ISTRUKTURA NG PAMILIHAN

Cards (8)

  • Pamilihan
    Isang mekanismo o lugar na nagtatagpo ang mga mamimili at nagtitinda ng mga produkto. Lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami niyang pangangailangan at kagustuhan sa (produkto at serbisyo)
  • Istruktura ng Pamilihan
    Antas o uri ng kompetisyon sa mga bahay-kalakal na kabilang sa iisang industriya
  • Uri ng Istruktura ng Pamilihan
    • Ganap/Perpekto
    • Di Ganap/Perpekto
    • Monopolyo
    • Monopsonyo
    • Oligopolyo
    • Monopolistic Competition
  • Pamilihang may Ganap na Kompetisyon
    • Mataas na kalidad ng produkto
    • Hindi makatotohanan; Sobra-sayang
  • Oligopolyo
    • May maliit na bilang o iilan lamang na prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto at serbisyo
    • Hoarding - pagtatago ng produkto upang magkulang ang supply sa pamilihan na magdudulot ng pagtaas ng pangkalahatang presyo
    • Collusion - sabwatan ng mga negosyante
    • Kartel - hayagang collusion (alliances of enterprises)
  • Monopolyo
    • Iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto at nagbibigay-serbisyo kaya't walang pamalit o kahalili
    • Copyright - isang uri ng intellectual property right (literary works, akdang pansining)
    • Patent - ipinagkakaloob ng gobyerno sa isang imbentor upang mapagbawalan ang iba na gawin, gamitin, ibenta, ang imbensiyon niya kapalit ng pagsisiwalat sa publiko ng mga detalye ng kaniyang imbensiyon
    • Trademark - simbolo o marka sa mga produkto at serbisyo na siyang nagsisilbing pagkakakilanlan
  • Monopsonyo
    • Iisang konsyumer ngunit maraming prodyuser ng produkto at serbisyo
  • Monopolistic Competition
    • Maraming kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng mga produkto sa pamilihan subalit marami rin ang mga konsyumer
    • Product differentiation - magkakapareho ngunit hindi eksaktong magkakahawig
    • Advertisement