ito ang pinakamukha ng sulatin, kailangan itong maging kaakit-akit upang maganyak ang mambabasang basahin ang buong katha.
Arrogante (2000); Leyson at Montera (2005)
binanggit na maraming paraan ang maaaring gamitin sa pagsisismula ng sulatin.
Pasaklaw na Pahayag
ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi bago isa-isahin at pagsunud-sunurin mula sa di gaanong mahalaga hanggang sa pinakamahalagang mga detalye.
Pagbubuod
Ito’y nagpapahayag muna ng pinakadiwa bago tuntunin ang sadyang talakay.
Pagtatanong
Patanong ang ginagamit na paraan ng manunulat.
TuwirangSinasabi
Ito’y karaniwang nakikita na nakapanipi dahil kuha ito sa mga awtor o bantog na tao.
Panlahat na Pahayag
Ito’y nagtataglay ng kahalagahang unibersal na maaaring hanguin sa mga salawikain, sa mga kawikaan at maging sa mga pamilyar at pang-araw-araw na makatotohanang kaalaman ng lahat na
nagtataglay ng diwa o aral.
Paglalarawan
Ito’y ginagamit kapag nagtatampok ng tao sapagkat nagbibigay-deskripsyon, mga malarawan at
maaksyong salita ang ginagamit.
Pagsalungat
Binibigyang diin dito ang pagkakaiba. Kung mas malaki ang pagkakaiba mas matindi ang bisa.
Gitna oNilalaman
Ito’y pinakakatawan ng sulatin. Ang mga talata nito ay kinapapalooban ng mga pangunahing kaisipan at mga pantulong o pansuportang detalyeng maayos ang pagkasunod-sunod tungo sa malinaw na ikapaliliwanag ng paksa.
Pakronolihikal
Ito’y pag-aayos sa mga pangyayari na magkasunod-sunod mula sa pinakamatagal hanggang sa pinakasalukuyan.
Paanggulo
Ito’y pagsasaayos na ibinabatay sa personal na masasabi o reaksiyon ng bawat tao tungkol sa mga bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom.
Paespasyal o Paagwat
Pinauunlad ang paglalahad sa malapit na sinisimulan dahil ang mga bagay-bagay dito’y alam na alam, patungong malayo o palayo kung saan man ang mga bagay-bagay ay hindi gaanong kilala o “vice versa”.
Wakas o Kongklusyon
Ito ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga katwirang iniisa-isa sa gitnang bahagi. Kailangang mag-iwan ito ng kakintalan o bisang pangmatagalan sa mga mambabasa.
TuwirangSinasabi
“The US Presidential election teaches us to become more aggressive and make an intensive drive to continue with our efforts to modernize the country’s electoral system,” ani Rosales na nagsabing susuriin ng Kamara de Reperesentantes ang anumang butas upang ipatupad ang batas modernisasyon. -Taliba (Nobyembre 5, 2004)
Panlahat na Pahayag
Kung ano ang bawal, iyon ang masaya. Subalit ang masaya ay pumapalit din kalaunan, wika nga.
Pagbubuod
Marami pang humihingi ng hustisya. Walang nakaaalam kung kailan nila iyon makakamtan.
Pagpapahiwatig ng Aksyon
Kung hindi na madadagdagan ang populasyon, maaaring wala nang gaanong magugutom. Kung ganoon, dapat na magkaroon nang masidhing kampanya ang pamahalaan para mapigil ang pagdami ng mga tao.
Pagtatanong
Ngayon sa oras ng matinding pagsubok na hinaharap ng ating bayan at karamihan sa ating kababayan ay lugmok sa kahirapan, ano ang puwede mong gawin para makatulong? Ano ang dapat gawin ng mga pinuno ng ating bayan para maibsan ang matinding pagdurusa? Ano sa palagay ninyo?
Pagsisipi
(Kumukopya ito ng isang linya o mahigit pa sa isang akda, patula man o tuluyan, na angkop sa tinatalakay na paksa.)
