CONTEMP L1

Cards (17)

  • GLOBALISASYON
    Global, Meydan Larousse: undertaken entirely. French: homogeneity
  • Globalisasyon
    Mabilis at patuloy na inter boarder na paggalaw ng produkto at capital, teknolohiya ideya, impormasyon, kultura at nasyon
  • Hindi ito maaaring unawain lamang sa konteksto ng politika, ekonomiya o capital, bagkus sa iba ring dimension tulad ng teknolohiya, kultura at impormasyon
  • Saklaw ng konsepto ng globalisasyon
    Kasalukuyang integrasyon ng ekonomiya, politika at lipunan ng ibat-ibang bansa na nagbibigay ng kalayaan sa mga tao pagdating sa usapan ng komunikasyon, paglalakbay, investment at pagpapalawak ng market
  • Kaakibat ng globalisasyon
    • Transference
    • Transformation
    • Transcendence
  • Transference
    Pagpapalitan o exchange ng mga bagay sa pagitan ng 2 pre constitutes units, na maaaring politikal, ekonomikal, at kultura
  • Transformation
    Nagsasabing ang proseso ng globalisasyon ay nakaaapekto sa buong sistema, sa parehong antas na naaapektuhan nito ang mga yunit na bumubuo rito
  • Transcendence
    Globalisasyon ay isang prosesong pansarili at hindi maaaring intindihin lamang sa pamamagitan ng iisang dimension o sanhi. Sa pamamagitan ng transcendence, ang globalisasyon ay hindi lamang nakakapagpabago sa buong sistema at ang mga yunit na bumubuo rito, pati narin ang conditions of existence kung saan ito matatagpuan
  • Kasaysayan ng globalisasyon
    • 1870 to 1914
    • 1930 at 1950
    • Cold War
    • 4 NA PANAHON
  • 4 NA PANAHON
    • Early history
    • Medieval
    • Pre-modern
    • Modern period
  • Early history
    Kalakalan sa pagitan ng sibilisasyon ng Sumeria at Indus Valley. Ang kaharian at imperyo ng India, Egypt, Greece, at Rome ay malayang nakikipagkalakalan. SILK ROAD; connection ng bansa sa isa't isa; trade route sa pagitan ng Western countries at Asian countries
  • Medieval
    Ang Jew at Muslim ay malayang umiikot sa buong mundo upang makipagkalakalan. Age of Discovery, nakilala si Christopher Columbus at Vasco de Gama
  • Pre-modern at Modern period

    Industrial revolution(1973-1830). Dahil sa patuloy na pamamayagpag ng Europe sa kolonyalisasyon maraming bansa ang naging consumer ng Europe. Lahat ng ito ay nagtapos noong sumiklab ang WW1 na nagdulot ng negatibong epekto sa ekonomiya ng maraming bansa na nagbunga ng great depression at gold standard crisis
  • Modern era
    Sa pagtatapos ng WW2, ang The General Agreement on Tariff and Trade (GATT) ay nakatulong na alisin ang ilang mga limitasyon sa kalakalan at investment. Ang GATT ay mas kilala na ngayon sa tawag na World Trade Organization (WTO) na kasalukuyang tumutulong sa mga bansa upang masolusyunan ang limitasyon sa kalakalan at ayusin ang ilang mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga bansa
  • Maling pananaw ng globalisasyon
    • Ang globalisasyon ay nagmula noong 1980
    • Ang globalisasyon ay isa lamang uri ng economic imperialism o Westernization
    • Naglalayon ang globalisasyon ng homogenization
    • Ito ay taliwas sa karapatang pantao
    • Ang globalisasyon ay makasasama sa mga lokal na pagkakakilanlan
  • Mabubuting epekto ng globalisasyon
    • Nakakapgbabawas sa mga gastos sa transportasyon at komunikasyon, ang pag-unlad ng teknolohiya, at liberalisasyon sa internasyonal na pamilihan
    • Kalakalan sa mga produkto at serbisyo, sa pamamagitan ng internasyonal na pagpapalitan na nagbibigay ng competitive advantage at reduksyon sa tariff at non-tariff barriers sa mga papaunlad na ekonomiya
    • Paggalaw ng kapital, sa pamamagitan ng pagpapaikot ng savings ng mga bansa
    • Paggalaw ng pera; GROSS DOMESTIC PRODUCT (GDP) o kabuuang kita sa produksyon sa loob ng bansa. GROSS NATIONAL PRODUCT (GNP) o kabuuang kita sa produksyon ng mga mamamayan ng bansa kahit sila ay nasa ibang lugar
    • Nagkakaroon ng tinatawag na free trade o malayang kalakalan
    • Nakakatulong sa mahihirap na bansa sa pamamagitan ng pagtanggap nila ng dayuhang kapital at teknolohiya at ang kanilang partisipasyon sa internasyonal na kalakalan
    • Ang pagtaas ng kompetisyon sa internasyonal na pamilihan
    • Paggalaw ng mga manggagawa or labor
    • Nagkakaroon ng mas mataas na investment ang isang bansa
  • Suliranin ng globalisasyon
    • Ang posibilidad ng hindi pantay na distribusyon ng kita o gains ng globalisasyon sa iba't ibang bansa. Infant industry arguments o ang pagpataw ng taripa ng mga developing countries
    • Ang kalayaan ng ilang multinational na kumpanya na gamitin ang tax havens sa ibang bansa upang maiwasan ang pagbabayad ng malalaking buwis
    • Ang pag-iisip ng ilang nasyonal na lider na ang kanilang national sovereignty ay maaaring maapektuhan. Kontroli ng global forces magdulot ng xenophobia (takot sa mga bagay na dayuhan)