ap

Cards (83)

  • Pambansang Kaunlaran
    Kakayahan ng isang bansa na masuportahan ang lahat ng pangangailangan ng tao para sa matiwasay na pamumuhay at takbo ng ekonomiya ng isang bansa
  • Pambansang Kaunlaran
    Nagsasabi kung ang isang lipunan nagampanan ang kabutihan para sa panlipunang kapakanan tulad ng edukasyon, kalusugan, imprastraktura at iba pang serbisyong panlipunan
  • Pambansang Kaunlaran

    Paggamit ng mga makabagong teknolohiya at kagamitan, pangkalahatang pagbabagong pangkabuhayang gawain mula agrikultura patungo sa sektor ng industriya
  • Mga Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
    • Pagkakaroon ng pagsulong ng isang bansa
    • Mga pagbabago sa lipunan gaya ng pagtatayo ng mga bagong istruktura
  • Ayon kay feliciano R. fajardo
    • pag kakaiba ng pag sulong at pag unlad
  • Pag unlad - progresibo at aktibong proseso
  • pag sulong - nakikita at nasusukat sa mga bagay tulad ng daan sasakyan, kabahayan, gusali, pagamutan, bangko, paaralan, at iba pa.
  • Mga salik sa Pag unlad at Pag sulong:
    • likas na yaman
    • yamang tao
    • kapital
    • teknolohiya at inobasyon
  • Likas ng yaman - malaki ang naitutulong ng mga likas na yaman sa pag sulong ng ekonomiya, lalo na ang mga yamang-lupa, tubig, kagubatan, at mineral
  • Yamang Tao - Mahalagang salik sa pag sulong ng ekonomiya ang lakas paggawa
  • Kapital - lubhang mahalaga ang kalital sa paglalago ng ekonomiya ng isang bansa, sa tulong ng mga kapital tulad ng mga makina sa mga pagawaan, nakalilikha ng mas maraming produkto at serbisyo
  • Teknolohiya at Inobasyon - sa pamamagitan ng mga salik na ito, nagagamit nang mas episyente ang iba pang pinagkukunang yaman upang mas maparami pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo
  • Ang Sektor ng Agrikultura sa Pilipinas: - Lawak ng Teritoryo: Ang Pilipinas ay binubuo ng humigit kumulang sa 7,100 isla. Dahil sa lawak at dami ng mga lupain, napabilang ang Pilipinas sa bansang agrikultural dahil malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing pang-agrikultura.
  • Mahalagang Bahagi ng Ekonomiya - Ang agrikultura ay mahalagang bahagi ng ekonomiya, na nagtataguyod sa malaking bahagdan nito dahil umaasa ang lahat ng sektor sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon.
  • Tamang pagboto:
    • Pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga kandidato bago pumili ng iboboto. Suriin ang mga isyung pangkaunlaran ng bansa para malaman kung sino ang may malalim na kabatiran sa mga ito.
  • Pagtutupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad:
    • Manguna sa pagbuo at pagpapatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa komunidad.
  • Ambag sa GDP: Noong 2020, ang may pinakamalaking porsyentong ambag sa kabuuang GDP ng Pilipinas ay ang sub-sektor ng paghahalaman na mayroong 53.7%. Sumunod naman ang paghahayupan na may 17.3% para sa livestock at 13% naman para sa poultry. Ang pangingisda naman ay mayroong 16% na ambag.
  • Pangunahing Pananim:
    • Maraming pangunahing pananim sa Pilipinas tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka. Ang mga ito ay kinokonsumo sa loob at labas ng bansa.
  • Kabuuang Kita:
    • Noong 2012, tinatayang umabot sa Php797.731 bilyon ang kabuuang kita ng sekondaryang sektor ng paghahalaman. Ito ay nagmula sa mga produktong palay, mais, at iba pang pangunahing pananim ng Pilipinas, kasama na rin ang mga produktong gulay.
  • PAGHAHAYUPAN: -Binubuo ng Paghahayupan: Ang paghahayupan ay binubuo ng pagaalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, pato, at iba pa. Ito ay nakatutulong sa pagsuplay ng pangangailangan sa karne at iba pang pagkain.
  • PANGINGISDA: - Bilang Isa sa Pinakamalaking Tagatustos ng Isda: Tinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Mayroong malalaking daungan ng mga huling isda sa bansa.
  • Uri ng Pangingisda:
    • Ang pangingisda ay nahahati sa tatlo - komersiyal, munisipal, at aquaculture.
  • Pangunahing Pangekonomikong Gawain:
