filipino rizal

Cards (38)

  • Lucas
    isang Indio na kapatid ng tauhang namatay sa pagbagsak ng kabriya sa ipinatatayong gusali ng paaralan ni Crisostomo Ibarra. Siya ay humihingi ng danyos sa nangyari ngunit dahil sa pagtataboy sa kanyang malinis mga tulisan.
  • Don Saturnino Ibarra
    Nuno ni Crisostomo Ibarra na kinikilalang naging dahilan ng pagkasawi ng nuno ni Elias.
  • Don Pedro Ibarra
    Nuno ni Crisostomo Ibarra.
  • Kapitana Maria
    Tanging babaeng maka-bayang pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
  • Maestro Nol Juan
    Siya ang tagapamahala ni Crisostomo Ibarra sa pagpapagawa ng kanyang paaralan.
  • kapitan Pablo
    Siya ang puno ng mga tulisan at itinuturing na ama ni elias.
  • Salome

    Siya ay isang simpleng dalagang naninirahan sa isang kubong matatagpuan sa loob ng kagubatan. Siya ang babaeng natatangi sa puso ni Elias.
  • Andeng
    Kinakapatid ni Maria Clara na mahusay magluto
  • Neneng
    Mahinhin at palaisip na kaibigan ni Maria Clara
  • Sinang
    Masayahing kaibigan ni Maria Clara na anak ni Kapitan Basilio
  • Victoria
    Tahimik na kaibigan ni Maria Clara at kasintahan ni Albino
  • Iday
    Magandang kaibigan ni Maria Clara na tumutugtog ng alpa.
  • Albino
    Ang dating seminaristang nakasama sa piknik sa lawa at kasintahan ni Victoria.
  • Leon
    Kasintahan ni Iday na nakapansing may buwaya sa baklad.
  • Elias-
    Piloto/bangkero at magsasakang tumulong kay Crisostomo Ibarra para makilala ang kanyang bayan at gayundin ang mga suliranin nito. Siya ay isang tunay na maginoo, hindi mapaghiganti, ang iniisip ay ang kapakanan ng nakararami, at may pambihirang tibay ng loob.
  • Pilosopong Tasyo
    Iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Taglay niya ang katangian ni Rizal na mapagpuna sa mga pangyayari sa paligid. May mga kaisipan siyang una kaysa sa kanyang panahon kaya't hindi siya maunawaan ng marami.
  • Padre Damaso
    Isang kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego at siya ring nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga Intsik. Halimbawa siya ng isang taong madaling Imauto at marupok ang kalooban sa mga papuring hindi sadyang nagmumula sa puso ng nagpaparangal.
  • Don Santiago delos Santos
    Isang mayamang mangangalakal na taga-Binondo na asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara. Siya ay isang taong mapagpanggap at laging masunurin sa nakatataas sa kanya ngunit sakim at walang pinapanginoon kundi ang salapi.
  • Don Rafael Ibarra
    Ama ni Crisostomo Ibarra na namatay sa bilangguan. Siya ay labis na kinainggitan ni Padre Damaso dahilan sa yamang kanyang tinataglay. Ito ang dahilan kung bakit siya ay pinaratangang erehe ng pamahalaan. Kinakatawan niya ang taong naghahangad ng katarungan para sa kapwa. Kahanga-hanga ang kanyang paggalang at pagtitiwala sa batas at ang pagkamuhi sa mga paglabag dito.
  • Sisa
    Ang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit. Isang inang walang nalalaman kundi ang umibig at umiyak na lamang. Pinopoon niya ang asawa at nagpapakasakit alang- alang sa mga minamahal na anak.
  • Padre Bernardo Salvi
    Kurang pumalit kay Padre Damaso sa San Diego.
  • Padre Hernando Sibyla
    Isang paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo Ibarra.
  • Basilio
    Nakatatandang anak ni Sisa na isang sakristan at tagatugtog ng kampana sa kumbento. Sinasagisag niya ang mga walang malay at inosente sa lipunan.
  • Crispin
    Kapatid ni Basilio na isa ring sakristan at kasama ring tumutugtog ng kampana sa simbahan ng san diego
  • Alperes
    Puno ng mga guwardiya sibil at mahigpit na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego
  • Donya Consolacion
    Dating labanderang malaswa Kung magsalita na naging asawa ng alperes
  • Donya Victorina de Espadaña
    Babaeng punong-puno ng kolorete sa mukha dahil sa kanyang pagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol, mahilig magsalita ng kastila bagama't ito ay laging mali
  • Don Tiburcio de Espadaña
    Pilay at bungal na Kastilang nakarating sa Pilipinas dahil sa kanyang Magandang kapalaran, naging asawa ni Donya Victorina, sagisag ng taong walang paninindigan at prinsipyo
  • Alfonso Linares
    Binatang napili ni Padre Damaso na maging asawa ni Maria Clara, malayong pamangkin ni Don Tiburcio
  • Tiya Isabel
    Hipag ni Kapitan Tiago na nag-alaga kay Mana Clara simula nang siya ay sanggol pa lamang
  • Donya Pia Alba delos Santos
    Ina ni Maria Clara na sa loob anim na taon ng kanilang pagsasama ng kanyang kabiyak na si Kapitan Tiago ay hindi nagkaanak, namatay matapos maisilang si Maria Clara
  • Tenyente Guevarra
    Isa sa matatapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra, tenyente ng guardia civil na nagkuwento kay Crisostomo Ibarra ng totoong sinapit ng kanyang ama
  • Kapitan-Heneral
    Pinakamakapangyarihang opisyal at kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas, tumulong kay Crisostomo Ibarra para maalis siya sa pagka-ekskomulgado
  • Kapitan Basilio
    Isa sa mga naging kapitan ng bayan ng San Diego na naging kalaban ni Don Rafael sa isang usapin sa lupa, ama ni Sinang
  • Don Filipo Lino
    Tenyente mayor na kaibigan ni Pilosopo Tasyo at asawa ni Donya Teodora Vina, mahilig magbasa ng Latin
  • Don Crisostomo Magsalin Ibarra-
    binatang Nag-aral sa Europa na nangarap makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng kabataan ng San Diego. Siya ay kababata at kasintahan ni Maria Clara. Siya ay sagisag ng mga Pilipinong nakapag-aral na maituturing na may maunlad at makabagong kaisipan.
  • Maria Clara delos Santos
    Kasintahan ni Crisostomo Ibarra na kumakatawan sa isang uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon. Siya ay maganda, relihiyosa, masunurin,matapat, mapagpakasakit ngunit may matatag na kalooban.
  • Maria Clara
    • Maganda, relihiyosa, masunurin, matapat, mapagpakasakit ngunit may matatag na kalooban