BASILIO

Cards (17)

  • Kabanata 6: Basilio
    Naulila, pumunta ng Maynila upang magpaalila ngunit walang gustong kumupkop sa kanya, natagpuan si Kapitan Tiyago na tumulong sa kanya at pinag-aral sa San Juan de Letran, nagtapos at nakatanggap ng mga medalya
  • Basilio ay nagpapahinga sa puntod ng kanyang ina sa kagubatan at naisip na dalawang buwan na lamang ay magtatapos na siya ng Medisina at mapapakasalan na niya si Huli
  • Kabanata 7: Simoun
    Nakita ni Basilio sa kagubatan, akala ni Simoun ay kalaban si Basilio ngunit hindi niya ito pinatay dahil matutulong si Basilio sa kanyang ninanais na pabagsakin ang pamahalaan
  • Hindi sumang-ayon si Basilio na makiisa kay Simoun sapagkat ang nais niya lamang ay maggamot ng kanyang kapwa at hindi ang pumatay
  • Hindi pumunta ng teatro si Simoun at ganoon din si Basilio sapagkat pinabantayan niya si Kapitan Tiyago na may malubhang sakit
  • Dumalaw si Simoun sa bahay ni Kapitan Tiyago, kinausap niya si Basilio patungkol sa rebolusyong magaganap at pinapili niya si Basilio kung kamatayan o kinabukasan nito
  • Inutusan ni Simoun si Basilio na kunin si Maria Clara sa kumbento ngunit huli na ang lahat, patay na si Maria Clara
  • Padabog na lumabas si Simoun sa bahay ng Kapitan at sumigaw, ganoon na lamang kalaki ang galit na natamo ni Simoun
  • Iniisip ni Basilio na ang mga paskin sa dingding ng Pamantasan na nakita niya ay kagagawan ni Simoun ngunit napag-alaman niya na ito ay gawa ng mga estudyante
  • Tinanong si Basilio ng isang propesor kung siya ba ay kasama sa piging ng mga estudyante na naganap tungkol sa mga naturang paskin at pinayuhan siya na iligpit ang ano mang papel na maaaring magdala sa kanya sa panganib
  • Pinagtanggol ng mataas na kawani si Basilio sa kasalanang hindi naman niya ginawa, unang nakalaya si Macaraig at sumunod naman si Isagani, hindi nakalaya si Basilio sapagkat mas pinabigat ang kanyang kaso dahil sa mga ipinagbabawal na libro
  • Sinabi ng mataas na kawani na sayang ang talino ni Basilio kung hindi siya magtatapos ng medisina dahil lamang siya ay nabilanggo nang walang sala
  • Nang makalaya, pumunta si Basilio sa tahanan ni Simoun, matapos ang maraming pagtanggi sa alok ni Simoun, sinabi ni Basilio na siya ay makikiisa na sa planong paghihimagsik nito
  • Natuwa si Simoun at agad na nag-utos na hikayatin ang mga kabataan na lumahok sa pakikipagdigma, ipinakita niya sa binata ang lampara na sasabog sa araw ng salo-salo noong gabing iyon
  • Binigay ni Simoun ang rebolber sa ika 10 ng umaga upang ibigay ang huling utos- na lumayo si Basilio sa daang Anloage
  • Naisipan ni Basilio na kung hindi lamang siya nabilanggo ay sana nakapagtapos na siya ng medisina at napakasalan si Huli- ang babaeng minamahal niya na tumalon sa bintana ng kumbento
  • Nakita ni Basilio ang malaking pagbabago ng bahay ni Kapitan Tiyago kung saan pagdadausan ng salo-salo, nakita niya si Simoun na hawak ang lampara papasok ng bahay, malaki ang pasasalamat ni Don Timoteo kay Simoun dahil tinulungan siyang mabili ang bahay na iyon at saka inabot ni Simoun ang regalong lampara