Citizenship- katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaring iugat sa kasaysayan ng daigdig.
polis- kabihasnang Griyego binubuo ng mga lungsodestado
polis- Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin.
polis - binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan
AthensPericles, hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kalagayan ng estado
Ang isang citizen ay inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng paglahok sa mga pampublikong asembliya at paglilitis
Ang isang citizen ay maaaring politiko, administrador, husgado, at sundalo.
citizenship - isang ligal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-estado
MurrayClarkHavens (1981) - ang citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado
ARTIKULO IVPAGKAMAMAMAYAN
SEKSYON1 (1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito; (2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas; (3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at (4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
SEKSYON2 Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mamamayan.
SEKSYON3 Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
SEKSYON4 Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
SEKSYON5 Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.
dalawang prinsipyo ng pagkamamamayan - jussanguinis at jussoli o loci
Jus sanguinis Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.
Jus soli o jus loci Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika