Pangangalap ng Paunang Impormasyon at Pagbuo ng Pahayag

Cards (17)

  • Bakit ba kailangan pang mananaliksik?
  • Takot
    Pangunahing dahilan sa ganitong tanong o pananaw
  • Mga dahilan sa takot sa pananaliksik
    • Itinuturing na mahirap, mabusisi, at nakauubos ng oras na gawain
    • Kakulangan sa iba't ibang kasanayang kaugnay ng pananaliksik tulad ng pagbibigay-interpretasyon sa makakalap na datos, sa pagsulat, sa mahabang oras ng paghahanap ng datos, at iba pa
  • Hindi dapat magpatalo sa takot na ito sapagkat marami at malaki ang pakinabang sa pananaliksik
  • Mga pakinabang ng pananaliksik
    • Nagbibigay ng pagkakataon upang palalimin ang interes
    • Makatuklas ng mga bagong kaalaman
    • Malinang ang kasanayan sa paglutas ng suliranin
    • Hamunin ang kakayahan sa makabagong pamamaraan
  • Maraming magagandang karanasan ang maaaring maranasan sa pagsasagawa ng pananaliksik
  • Mga magagandang karanasan sa pananaliksik
    • Maaaring isagawa nang isahan o pangkatan
    • Pagkakataon upang makabisita sa mga aklatan, museo, at sa iba pang lugar sa pamayanan
  • Ito ay isang mabisang paraan upang matuto at maging kapaki-pakinabang
  • Mga website na mas mapagkakatiwalaan
    • May domain name system na nagtatapos sa .gov
    • Mas maging maingat at mapanuri sa mga web site na nagtatapos sa domain extension na .com (commercial)
  • Datos
    Nagsasalaysay o naglalarawan o pareho. Halimbawa: kulay, tekstura, lasa, damdamin, mga pangyayari, at sasagot sa mga tanong na paano at bakit? Kung minsan, maging ang mga sagot sa mga tanong na ano, sino, kalian, at saan ay maaari ring ikonsiderang datos ng kalidad depende sa tanong o sagot ng respondente
  • Datos
    Tumutukoy sa dami o bilang ng mga bagay o sagot ng mga sinarbey o ininterbyung mga respondent. Maaari ding ang mga datos na ito ay tumutukoy sa mga katangiang nabibilang o nasusukat
  • Pahayag ng Tesis
    Naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya ng sulating pananaliksik. Isa itong matibay na pahayag na naglalahad sa pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik tungkol sa paksang handa niyang patunayan sa pamamgitan ng pangangalap ng datos at ebidensya
  • Pagsulat ng Pahayag ng Tesis
    1. Magsimula sa paunang pangangalap ng impormasyon o datos
    2. Basahin at suriing mabuti ang mga nakalap upang makita mo ang kaugnayan ng bawat isa sa iyong paksa
    3. Masubok kung mahusay o matibay ang nabuo mong pahayag ng tesis sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong
  • Mga paraan upang magsulat ng Pahayag ng Tesis
    • Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama rito ang iyong opinyon o posisyon
    • Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang isyu o suliranin at maghinuha kung paano ito maaaring malutas
    • Mag-isip ng maaaring maging solusyon sa isang suliranin
    • Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang perspektibo o pananaw
    • Magpanukala kung paanong ang mundo sana ay naiiba ngayon kung nangyari/ hindi nangyari ang mga bagay-bagay sa nakalipas
    • Pagkomparahin ang dalawang bagay na halos magkapareho at bigyan ang mga ito ng marka
    • Maglahad ng iyong mga ideya kung paanong naimpluwensyahan ang isang paksa kaya ito naging ganito o ganoon (hal. Musika, sining, politika)
  • Bukod sa himig at ritmo, tinatangkilik ang isinaling awit kung naisalin ang ideya ng orihinal na awit nang hindi hinahabol ang titik ng pinagsalinang lenggwahe sa tono ng orihinal na awit
  • Isinasabuhay ng mga loveteam ang romantikong pantasya ng mga manonood ng telebisyon at pelikula kaya suportado o tinatangkilik nila ito
  • Kasabay ng kanilang pagsikat, ang mga kapihan ay nakapag-project ng imahe sa lipunan sa tulong ng media bilang luar kung saan nagkikita-kita o nakikipagkilala ang mga tao na sinusuportahan naman ng kanilang arkitektura, internal na disenyo, at pagtawag sa pangalan ng kostumer na bumili kaya siya nakikilala ng iba pang mga kostumer sa loob ng kapihan