Ap article

Cards (33)

  • Artikulo 1 - All Human Being Are Free And Equal - Ang lahat ng tao'y isinilang na malaya at pantay pantay sa karangalan at mga karapatan
  • Artikulo 2 - No Discrimination - Ang bawat tao'y karapat-dapat sa lahat ng karapatan at kalayaang nakalahad sa Pahayag na ito, nang walang ano mang uri ng pagtatangi, gaya ng lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kuro-kurong pampulitika o iba pa, pinagmulang bansa o lipunan, ari-arian, kapanganakan o iba pang katayuan
  • Artikulo 3 - Right To Life - Ang bawat tao'y may karapatan sa buhay kalayaan at kapanatagan ng sarili
  • Artikulo 4 - No Slavery - Walang sino mang aalipinin o bubusabusin; ipinagbabawal ang ano mang anyo ng pang-aalipin at ang pangapangalakas ng alipin.
  • Artikulo 5 - No Torture And Inhuman Treatment - Walang sino mang pahihirapan o lalapatan ng malupit, di-makatao o nakalalait na pakikitungo sa parusa
  • Artikulo 6 -Same Right To Use Law - Ang bawat tao'y may karapatan kilalanin saan mang dako bilang isang tao sa harap ng batas
  • Artikulo 6 -Same Right To Use Law - Ang bawat tao'y may karapatan kilalanin saan mang dako bilang isang tao sa harap ng batas
  • Artikulo 6 -Same Right To Use Law - Ang bawat tao'y may karapatan kilalanin saan mang dako bilang isang tao sa harap ng batas
  • Artikulo 7 - Equal Before The Law - Ang lahat ay pantay-pantay sa harap ng batas at may karaptan sa walang pagtatangi ng pangagalaga ng batas. Ang lahat ay may karapatan sa pantay na pangangalaga laban sa ano mang pagtatangi- tanging nalalabag sa pahayag na ito at laban sa ano mang pagbubuyo sa gayong pagtatangi-tangi
  • Artikulo 8 - RIght To Be Treated Fair By Court - Ang bawat tao'y may karaptan sa mabisang lunas ng karampatang mga hukumang pambansa tungkol sa mga gawang lumalabag sa pangunahing mga karapatan ng pinagkaloob sa kanya ng saligang batas o ng batas
  • Artikulo 8 - RIght To Be Treated Fair By Court - Ang bawat tao'y may karaptan sa mabisang lunas ng karampatang mga hukumang pambansa tungkol sa mga gawang lumalabag sa pangunahing mga karapatan ng pinagkaloob sa kanya ng saligang batas o ng batas
  • Artikulo 9 - No Unfair Deteainment - Walang sino mang ipaiilalim sa di makatawirang pagdakip, pagpigil o pagpapatapon.
  • Artikulo 10 - Right To Trial - Ang bawat tao'y may karapatan sa ganap na pagkakapantay-pantay, sa isang makatarungan at hayag na paglilitis ng isang hukumang malaya at walang kinikilingan, sa pagpapasiya ng kanyang mga karapatan at panangutan at sa ano mang paratang na kriminal laban sa kanya.
  • Artikulo 11 - Innocent Until Proven Guilty - Ang bawat taong pinararatangan ng pagkakasalang pinarurusahan ay may karapatang ituring na walang-sala hanggang di-napatutunayang nagkasala alinsunod sa balas sa isang hayag na paglilitis na ipinagkaroon niya ng lahat ng garantiyang kailangan sa pagtatanggol kanyang
  • Artikulo 12 - Right To Privacy - Walang taong isasailalim sa di-makatwirang panghihimasok sa kanyang pananahimik, pamilya, tahanan o pakikipagsulatang ni sa tuligsa sa kanyang karangalan at mabuting pangalan
  • Artikulo 13 - Freedom To Movement And Residence - Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng pagkilos at paninirahan sa loob ng mga hanggahan ng bawat estado.
  • Artikulo 14 - Right to Asylum - Ang bawat tao'y may karapatang humanap at magtamasa sa ibang bansa ng pagpapakupkop laban sa pag-uusig.
  • Artikulo 15 - Right To Nationality - Ang bawat tao'y may karapatan sa isang pagkamamamayan.
  • Artikulo 16 Right To Marry And Have A Family - Ang mga lalaki't babaeng may sapat na gulang ay may karapatang mag-asawa at magpamilya nang walang ano mang pagtatakda dahil sa lahi, bansang kinabibilangan o relihiyon. Nararapat sila sa pantay-pantay na karapatan sa pag-aasawa, sa panahong may asawa at pagpapawalang bisa nito.
