Nagbibigay ng impormasyon kung paano isagawa ang isang bagay o gawain. Pinapakita ang mga impormasyon sa "Chronological" na paraan.
Layunin ng tekstong prosidyural
Magbigay ng panuto sa mambabasa para maisagawa nang maayos ang isang gawain
Iba't ibang uri ng tekstong prosidyural
Paraan ng pagluluto (Recipes)
Panuto (Instructions)
Panuntunan sa mga laro (Rules for the game)
Manwal (Manual)
Mga eksperimento (Experiments)
Pagbibigay ng direksyon (Giving directions)
Apat na pangunahing bahagi ng tekstong prosidyural
Layunin
Mga Kagamitan / Sangkap
Hakbang/Metodo (steps or methods)
Konklusyon/Ebalwasyon
Karaniwang pagkakaayos/pagkakabuo ng tekstong prosidyural
Pamagat
Seksyon
Subheading
Mga larawan o visuals
Mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng tekstong prosidyural
Ilarawan nang malinaw ang mga dapat isakatuparan
Magbigay ng detalyadong deskripsyon
Isaalang-alangkung sino-sino ang mambabasa
Gumamit ng tiyak na wika at mga salita
Ilista ang lahat ng gagamitin
Ito ay laging nakasulat sa ikatlong panauhan (third person point of view)
Tekstong argumentatibo
Isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa gamit ang mga ebidensiya
Mga halimbawa ng tekstong argumentatibo
Tesis
Posisyong papel
Papel na pananaliksik
Editorial
Petisyon
Debate (pakikipagtalo na maaaring nakasulat o binibigkas gaya ng balagtasan)
Mga elemento ng pangangatuwiran
Proposisyon
Argumento
Proposisyon
Ang pahayag na inilahad upang pagtalunan o pag-usapan
Mga halimbawa ng proposisyon
Dapat na ipasa ang Divorce Bill upang mabawasan ang karahasan laban sa kababaihan
Mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang multilingual education kaysa sa bilingual education
Argumento
Ang paglalatag ng mga ebidensya upang maging makatuwiran ang isang panig
Katangian at nilalaman ng isang mahusay na tekstong argumentatibo
Mahalaga at napapanahong paksa
Maikli ngunit malaman
Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto
Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng argumento
Matibay na ebidensiya para sa argumento
Tekstong nanghihikayat
Nakabatay sa opinyon
Walang pagsasaalang-alang sa kasalungat na pananaw
Nanghihikayat sa pamamagitan ng apela sa emosyon at nakabatay ang kredibilidad sa karakter ng nagsasalita, at hindi sa merito ng ebidensiya at katwiran
Nakabatay sa emosyon
Tekstong argumentatibo
Nakabatay sa mga totoong ebidensiya
May pagsasaalang-alang sa kasalungat na pananaw
Ang panghihikayat ay nakabatay sa katwiran at mga patunay na inilatag
Nakabatay sa lohika
Mga lihis na pangangatuwiran o falacy
Argumentum ad Hominem (Argumento laban sa karakter)
Argumentum ad Baculum (Paggamit sa pwersa o pananakot)
Argumentum ad Misericordiam (Paghingi ng awa o simmpatya)
Argumentum ad Numerum (Batay sa dami ng naniniwala sa argumento)
Argumentum ad Ignorantiam (Batay sa kawalan ng sapat na ebisensiya)
Cum Hoc Ergo Propter Hoc (Ang pangangatuwiran ay batay sa sabay na pangyayari)
Post Hoc Ergo Propter Hoc (Ang pagmamatuwid ay batay sa magkakasunod-sunod na pattern ng mga pangyayari)
Non Sequitur (Walang kaugnayan)
Paikot-ikot na pangangatuwiran (Circular reasoning)
Padalo-dalos na paglalahat (Hasty Generalization)
Mga paalala sa pagsusulat ng tekstong argumentatibo
Bago pa man sumulat ng tekstong argumentatibo, mabuting magkaroon ng malinaw na pananaw sa paksa
Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksa
Magsagawa ng masusing pananaliksik
Magkaroon ng malinaw na posisyon o panig
Maglatag ng mga ebidensiya upang suportahan ang panig
Isaalang-alang ang mga posibleng argumento laban sa panig
Maglatag ng mga sagot sa mga argumento laban sa panig
Gumamit ng malinaw at tiyak na wika
Magkaroon ng maayos na pagkakasunod-sunod ng mga ideya
Magkaroon ng malinaw na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto
Hindi nagagalingan si Ronald sa musika ng bandang iyan dahil baduy raw manamit ang bokalista
Magagaling na doktor ang mga magulang ng batang iyan. Tiyak na magiging isang magaling na doktor din siya pagdating ng araw
Paikot-ikot na pangangatuwiran (Circular reasoning)
Paulit-ulit ang pahayag at walang malinaw na punto
Paikot-ikot na pangangatuwiran
Tayo ay nagkakasala sapagkat tayo ay makasalanan
Hindi ako nakarating sa pulong dahil lumiban ako nang araw na iyon
Padalo-dalos na paglalahat (Hasty Generalization)
Paggawa ng panlahatang pahayag o kongklusyon batay lamang sa iilang patunay o katibayang may kinikilingan. Bumubuo ng argumento nang walang gaanong batayan
Padalo-dalos na paglalahat
Nang minsan akong dumaan sa lugar na iyan ay nadukutan ako. Kaya huwag kang mapapagawi diyan dahil pawang mandurukot ang mga nariyan
Masarap magluto ang kusinera naming Bisaya. Magagaling talagang magluto ang mga Bisaya
Bago pa man sumulat ng tekstong argumentatibo, mahalagang suriin muna nang mabuti ang iba-ibang panig tungkol sa isang usapin
Magsaliksik ng mga ebidensyang batay sa katotohanan at/o ginawan ng pag-aaral
Pagsasaling-wika
Paglilipat ng isang teksto sa pinakamalapit na diwa mula sa panimulaang wika papunta sa tunguhang wika
Ito ang paglipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isinasalin
Like Father, Like Son
Kung ano ang puno, siya ang bunga
I'm the apple of her eyes
Ako ang kaniyang paborito
This is a red letter day
Isa itong mahalaga at masayang araw
If I were in your shoes
Kung ako ikaw
Nananatili sa Filipino ang mga sagisag internasyonal sa larangan ng agham at teknolohiya
Nagkakaroon ng mga karunungang nababasa na naisulat sa iba't ibang wika
Napapahalagahan ang aspekto ng kasaysayan at kultura ng iba't ibang lipunan o bansa sa mga partikular na panahon
Mas kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng mga paksa kaugnay ng mga karanasan, kapaligiran, ugali, at kaasalan ng mga mag-aaral
Mga katangiang dapat taglay ng isang tagapagsalin
Sapat na kaalaman sa 2 wikang kasangkot sa Pagsasalin
Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag
Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin
Suriin kung ang pangungusap ay Malaya o Pormula
Huwag ipagwalang-bahala ang maraming kahulugan ng salita
Suriin kung ang pangungusap ay idiyomatiko o kawikaan
Ang salin ay dapat pinakamalapit sa diwa, isipan o damdaming taglay ng orihinal