Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng produkto ay nangangailangan ng sapatnakasanayan at kahusayan
Ang paggawa ay mabuti sa tao sapagkat naisasakatuparan niya ang kanyang tungkulin sa sarili, kapwa at sa Diyos
Ang kagustuhang maisabuhay ang layuning ito ang nagtutulak sa kaniya upang magkaroon ng kagalingan sa paggawa
Kasipagan
Pagsisikap na gawin at tapusin ang isang gawain ng may kalidad
Ang kasipagan ang tumutulong sa isang tac upang mapaunlad niya ang kanyang pagkatao
Palatandaan ng Kasipagan
Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
Hindi nagmamadali sa ginagawa
Sinisiguro na maayos ang kalalabasan
Hindi nagpapabaya sa gawain
Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal
Binibigay niya ang kanyang puso sa ginagawa
Sinisiguro niyang may kalidad ang kanyang gawain
Hindi umiwas sa anumang gawain
Hindi na niya kailangang utusan upang gawin ang isang gawain
Hindi naghihintay ng anumang kapalit sa gawain
Katamaran
Kabaligtaran ng kasipagan
Ang isang taong tamad ay ayaw tumanggap ng gawain
Ang katamaran ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho
Ang katamaran ang pumipigil sa tac upang siya ay magtagumpay
Pagpupunyagi
Pagtitiyaga na maabot o makuha ang iyong layunin at mithiin sa buhay
Ito ay pagtanggap sa mga hamon o pagsubok ng may kahinahunan at hindi nagrereklamo
Ito ay makatutulong upang magtagumpay ang isang tao
Sa kabila ng mga balakid ay hindi siya dapat panghinaan ng loob at kinakailangan niyang magpatuloy at maging matatag
Pagtitipid
Hindi paggasta ng pera nang walang saysay
Ito ay isang birtud na nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay nang masagana kundi upang higit na makapagbigay sa iba
Dapat maunawaan na kailangan na maging mapagkumbaba at matutong makuntento sa kung ano ang meron ka. Ito ang pinakamahalagang paraan ng pagtitipid
Pag-iimpok
Paraan upang makapag-ipon ng salapi na siyang magagamit sa ating pangangailangan sa takdang panahon
Ang pera ay pinagpapaguran upang kitain ito. Kaya kailangan na gastusin ito sa tama upang huwag itong mawala
Kahalagahan ng pag-iimpok
Proteksyon sa buhay
Hangarin sa buhay
Pagreretiro
Mahalagang nag-iipon para sa pagtanda sapagkat hindi sa lahat ng oras ay kakayanin mo pa ang magtrabaho. Kailangan na tratuhin ang pag-impok na isang obligasyon at hindi opsiyonal