Pagbasa Prelim Reviewer

Cards (22)

  • Etika
    Tumutukoy sa nakaugaliang pamamaraan ng pamumuhay at pakikipagkapwa
  • Etika
    Tumutukoy sa mga pamantayan ng pagkilos at pag-uugali batay sa mga katanggap-tanggap na ideya sa kung ano ang tama at mali
  • Etika
    Isang sangay ng pag-aaral na nakapokus sa mga prinsipyo at paniniwala sa kung ano ang mabuti at nararapat
  • Plagiarism
    Tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at ideya nang walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito
  • Plagiarism
    Paglabag ang redundant publication, kung saan nagpapasa ang isang mananaliksik ng iisang pag-aaral sa dalawang magkaibang refereed journal para sa publikasyon
  • Disenyo ng Pananaliksik
    Detalyadong balangkas ng pagsasagawa ng imbestigasyon
  • Disenyo ng Pananaliksik

    Naglalaman ng paraan ng pangangalap, presentasyon, at pagsusuri ng datos
  • Disenyo ng Pananaliksik
    Pagiging kuwantitatibo (quantitative) o kuwalitatibo (qualitative) ng pananaliksik
  • Kuwantitatibong Pananaliksik

    Sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba't ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng matematika, estadistika, at mga teknik na gumagamit ng komputasyon
  • Kuwalitatibong Pananaliksik
    May layuning malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito
  • Deskriptibong Pananaliksik
    Pinag-aaralan ang pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan, at kalagayan
  • Historikal na Pananaliksik
    Gumagamit ng iba't ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos upang makabuo ng mga kongklusyon hinggil sa nakaraan
  • Aksiyong Pananaliksik
    Habang isinasagawa ang pananaliksik ay bumubuo rin ng mga plano at estratehiya ang mananaliksik kung paano siya makapagbibigay ng makabuluhang rekomendasyon
  • Case Study
    Naglalayong unawain ang isang partikular na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang kongklusyon sa iba't ibang paksa ng pag-aaral
  • Case Study
    • Kahirapan sa Pagkatuto ng Ikalawang Wika: Kaso ng Ilang Mag-aaral na may Dalawang Pagkamamamayan
  • Normative
    Madalas na inihahanay sa deskriptibong uri ng pananaliksik dahil naglalayon itong maglarawan ng anumang paksa
  • Etnograpiya
    Isang uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na nag-iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay, at iba't ibang gawi ng isang komunidad sa pamamagitan ng pakikisalamuha rito
  • Komparatibong Pananaliksik
    Naglalayong maghambing ng anumang konsepto, kultura, bagay, pangyayari, at iba pa
  • Eksploratori
    Isinasagawa kung wala pang gaanong pag-aaral na naisagawa tungkol sa isang paksa o suliranin
  • Metodolohiya
    Sistematikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan at proseso ng imbestigasyon na ginagamit sa pangangalap ng datos sa isang pananaliksik
  • Sarbey
    Sinusuri sa pamamagitan ng iba't ibang estadistikal na pamamaraan
  • Panayam
    Naglalaman ng mga simpleng tanong upang kumuha ng malalim at malawak na impormasyon mula kalahok