    • Ang paggugubat ay isang pangunahing pangekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at veneer.
  • Iba't ibang Produkto:
    • Bukod sa mga nabanggit na produkto, pinagkakakitaan din ang rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan, at dagta ng almaciga.
  • pangunahing pinagmumulan ng Pagkain ng mga mamamayan:
    • Ang agrikultura ang pangunahing pinagmumulan ng pagkain ng mga mamamayan. Mahalaga ito upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain ng sambayanan.
  • nagkakaloob ng Hanapbuhay:
    • Nagbibigay ng maraming trabaho ang sektor ng agrikultura. Pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga mamamayang Pilipino ang agrikultura.
  • minagmumulan ng mga Hilaw na Materyal:
    • Ang agrikultura ay nagbibigay ng mga hilaw na materyal na kailangan ng iba't ibang industriya. Ito ay kinakailangan upang maisagawa ang mga gawain sa sektor ng industriya.
  • Pinanggagalingan ng Dolyar:
    • Ang mga produktong agrikultural na ipinapadala sa pandaigdigang pamilihan ay isang mahalagang pinagkukunan ng dolyar para sa bansa. Ito ay nagbibigay ng dagdag na kita sa Pilipinas mula sa panlabas na pakikipagkalakan.
  • Mababang presyo ng produktong agrikultural:
    • Ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto ay nagreresulta sa mababang presyo ng mga ani ng mga magsasaka at mangingisda. Ito ay nagdudulot ng paghihirap sa kanila na makakuha ng malaking tubo para sa kanilang pangangailangan.
  • Kakulangan ng sapat na imprastraktura at puhunan:
    • Ang mabagal na pag-unlad ng agrikultura ay dulot ng kakulangan sa imprastraktura at puhunan. Ang mga produktong agrikultura ay hindi napakikinabangan dahil sa kawalan ng maayos na imbakan at transportasyon.
  • Kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya:
    • Ang mga magsasaka ay patuloy na gumagamit ng lumang kagamitan sa pagsasaka, na nagreresulta sa mabagal na produksiyon. Ang kakulangan sa edukasyon ay nagiging hadlang sa pagtuturo sa kanila ng paggamit ng makabagong teknolohiya at makinarya.
  • Paglaganap ng sakit at peste:
    • Ang mga hayop at halaman ay apektado ng mga sakit at peste na dulot ng mga virus at bakterya. Ito ay nagdudulot ng pagkamatay ng mga hayop at hindi pagkakakuha ng benepisyo mula sa kanila.
  • Pagdagsa ng mga dayuhang produkto:
    • Ang globalisasyon at liberalisasyon ay nagdudulot ng pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihan. Ito ay nagreresulta sa kakompetensya sa mga lokal na produkto, na maaaring magdulot ng paghihirap sa lokal na mga magsasaka at prodyuser.
  • Republic Act 1400 o Land Reform Act of 1955:
    • Inilabas sa panahon ni Pangulong Ramon Magsaysay, layuning mabili ng pamahalaan ang mga pribadong lupang sakahan upang ibenta sa mga nananakahan dito.
  • Republic Act 3844 o Agricultural Land Reform Code:
    • Sa panahon ni Pangulong Diosdado Macapagal, pinalawig nito ang batas sa reporma sa lupa, layunin nitong matanggal ang sistema ng pananakahan at ipamahagi ang lupa sa mga magsasaka.
  • Code of Agrarian Reform o Presidential Decree 2:
    • Sa panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos, itinatag ang Department of Agrarian Reform at inatasang ang bawat magsasaka ng bigas at mais ay dapat magkaroon ng limang ektaryang parte sa lupang kanilang sinasaka.
  • Republic Act 6657 o Comprehensive Agrarian Reform Law:
    • Isinabatas sa panahon ni Pangulong Corazon Aquino, layunin nitong ipamahagi ang lahat ng pampubliko at malalaking pribadong sakahan sa mga magsasakang walang sariling lupain.
  • Philippine Development Plan 2011-2016: Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Noynoy Aquino, ito ay naglalaman ng estratehiya ng pamahalaan para sa paglago ng iba't ibang bahagi ng ekonomiya, kabilang ang sektor ng agrikultura.
  • Pagmimina:
    • Ito ang sektor kung saan kinukuha at dinadala sa proseso ang mga metal, di-metal, at enerhiyang mineral upang gawing tapos na mga produkto o bahagi ng iba't ibang kalakal.
  • Ang pagmamanupaktura ay proseso ng paggawa ng mga produkto gamit ang manual na paggawa o mga makina.