  • Artikulo 17 - Right To Own Things - Ang bawat tao'y may karapatang mag-angkin ng ari-arian nang mag-isa gayon din na kasama ng iba.
  • Artikulo 18 - Freedom Of Thought And Religion - Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng pag-iisip, budhi at relihiyon; kasama sa karapatang ito ang kalayaang magpalit ng kanyang relihiyon o paniniwala maging nag-iisa o kasama ang iba sa pamayanan upang ipakilala ang kanyang relihiyon o paniniwala sa pagtuturo, pagsasagawa, pagsamba at pagtalima
  • Artikulo 19 - Freedom Of Opinion And Expression - Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng pagkukuro at pagpapahayag; kasama ng karapatang ito ang kalayaan at kuru- kuro nang walang panghihimasok at humanap, tumanggap at magbigay ng impormasyon at kaisipan sa pamamagitan ng alin mang paraan ng pagkakalat at walang pagsasaalang-alang ng mga hanggahan.
  • Artikulo 20 - Right to Assembly - Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan sa mapayapang pagpupulong at pagsasamahan.
  • Artikulo 21 - Right TO Democracy - Ang bawat tao'y may karapatang makilahok sa pamahalaan ng kanyang bansa, sa tuwiran o sa pamamagitan ng mga kinatawang malayang pinili.
  • Artikulo 22 - Right To Social Security - Ang bawat tao, bilang kasapi ng lipunan, ay may karapatan sa kapanatagang panlipunan at nararapat na makinabang sa pamamagitan ng pambansang pagsisikap at pakikipagtulungang pandaigdig at alinsunod sa pagkakabuo at mga mapagkukunan ng bawat Estado, sa mga karapatang pangkabuhayan, panlipunan at pangkalinangan na lubhang kailangan para sa kanyang karangalan at sa malayang pagpapaunlad ng kanyang pagkatao
  • Artikulo 23 - Right To Work - Ang bawat tao'y may karapatan sa paggawa, sa malayang pagpili ng mapapasukang hanapbuhay, hay, sa makatarungan at kanais-nais na mga kalagayan sa paggawa at sa pangangalaga laban sa kawalang mapapasukang hanap-buhay.
  • Artikulo 24 - Right to Rest And Leisure - Ang bawat tao'y may karapatan sa pamamahinga at paglilibang, kasama ang mga makatwirang pagtatakda ng mga oras ng paggawa at may sahod sa mga pana-panahong pista opisyal
  • Artikulo 25 Right To Social Service - Ang bawat tao'y may karapatan sa isang pamantayan ng pamumuhay na sapat para sa kalusugan at kagalingan ng kanyang sarili at ng kanyang pamilya, kasama na ang pagkain, pananamit, paninirahan at pagpapagamot at kinakailangang mga paglilingkod panlipunan, at ng karapatan sa kapanatagan sa panahong walang gawain, pagkakasakit, pagkabalda, pagkabalo, katandaan at iba pang kakapusan sa ikabubuhay sa mga di-maiiwasang pangyayari.
  • Artikulo 26 - Right To Education - Ang bawat tao'y may karapatan sa edukasyon. Ang edukasyon ay walang bayad, doon man lamang sa elementarya at pangunahing antas. Ang edukasyong elementarya ay magiging sapilitan. Ang edukasyong teknikal at propesyonal ay gagawing maabot ng lahat at ang lalong mataas na edukasyon ay ipagkakaloob nang pantay-pantay sa lahat batay sa pagiging karapat-dapat.
  • Artikulo 27 - Right TO Culture Life And Arts - Ang bawat tao'y may karapatang makilahok nang malaya sa buhay pangkalinangan ng pamayanan, upang tamasahin ang mga sining at makihati sa mga kaunlaran sa siyensiya at sa mga pakinabang dito.
  • Artikulo 28 - Freedom Around The World - Ang bawat tao'y may karapatan sa kaayusang panlipunan at pandaigdig na ang mga karapatan at mga kalayaang itinakda sa Pahayag na ito ay ganap na maisasakatuparan
  • Artikulo 29 - Subject To law - Ang bawat tao'y may mga tungkulin sa pamayanan sa ikaaari lamang ng malaya at ganap na pagkaunlad ng kanyang pagkatao.
  • Artikulo 30 - Human Right Can't Be Taken - Walang bagay sa Pahayag na ito na mapapakahulugan ang nagbibigay sa alin mang Estado, pangkat o tao ng ano mang karapatang gumawa ng ano mang kilusan o magsagawa ng ano mang hakbang na naglalayong sirain ang nakalahad dito.