Isang magalang na manunulat ang nagsabi: “Pagkatiwalaan ang kapwa mo at sila’y magiging matapat sa’yo. Purihin mo sila at sila ay magiging kapuri-puri.”
TekstongImpormatibo o Ekspositori
Ang tekstong impormatibo o ekspositori ay anumang teksto na nagpapaliwanag o naglalahad ng mga kaalaman hinggil sa anumang paksang pasaklaw ng kaalaman ng tao.
Tekstong Impormatibo o Ekspositori
ang mga babasahin at akdang nagbibigay ng impormasyon,
kaalaman, at paliwanag tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari.
Tekstong Impormatibo o Ekspositori
Karaniwang sinasagot nito ang tanong na ‘ano,’ ‘sino,’ at kung minsan ay ‘paano.’ Pawang
TekstongImpormatibo o Ekspositori
Karaniwang makikita o mababasa ang mga tekstong impormatibo sa mga babasahing tulad ng teksbuk o batayang aklat, magasin, pahina ng balita sa mga pahayagan, encyclopedia, almanac, maging mga sanaysay.
Naglalahadngtotoong pangyayari o kasaysayan
Ito ay sumasaklaw sa mga paglalahad ng mga pangyayari sa nakaraan, kasalukuyan, o iba pang panahon. Nakatuon ito sa pagsasalaysay ng mahahalagang kaganapan tulad ng mga nababasa sa mga pahayagan, almanac, at aklat sa kasaysayan.
Pag-uulat ng Impormasyon
Nakatuon naman ang uring ito sa pagbibigay ng kaalaman tungkol sa tao, bagay, hayop, at lugar. Kinakailangan ng pananaliksik sa pagbibigay ng kaalaman sa uring ito ay madalas na bagong
impormasyon para sa maraming mambabasa.
Pagpapaliwanag
Sumasagot sa tanong na ‘paano’ ang ikatlong uri. Ipinaliliwanag nito kung paano naganap ang isang bagay. Hindi man ito nagpapakita ng prosedyur o pagkakasunod, nagbibigay naman ito ng kaliwanagan sa kung paano nangyari ang isang insidente.
Layunin ng Tekstong Impormatibo
Nagbibigay ng impormasyon at kaalaman. Nagbibigay ng linaw sa kung paano nangyayari o nangyari ang isang bagay. Pinauunlad ang pagsusuri sa detalye at impormasyon.
TekstongDeskriptibo
uri ng tekstong naglalarawan, naglalaman ito ng impormasyong ginagamitan ng mga salitang pantukoy sa katangian ng isang tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari.
Deskripsyong Teknikal
Ito ay naglalayong magbigay ng paglalarawang detalyado at gumagamit ng mga eksaktong salita sa pagbibigay ng katangian.
Deskripsyong Karaniwan
Ito naman ay uri ng paglalarawan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyong pangkalahatan at marami tao o bagay ang nagtataglay ng ganoong katangian.
Deskripsyong Impresyonistiko
Ito ay pagbibigay ng paglalarawan sa pamamagitan ng pansariling pananaw, opinyon, o saloobin sa isang tao. Ito ay karaniwang iba sa kaniyang kapuwa at hindi itinuturing na lubhang totoo dahil ito
subhektibong pananaw lamang.
Layunin at Kahalagahan ng Tekstong Deskriptibo
upang iparating ang katangian ng isang tao, bagay, hayop,
pangyayari,o lugar. Kapag nalaman o natukoy angkatangian, magbubunga ito ng mas malawak na pang-unawa sa iba.
Tekstong Naratibo
pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mgatauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.
Iba't Ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of view)
Ito ang ginamit ng manunulat na paningin o pananaw sa pagsasalaysay.
una at ikatlong panauhan
ito ang pinakakaraniwang ginagamit para na panauhan
sa naratibo
Unang Panauhan
Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako.
Ikalawang Panauhan
Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa kanilang pagsasalaysay.
Ikatlong Panauhan
Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taongwalang relasyon sa tauhan kay’a ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siva. Ang tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at sa labas siya ng mga pangyayari.
Maladiyos na panauhan
Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.