Untitled

Cards (20)

  • Haring Fernando
    Hari ng Berbanya, asawa ni Reyna Valeriana, may tatlong anak na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan, nagkasakit dahil sa masamang panaginip, tanging lunas sa sakit ay awit ng Ibong Adarna
  • Reyna Valeriana
    Asawa ni Don Fernando, Reyna ng Berbanya, mabait at maganda
  • Don Pedro
    Panganay na anak ni Haring Fernando, pinakamacho ang katawan at kaiman ang postura, tinaksilan ang kapatid dahil sa selos, magiging asawa si Prinsesa Leonora
  • Don Diego
    Pangalawang anak nina Don Fernando at Reyna Valeriana, pinakatahimik, laging sumusunod sa utos ni Don Pedro, magiging asawa si Prinsesa Juana
  • Don Juan
    Bunsong anak nina Don Fernando at Reyna Valeriana, pinakamahal ni Don Fernando dahil sa kabaitan, mahal na mahal ang mga kapatid, nakahuli sa Ibong Adarna, magiging asawa si Prinsesa Maria Blanca
  • Ibong Adarna
    Tanging ibon na magpapagaling sa sakit ni Don Fernando, dumadapo sa Piedras Platas na nasa Bundok Tabor, itinuring na si Don Juan ang nagmamay-ari sa kanya
  • Prinsesa Leonora
    Kapatid ni Prinsesa Maria Blanca at Prinsesa Juana, nakatira sa loob ng mahiwagang balon, naging asawa ni Don Pedro
  • Prinsesa Maria Blanca
    Magandang prinsesa sa Reyno de los Cristales, gumagamit ng puting mahika, tinukoy ng Ibong Adarna kay Don Juan, ang kanyang ama ay si Haring Salermo, naging asawa si Don Juan
  • Prinsesa Juana
    Unang natagpuan sa mahiwagang balon ni Don Juan, unang mahal ni Don Juan, niligtas ni Don Juan mula sa higante
  • Haring Salermo

    Ama ni Donya Maria Blanca, gumagamit ng itim na mahika, Hari ng Reyno de los Cristales, tumututol sa pag-iibigan ng kanyang anak na si Maria Blanca at Don Juan
  • Leproso
    Tumulong kay Don Juan papunta sa Piedras Platas, binigyan ni Don Juan ng pagkain
  • Manggagamot
    Nanggamot kay Don Fernando, nagsabing ang Ibong Adarna ang gamot sa sakit ng hari, tanging nakabatid sa sakit ng Haring Fernando
  • Higante
    Dambuhala na nagbabantay kay Donya Juana, pinatay ni Don Juan para iligtas si Donya Juana
  • Serpyente
    May pitong ulo, kapag pinutulan ng isa, tutubong muli ang ulo, nagbabantay kay Leonora, pinatay ni Don Juan
  • Lobo
    Tumulong kay Don Juan sa kanyang mga sugat, bunuhusan si Don Juan upang gumaling
  • Agila
    Sinakyan ni Don Juan papuntang Reyno de los Cristales
  • Arsobispo
    Kasunod sa hari, nakapagbigay ng desisyon, sinabing dapat si Donya Leonora ang ikakasal kay Don Juan at hindi si Maria Blanca
  • Unang Ermitanyo

    Matandang lalaki na nakatira sa kabundukan na tumulong kay Don Juan na hulihin ang Ibong Adarna at iligtas ang kanyang mga kapatid
  • Ikatlong Ermitanyo
    Ermitanyong may mahabang balbas na nagbigay ng panuto kay Don Juan upang hanapin ang isa pang ermitanyong tutulong sa kanya
  • Ikaapat na Ermitanyo

    Huling ermitanyong tumulong kay Don Juan, pinapunta si Don Juan sa Delos Cristales sa likod ng isang agila