AP9 4th quarter

Cards (39)

  • Kaunlaran
    Ito ay tumutukoy sa proseso na lumilikha ng paglago at progreso, at nagdudulot ng positibong pagbabago sa ekonomiya at kalidad ng buhay ng mga mamamayan
  • Pagsulong
    Ang pagsulong o growth ay tumutukoy sa pisikal na pagbabago
  • Pambansang kaunlaran
    Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na masuportahan ang lahat ng pangangailangan ng tao para sa matiwasay na pamumuhay at takbo ng ekonomiya ng isang bansa
  • Economic development
    Ang pag-unlad ay isang multidimensiyonal na proseso na kinapapalooban ng pagbabago ng organisasyon at pagbabago ng oryentasyon ng kabuuang pang-ekonomiya at panlipunang sistema
  • Human Development Index (HDI)

    Binibigyang diin nito na ang tao at ang kaniyang kapasidad ang nagsisilbing basehan ng pag-unlad at hindi lamang ang pagsulong ng ekonomiya
  • Bolunterismo o Volunteerism
    Tumutukoy sa boluntaryong paggawa, partikular sa mga serbisyong pangkomunidad
  • Shared responsibility
    Nangangahulugan na ang pag-unlad ay hindi nakasalalay sa iisang tao o institusyon lamang, kundi sa pagtutulungan at partisipasyon din ng bawat isa
  • Agrikultura
    • Hango sa salitang Latin na agricultura o "kultibasyon ng lupa".
    • Isang gawain na nakaangkla sa pagpapayaman sa gamit ng lupa.
  • Pagsasaka
    Tumutukoy sa gawain ng pagtatanim ng ibat ibang uri ng halaman na maaaring makain at pagmulan ng kabuhayan, tulad ng palay, kamote, mais, at iba pang mga prutas at gulay.
  • Paghahayupan at Pagmamanukan
    Pag-aalaga at pagpaparami ng mga hayop gaya ng baboy, baka, at manok. Pinagkukunan ng karne at mga produktong galing sa dairy.
  • Pangingisda - Komersiyal
    Pangingisda na ginagawa sa mga katubigan sa paligid ng Pilipinas o offshore waters. Gumagamit ng mga sasakyang pang-mangingisda na mahigit sa tatlong tonelada.
  • Pangingisda - Munisipal
    Pangingisda na ginagawa sa mga katubigan sa paligid ng baybayin ng bansa o inland waters. Gumagamit ng mga bangkang mas mababa sa tatlong tonelada.
  • Aquaculture
    Ginagawa sa pamamagitan ng pagbuo ng fish pen, lawa, o kulangan na naglalayong magparami ng mga isda tulad ng bangus at tilapia.
  • Paggugubat
    Pagkuha ng mahahalagang punongkahoy sa kagubatan gaya ng mahogany at akasya.
  • Sektor ng Industriya
    • Nagpoproseso ng mga hilaw na materyales mula sa sektor ng agrikultura upang mas higit itong mapakinabangan
  • Pagmamanupaktura
    Proseso o transpormasyon ng mga hilaw na materyales upang lumikha ng panibagong kagamitan. Kadalasan ay gumagamit ng mga makinarya sa proseso ng pagmamanupaktura
  • Pagmimina
    Proseso ng pagkuha o extraction ng mga metal at di-metal na bagay sa ilalim ng lupa tulad ng ginto, pilak, tanso, at tingga. Pagkalap ng langis sa ilalim ng kalupaan o katubigan ng isang bansa
  • Konstruksiyon
    Gawaing may kinalaman sa pagtatayo ng ibat ibang mga gusali, bahay, kalsada, daungan, waterways, lagusan, at riles ng tren
  • Mga Utilidad
    Pagbibigay ng serbisyo sa koryente, tubig, gas, singaw (Steam), at air conditioning. Distribusyon ng mga nasabing utilidad sa mga konsyumer sa pampubliko o pampribadong sektor
  • Sustenance
    Nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng kakayahan ng mga tao na matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tahanan, at maayos na kalusugan.
  • Self-esteem
    Tumutukoy sa pagpapahalaga sa dignidad ng indibidwal.
  • Freedom from servitude
    Tinutukoy nito ang pagpapalawak ng mga pagpipilian ng mga tao pagdating sa mga produkto at serbisyo na inihahain ng ekonomiya at ng lipunan para sa kanila
  • Tangible goods
    Tersiyaryong sektor dahil imbes na mga produktong nahahawakan gaya ng pagkain, sasakyan, o gadyet, ito ay nagbibigay naman sa ekonomiya ng serbisyo.
  • DOLE (Department of Labor and Employment)

    Layunin na matulungan ang mga manggagawa na makahanap ng opportunidad sa magandang trabaho 
  • Pangasiwaan ng Kagalingan ng Manggagawa sa Ibayong-dagat (Overseas Workes Welfare Administration / OWWA)

    Pagsisiguro ng karapatan at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino na nagtatrabaho da ibang bansa
  • Pangasiwaan ng Pilipinas sa Empleo sa ibayong-dagat (Philippine Overseas Employment Agency / POEA)

    Nangangasiwa sa employment at deployment ng mga OFW
  • Pambansang Komisyon ng Ugnayan sa paggawa (Natioal Labor Relations Commission / NRLC
    Tagapamagitan at nagreresolba sa hidwaan sa pagitan ng maypagawa at manggagawa
  • BWC
    Ito ay isang sangay ng DOLE na siyang nagtitiyak at bumabalangkas ng mga polisiya hinggil sa batayan ng paggawa o labor standards.
  • Komisyon sa Regulasyong - Pampropesyonal (Professional Regulation Commission o PRC)

    Gampanin nitong bumuo ng mga regulasyon at pangasiwaan ang pagsasanay ng iba't ibang propesyonal sa larangan ng kalusugan, edukasyon, negosyo, agham panlipunan, at iba pa.
  • Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikalat Pagpapaunlad ng Kasanayan (Technical Education and Skills Development Authority o TESDA)

    Ito ay nagbibigay at bumubuo ng mga programang may kaugnayan sa pagsasanay at pagpapaunlad ng edukasyong teknikal at pagpapaunlad ng kakayanan ng mga manggagawa.
  • Sentro para sa Kaligtasang Pangkabuhayan at Kalusugan (Occupational Safety and Health Center o OSHC
    Responsabilidad ng ahensiyang ito na bumuo at magpalaganap ng impormasyon upang magkaroon ng mas ligtas at malusog na kondisyon sa pagtatrabaho.
  • Mataas na antas ng ekonomiya at Gross Domestic Product (GDP)
  • Malawakang imprastraktura tulad ng mga kalsada, tulay, at imprastrukturang pang-enerhiya
  • Mataas na antas ng edukasyon at kaalaman sa bansa
  • Maayos na sistema ng kalusugan at serbisyong medikal para sa mamamayan
  • Mababang antas ng kahirapan at mataas na antas ng empleyo
  •  Mahusay na pamamahala at sistema ng pamahalaan
  • Malawakang pag-unlad sa teknolohiya at industriya
  • Malakas na ugnayan sa ibang bansa at aktibong partisipasyon sa pandaigdigang komunidad