"Isang marangyang salusalo ang ipinag-anyaya ni DonSantiagoDelosSantos"
"Ang handaan ay gagawin sa kaniyang bahay na nasa kalyeAnloague na nasa karatig ng ilogBinundok"
"Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang mayamang kapitan ay kilala bilang isang mabutingtao, mapagbigay, at lagingbukas ang palad sa mga taong nangangailangan"
"Ang nag-iistima sa mga bisita ay si TiyaIsabel"
"Kabilang sa mga bisita sina Tenyente, Padre Sibyla, Padre Damaso, at dalawangPaisano"
"Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa asal ng mga katutubo"
"Ang pakay ng kaniyang paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indio"
"Nagkaroon ng mainitang balitaktakan nang mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa pulbura at armas, monopolyo ng tabako, at iba pa"
"Mapanlibak si Padre Damaso, kung kaya't iniba ni Padre Sibyla ang usapan"
"Napadako ang usapan sa pagkakalipat ni Padre Damaso sa ibang bayan pagkatapos makapagsilbi ng dalawampungtaon bilang Kura Paroko ng San Diego"
"Ang dahilan ng pagkalipat ni Padre Damaso ay ito umano ang nag-utos na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki na napagbintangang erehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal"
"Ang ginawa ay tinuring sa isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kaya inutos nito ang paglilipat ng paring Pransiskano bilang parusa"
"Pinakalma ni PadreSibyla si Padre Damaso"
"Dumating ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina"