PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA

Cards (15)

  • Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng bansa
  • Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon, masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng atng ekonomiya at malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa
  • Gross National Income (GNI)

    Tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa sa isang takdang panahon
  • Ang halaga ng mga tapos o nabuong produkto at serbisyo lamang ang isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income (GNI)
  • Ang GNI ay sinusukat gamit ang salapi ng isang bansa. Para sa paghahambing, ginagamit na pamantayan ang dolyar ng US
  • Hindi isinasama sa GNI ang halaga ng hilaw na sangkap sa proseso ng produksiyon upang maiwasan ang duplikasyon sa pagbibilang
  • Hindi isinasama sa GNI ang pampamilihang gawain, kung walang kinikitang salapi (pagtatanim sa bakuran) at impormal na sektor o underground economy (paglalako)
  • Ang mga produktong segunda mano ay hindi rin kabilang sa pagkuwenta ng GNI dahil isinama na ang halaga nito noong ito ay bagong gawa pa lamang
  • Gross Domestic Product (GDP)

    Sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa
  • Mga paraan ng pagsukat sa GNI at GDP
    • Pamamaraan batay sa gastos (expenditure approach)
    • Pamamaraan batay sa kita ng sangkap ng produksiyon (income approach)
    • Pamamaraan batay sa pinagmulang industriya (industrial origin approach)
  • Pamamaraan batay sa gastos (expenditure approach)
    1. Gastusing personal (C)
    2. Gastusin ng mga namumuhunan (I)
    3. Gastusin ng pamahalaan (G)
    4. Gastusin ng panlabas na sektor (X - M)
    5. Statistical discrepancy (SD)
    6. Net factor income from abroad (NFIFA)
  • Ang formula sa pagkuwenta ng Gross National Income sa pamamaraan batay sa paggasta o expenditure approach ay: GNI = C + I + G + (X -M) + SD + NFIFA
  • Pamamaraan batay sa pinagmulang industriya (industrial origin approach)
    1. Pagsasamahin ang kabuuang halaga ng produksiyon ng mga pangunahing industriya sa bansa (sektor ng agrikultura, industriya, at serbisyo)
    2. Isasama ang Net Factor Income from Abroad o Net Primary Income sa kompyutasyon upang masukat ang Gross National Income (GNI) ng bansa
  • Pamamaraan batay sa kita (income approach)
    1. Sahod ng mga manggagawa
    2. Net operating surplus
    3. Depresasyon
    4. Di-tuwirang buwis - subsidiya
  • Simile is a comparison that uses like or as