Isinulat ni Francisco " Balagtas" Baltazar ang Florante at Laura noong 1838, panahon ng pananakop ng mga Espanyol
Relihiyon at paglalaban ng mga Moro at Kristyano ang siyang temang ginamit ni Balagtas sa kanyang awit bagama't naiuugnay ito sa pag-iibigan nina Florante at Laura
Gumamit siya ng alegorya kung saan masasalamin ang mga nakatagong mensahe at simbolismong kakikitaan ng pagtuligsa at pagmamalabis at kalupitan ng mga Espanyol
Isinilang si Francisco Balagtas noong ika-2 ng Abril, 1788 sa Panginay, Bigaa , Bulacan
Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Balagtas at Juana Dela Cruz at ang kanyang naging palayaw ay Kiko
Sa edad na 74 ay binawian ng buhay ang Prinsipe ng Makatang Tagalog
Pebrero 20, 1860
Florante
Anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Siya ang magiting na heneral ng hukbo ng Albanya at nagpabagsak sa 17 kaharian
Laura
Anak ni Haring Linceo. Siya'y magandang dalagang hinangaan at hinangad ng maraming kalalakihan
Konde Adolfo
Isang taksil at naging kalabang mortal ni Florante mula nang mahigitan siya nito sa husay at popularidad
Menandro
Mabuting kaibigan ni Florante. Naging kaklase niya sa Atenas at naging matapat na kanang kamay ni Florante sa mga digmaan at nagligtas din ng kanyang buhay
Antenor
Ang mabuting guro nina Florante, Adolfo at Menandro habang sila'y nag-aaral sa Atenas
Prinsesa Floresca
Ang mapagmahal na ina ni Florante, asawa ni Duke Briseo at anak ng hari ng Krotona
Duke Briseo
Ang butihing ama ni Florante. Kaibigan at tagapayo ni Haring Linceo
Haring Linceo
Ama ni Laura at hari ng Albanya. Makatarungan at mabuting hari
Menalipo
Pinsan ni Florante. Nakapagligtas sa buhay niya mula sa isang buwitre noong siya'y sanggol pa lamang
Konde Sileno
Ama ni Adolfo na taga Albanya
Heneral Osmalik
Magiting na heneral ng Persya na namuno sa pananakop sa Krotona subalit natalo at napatay ni Florante
Sultan Ali-Adab
Malupit na Ama ni Aladin at siya ring naging kaagaw niya sa kasintahang si Flerida
Heneral Miramolin
Heneral na Turkiyang namuno sa pagsalakay sa Albanya subalit nalupig nina Florante at ng kanyang hukbo
Emir
Gobernador ng mga Moro na nagtangka kay Laura subalit tinanggihan at sinampal sa mukha ng dalaga
Aladin
Isang gererong Moro at prinsipe ng Persya;anak ni Sultan Ali-Adab. Naging kaagaw sa kasintahang si Flerida
Flerida
Kasintahan ni Aladin na tinangkang agawin ng amang si Sultan Ali-Adab
Nakagapos siya sa isang punong higera sa gitna ng isang madilim at mapanglaw na gubat