Inatasan ni Aguinaldo sina Agapito Banzon, Jose Ignacio Paua, at Felipe Topacio na arestuhin si Bonifacio at ang kaniyang mga kapatid sa Limbon, Indang, Cavite
Naaresto si Andres Bonifacio at ang kaniyang kapatid na si Procopio matapos makipaglaban sa mga tauhan ni Andres Bonifacio habang namatay naman ang isa nilang kapatid na si Ciriaco
Sinampahan ang magkapatid na Bonifacio ng kasong sedisyon at pagtataksil sa bayan sa isang korteng military sa pamumuno ni Mariano Noriel
Nagumpisa ang pagdinig
Abril 29, 1897
Natapos ang pagdinig
Mayo 4, 1897
Mahistrado Abraham Sermiento
Ayon sa kaniya ay ang ginawang paglitis sa magkapatid ay isang kangaroo court lamang at bago pa man ito mag-umpisaay buo na ang desisyon na patawan ng kaparusahan ang magkapatid
Kangaroo court
Mga Korteng hindi sumusunod sa mga prinsipya ng batas at historya. Hindi nito kinikilatis ang mga ebidensya dahil buo na ang magiging hatol nito bago pa man mag simula ang paglilitis
Hindi pinagtanggol ang magkapatid ng kanilang abogado, sa halip ay humingi pa ito ng kapatawaran para sa kanilang ginawa
Ibinaba ang parusang kamatayan para sa magkapatid
Mayo 6, 1897
Sa simula'y binago ni Aguinaldo ang hatol ng pagpapatapon. Ngunit sa huli, itinuloy ni Aguinaldo ang hatol ng kamatayan bunsod ito sa sinabi niyang pangungumbinsi sa kaniya nina Pio del Pilar at Mariano Noriel na malaking banta sa pamahalaan si Bonifacio
Pinaslang ang magkapatid na Bonifacio sa Maragondon, Cavite
Mayo 10, 1897
Ang pagkamatay ni Andres Bonifacio ay naghudyat ng matinding pagbabago sa himagsikan ng mga Filipino para sa Kalayaan
Noong mga panahong nagkaroon ng kagukuhan sa liderato ng Katipunan ay unti-unti naming nakukubkob ng mga puwersang Espanyol ang mga bayan ng Imus, Bacoor, Binakayan, Kawit, at Noveleta
Nagdesisyon ang mga puwersa ni Aguinaldo na magpalipat-lipat ng bayan para maiwasan ang papalapit na Espanyol hanggang siya ay makarating ng Biak-na-bato sa Bulacan
Biak-na-bato
Binubuo ng maraming kuweba na akma para sa kanilang depensang Militar
Pinalakas ng mga Espanyol ang kanilang hukbong sandatahan sa pamamagitan ng paghimok sa ilang katutubong Pilipino na nagmula sa Ilocos, Bicol, Pampanga, Visayas na maging kanilang sundalo kapalit ang ilang mga pribilehiyo katulad ng hindi pagbayad ng buwis
Nagpulong ang mahigit 52 pinuno ng himagskian
Ika-1 hanggang ika-2 ng Nobyembre 1897
Dito ay kanilang inaprubahan ang saligang batas na binuo nina Isabela Artacho at Felix Ferrer. Ito ay sinundan ng pagbuo ng tinatawag na Republika ng Biak-na-bato na may mga sunusunod na Opisyal:
Naniwala si Gob. Hen. Primo de Rivera na kaya nilang matalo ang himagsikan ay mas pinili niyang tapusin ang digmaang ito sa pamamagitan ng pakikipagkasundo
Para kay Aguinaldo ay senyales ito ng kahinaan ng puwersang Espanyol sa laban bagama't Malaki ang problema ng kaniyang hukbo sa pakikipaglaban
Nagdesisyon si Aguinaldo na makipagnegosasyon sa mga Espanyol para sa pagtigil ng mga laban
Agosto 11, 1897
Ito ay kabila ng pagtutol ng ilang heneral dito katulad nina Miguel Malvar at Paciano Rizal
Pedro Paterno ang pangunahing tagapamagitan sa mga Espanyol para kay Aguinaldo
Pinirmahan ang kasunduan ni si Gob. Hen. Primo de Rivera
Disyembre 14, 1897
Pinirmahan ni Paterno ang kasunduan
Disyembre 15, 1897
Pinagtibay ng pamahalaan ni Aguinaldo ang kasunduan
Disyembre 20, 1897
Ayon sa kasunduan ay magbabayad ang mga Espanyol ng 800,000 piso kay Aguinaldo, kapalit ng kanilang boluntaryong pag-alis patungong Hong-kong
200,000 piso kapag ang bilang ng sinukong sandata ay umabot ng 700
200,000 kapag naiproklama na ang amnestisya para sa mga nakipaglaban
Ang 900,000 naman ay ibibigay sa mga inosenteng sibilyan na nadamay sa digmaan
Inihayag ni Aguinaldo ang pagwawakas ng himagsikan laban sa mga Espanyol
Disyembre 25, 1897/ Araw ng pasko ng 1897
Nagtungo sa Hong kong sina Aguinaldo kasama ang ilang opisyal ng himagsikan
Disyembre 27, 1897
Natanggap na nina Aguinaldo at kaniyang kasamahan ang 400,000 piso mula sa mga Espanyol
Enero 1898
Felipe Agoncillo
Ayon sakaniya, ang perang nakuha mula sa mga Espanyol ay gagamitin sana para makabili ng sandata para ipagpatuloy ang himagsikan kung sakaling hindi tumupad sa napag-usapan ang Gobernador-heneral
Bagama't kalaunan ay ipagpapalagay ni Aguinaldo na ang perang ito ay kaniyang personal na pag-aari
Hindi nagustuhan ng ilang mga katipunerong naiwan sa Biak-na-bato ang hatian ng pera
Iginiit nina Isabela Artacho, Artemio Ricarte, Paciano Rizal, at Francisco Makabulos sa pamahalaang Espanyol na dapat ibigay sa kanila ang kalahati ng 800,000 na nakatakdang ibigay kay Aguinaldo
Nagdesisyon ang mga Espanyol na ibigay sa kanila ang 200,000 piso
Itinuring ni Aguinaldo na isang katraydoran para sa himagsikan. Inalis niya ang mga ito sa Kataas-taasang Sanggunian at pinalitan sila ng ilang opisyal na kasama ni Aguinaldo sa Hong kong