Estilo ng pagdidisenyo at paraan ng pagtatayo ng mga gusali at iba pang pisikal na istruktura
Arkitektura - Timog Asya
TajMahal sa India, ipinagawa ni Shah Jahan bilang libingan ng kaniyang yumaong asawang si Mumtaz Mahal
Arkitektura - Kanlurang Asya
Arkitekturang Arabic, karaniwang nilalarawan sa kanilang mga moske, libingan, mga palasyo, at mga tanggulan. Dome of theRock - pinakamahalagang gusaling naglalarawan ng arkitekturang Arabic
Literatura - Timog Asya
Vedas at Bhagavad Gita - pinakamaimpluwensiyang sulating Sanskrit
Mahabharata - pinakamahabang epiko sa daigdig
Ramayana - epikong Sanskrit na nagsasalaysay sa buhay ng bayaning Rama at asawang si Sita
Law of Manu - pinakamahalagang literaturang Hindu
Kalidasa - pinakadakilang manunulat ng literaturang Sanskrit
Literatura - Kanlurang Asya
Qu'ran o Koran - pinakamahusay na literaturang Arabic, pinakamahalaga at habambuhay na epekto sa kulturang Arabic
Pagpipinta - Timog Asya
Ajanta - isang kuweba sa India, dito natagpuan ang paglalarawan ng sinaunang uri ng pamumuhay ng mga Indian. Ang kanilang palasyo at panirahan ay karaniwang napapalamutian ng mga pintang may impluwensiyang Hinduism at Buddhism
Pagpipinta - Kanlurang Asya
Karaniwang binubuo ng koleksyon ng mga pintang naglalarawan sa tradisyonal na estilong Arabic at imahe ng Arabia
Kontribusyon sa Siyensiya at Medisina
Astrolabe - gamit ng mga Arab sa pagtatala ng eksaktong oras ng pagsikat at paglubog ng araw
Al-Buruni - isang Arab na nagpahayag ng posibilidad na ang mundo ay umiikot sa sarili nitong axis
Al-Razi - paggagamot ng impeksiyon at pagsasara ng isang operasyon
Ibn Sina - pinakadakilang manunulat ng medisina noong panahong medieval
Avicenna - sinimulan niya ang pag-aaral sa kalusugan ng utak at kilala bilang unang psychotherapist
Ibn al-Nafis - nakatulas ng prinsipyo ng pulmonary circulation
Neokolonyalismo
Ibang anyo ng kolonyalismo, patuloy na kinokontrol ng mas malakas na bansa ang ekonomiya, impraestuktura, at politika ng mas mahinang bansa upang maging kapakipakinabang sa kanilang interes
Uri ng Neokolonyalismo
Neokolonyalismong Intelektuwal
Neokolonyalismong Politikal
Neokolonyalismong Kultural
NeokolonyalismongIntelektuwal
Nagkaroon ng pagpapalitan ng iskolar sa pagitan ng mga bansa, nakipag-ugnayan ang mga pamantasan sa mga Kanluraning bansa na siyang nagbibigay ng mga libro at ibang kagamitan, pinamahalaan ng mga dayuhang ahensiya ang mga pasilidad ng mga unibersidad
Neokolonyalismong Politikal
Nagagawang tumulong ng mga Kanluraning bansa sa kanilang mga dating kolonya kung ito ay nanganganib na sakupin at lusubin ng ibang bansa, handa itong magbigay ng kanilang hukbong sandatahan at iba pang tulong pangmilitar
Neokolonyalismong Kultural
Patakaran ng makapangyarihang bansa na palaganapin ang kanilang kultura o paraan ng pamumuhay tulad ng pananamit, sayaw, awit, estilo ng buhok, lengguwahe, pagkain, pakikipagrelasyon, at libangan, gamit ang mass media at edukasyon