Araling Panlipunan 10 - Quarter 4

Cards (41)

  • jus soli
    isang prinsipyo ng batas na nagsasaad na ang isang tao ay makakukuha ng kaniyang citizenship, batay sa lugar na siyang ipinanganak
  • jus sanguinis
    isang prinsipyo ng batas na nagsasaad na ang isang tao ay makakukuha ng kaniyang citizenship, batay sa dugo o lahi ng kaniyang mga magulang
  • likas o natural na pagkamamamayan
    • jus soli
    • pagkakaroon ng citizenship sa pamamagitan ng kapanganakan sa isang bansa
  • naturalisado
    dating dayuhan, na naging mamamayan na ng isang bansa dahil sa naturalisasyon
  • naturalisasyon
    isang legal na proseso na isinasagawa sa proseso ng korte, sa mga dayuhang maging mamamayan ng isang bansa
  • Commonwealth Act No. 475
    batas ng Pilipinas na naglalaman ng mga probisyon at mga pamantayan para sa naturalisasyon ng mga dayuhan upang maging mamamayan ng Pilipinas
  • RA 9225
    batas sa Pilipinas na nagbibigay pribelehiyo sa mga dating mamamayang Pilipino na muling magiging mamamayan ng Pilipinas kahit na sila ay naging mamamayan na ng ibang bansa
  • Saligang Batas 1987 - Artikulo 4 (Seksyon 2)

    Ang katutubong inianak na mga mamamayan ay yaong mga mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mga mamamayan.
  • Saligang Batas 1987 - Artikulo 4 (Seksyon 3)

    Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
  • Saligang Batas 1987 - Artikulo 4 (Seksyon 4)

    Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mga mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
  • Saligang Batas 1987 - Artikulo 4 (Seksyon 5)

    Ang dalawahang katapatan ng mga mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.
  • Katangian ng isang mamamayang Pilipino, ayon kay Yeban (2004)
    ang isang responsableng mamamayan ayinaasahang makabayan, may pagmamahal sa kapuwa, may respeto sa karapatang pantao, may pagpupunyagi sa mga bayani, tutupad sa mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan, may disiplina sasarili, at may kritikal at malikhaing pag-iisip
  • Mangahas
    Laging boboto sa halalan
  • Mangahas
    Hindi iiwas sa pagbabayad ng buwis
  • Mangahas
    Laging sundin ang mga batas at regulasyon
  • Mangahas
    Laging pagbabantay sa mga gawain ng pamahalaan
  • Mangahas
    Ang maging epektibo sa panlipunan at politikal na mga samahan
  • Mangahas
    Subuking unawain ang katuwiran ng mga taong may ibang opinyon
  • Mangahas
    Pumili ng produkto para sa politikal, etikal o pangkalikasang kadahilanan, kahit na ito ay mayroong dagdag na gastos
  • Mangahas
    Tulungan ang mamamayan ng bansang [pangalan ng bansang] may hindi magandang kalagayan
  • Mangahas
    Handang maglingkod sa militar sa oras ng pangangailangan
  • Lacson
    Sumunod sa batas-trapiko.
  • Lacson
    Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili.
  • Lacson
    Huwag bumili ng mga bagay na smuggle.
  • Lacson
    Positibong magpahayag ng tungkol sa atin gayundin sa sariling bansa.
  • Lacson
    Igalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko, pulis at iba pang lingkod-bayan.
  • Lacson
    Itapon nang wasto ang basura. Suportahan ang inyong simbahan.
  • Lacson
    Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksiyon.
  • Lacson
    Maglingkod nang maayos sa pinapasukan.
  • Lacson
    Magbayad ng buwis.
  • Lacson
    Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap.
  • Lacson
    Maging mabuting magulang.
  • Lacson
    Maging mabuting magulang.
  • Lacson
    Turuan ng pagmamahal sa bayan ang mga anak.
  • Karapatan
    isang legal na proteksyon na ipinagkaloob ng batas sa isang indibidwal o grupo, na nagbibigay sa kanila ng mga espesipikong kapangyarihan, kalayaan, o benepisyo
  • Karapatan
    sa kontekstong moralidad, ito ay tumutukoy sa mga pangunahing pagkilos o kalayaan na dapat respetuhin at protektahan ng bawat tao batay sa kanilang dignidad bilang tao
  • Karapatan
    sa sosyal na konteksto, ito ang pangunahing pangangailangan o benepisyo na kinikilala at tinataguyod ng isang lipunan para sa kanyang mga miyembro, tulad ng karapatan sa edukasyon, kalusugan, trabaho, at iba pa
  • Karaparang Likas
    mga karapatan na inaakalang tagkay ng bawat tao sa kadahilanang siya ay tao—hindi it ibinibigay ng pamahalaan, ito ay itinuturing na kasama sa pagkatao ng bawat indibidwal
  • Karapatang Konstitsyunal
    karapatang kaloob at pinangangalagaan ng ating konstitusyon—maaaring baguhin, dagdagan, at alisin sa pamamagitan ng mga susog sa konstitusyon
  • Karapatang Statutory
    karapatan na itinatag ng batas o ordinansa, at maaaring mag-iba depende sa bawat lugar o bansa