INTERAKSYON NG SUPPLY AT DEMAND

Cards (21)

  • Interaksyon
    Ang pakikipag-ugnayan ng konsyumer at prodyuser
  • Kapag nagkakasundo ang konsumer at prodyuser sa iisang presyo
    Ano ang nangyayari
  • Demand
    Ang dami ng produkto o serbisyo na gustong bilhin ng mga konsyumer
  • Supply
    Ang dami ng produkto o serbisyo na handang ipagbili ng mga prodyuser
  • Pamilihan
    Lugar kung saan nagkakaroon ng transaksyon ang mga konsyumer at prodyuser
  • Larawan-suri
    • Ganda, bili ka na, 60 pesos lang ang kada kilo ng mansanas at papaya
    • Kuya, 100 na lang ho, tig-isang kilo ng mansanas at papaya
  • Pamprosesong Tanong
    1. Ano ang ipinapakita sa larawan?
    2. Naranasan mo na ba ang ipinapakita sa larawan?
    3. Ibahagi ang karanasan
    4. Ilarawan ang tungkulin mo bilang konsumer at ng iyong ka transaksyon (prodyuser) gaya ng nasa larawan
  • Ekwilibriyo
    Nagaganap kapag nakatamo ng kasiyahan ang parehong konsyumer at prodyuser
  • Ekwilibriyo
    Isang kalagayan sa pamilihan na ang dami at kayang bilhing produkto o serbisyo ng konsyumer (QD) at ang dami at handang ipagbiling produkto o serbisyo ng prodyuser (QS) ay pareho ayon sa presyong kanilang napagkasunduan
  • Ekwilibriyong presyo
    Napagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser
  • Ekwilibriyong dami
    Napagkasunduang bilang ng produkto o serbisyo
  • Mga uri ng ekwilibriyo
    • Market Schedule
    • Market Curve
    • Market Function
  • Market Schedule
    1. QUANTITY DEMANDED
    2. PRESYO
    3. QUANTITY SUPPLIED
  • Market Curve
    1. QD
    2. P
    3. QS
  • Market Function
    1. QD = 60 - 10P
    2. QS = 0 + 10P
    3. Ekwilibriyong presyo (P*) = 3
    4. Ekwilibriyong dami (Q*) = 30
  • Larawan-suri
    • Ganda, bili ka na, 60 pesos lang ang kada kilo ng mansanas at papaya
    • Kuya, 100 na lang ho, tig-isang kilo ng mansanas at papaya
    • Naku! Hindi kaya. Malulugi naman ako niyan.
  • disEkwilibriyo
    Anumang sitwasyon o kalagayan na hindi pareho ang Quantity Demanded (QD) sa Quantity Supplied (QS) sa isang presyo
  • Uri ng disEkwilibriyo
    • Shortage (Kakulangan)
    • Surplus (Kalabisan)
  • Shortage
    Mas mataas ang Quantity Demanded kaysa Quantity Supplied (QD > QS)
  • Surplus
    Mas mataas ang Quantity Supplied kaysa Quantity Demanded (QS > QD)
  • Tayahin
    1. Gumawa ng Market Curve mula sa Market Schedule
    2. Ano ang presyo ng ekwilibriyo ng graph?
    3. Ano ang ekwilibriyong dami ng graph?
    4. Sa anong mga presyo nagkaroon ng surplus?
    5. Sa anong presyo nagkaroon ng shortage?
    6. Ipaliwanag ang konsepto ng disekwilibriyo