio Luna.
    2. Itinatag ito noong ika-3 ng Setyembre, 1898.
  • LA REPUBLIKA FILIPINA —
    1. Pinamatnugutan at itinatag ni Pedro Paterno noong 1898.
  • ANG BAYANG KAHAPIS-HAPIS —
    1. Ito Ang pahayagang lumabas noong ika-24 ng Agosto, 1899.
  • ANG KAIBIGAN NG BAYAN
    1. Ang pahayagang ito'y lumabas noong 1898.
  • ANG KALAYAAN —
    1. Ito Ang pahayagang tagapamalitang Tagalog at Capampangan, Tarlac, 1899.