Ang salitang politika ay galing sa salitang Griyego na "polis" na nangangahulugang mga gawain sa isang lungsod estado, habang ang pakikilahok ay galing naman sa salitang Latin na "participatio" na ang ibig sabihin ay makisali, o makibahagi. Samakatuwid, ang Politikal na Pakikilahok ay tumutukoy sa mga gawain ng mga tao na may kinalaman sa pamamahala ng mga lungsod estado, at sa kasalukuyan ay ang pakikibahagi sa pamamalakad ng ating bansa.