ESP 9

Cards (122)

  • Kabutihang Panlahat
    tanging hangad ng lipunan sa kanyang sinasakupan
  • Lipunan
    kalipunan ng mga tao na nag-uugnayan ang bawat isa at binabahagi ang iba't-ibang kultura at mga institusyon
  • Ang Paggalang sa Indibidwal na Tao
    Ang isang lipunan ay makatarungan kung ang namumuno dito ay ginagalang at pinoprotektahan ang karapatan ng bawat tao
  • Ang tawag sa katarungan
    Ang lipunan ay may tungkuling na ibigay sa mga tao
  • Kapayapaan at kalikasan
    Kung susuriing mabuti ang ganitong kahulugan ng kapayapaan ay walang perpektong kapayapaan ang ating buhay
  • Kapayapaan
    indikasyon ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat
  • Maunlad na ekonomiya
    Susi sa pag-unlad ng pamumuhay; hindi lingid sa lahat na ang kalimitang pag-aaway ay kahirapan, kawalan ng trabaho, at gastos sa pagpapagamot at pangunahing pangangailangan
  • Kalinisan, Kalusugan, at Kaalaman
    Malinis na buhay, palikuran, paligid ng bahay, at pamamahala ng basura ay nagdudulot ng kalusugan
  • Ang kaalaman ng mga anak sa pamamagitan ng pag-aaral ay hindi pangarap kundi obligasyon ng magulang
  • Kultura
    sumasalamin sa magagandang kaugalian, katangian, kakayahan, kaalaman, at mga bukod tanging tradisyon na maaaring makita sa mga salita, aklat, relihiyon, musika, pananamit, pagluluto, atbp.
  • Napapanahong Impraestruktura
    Ang pamahalaan ay inaasahan na magtayo ng mga impraestrukturang makapagbibigay-ginhawa sa mga tao
  • Sloping Agricultural Land Technology (SALT)

    Pagtatanim sa gilid ng bundok o burol upang maiwasan ang erosion o pagguho ng lupa
  • Mga Proyekto ng Pamahalaan na Nangangalaga ng mga Likas na Yaman ng Bansa
    Sloping Agricultural Land Technology (SALT)
    Pagbabawal ng pamahalaan sa pagtatayo ng mga pagwaan malapit sa dagat
    Pagtatayo ng marine park upang makita ng tao kung gaano kaganda ang mga likas na yaman ng karagatan
    Pagbabawal ng pagkakaingin o pagsunog ng mga punongkahoy sa kagubatan
    Pagsasagawa ng reforestation
  • Rehiyonalismo
    Nagdudulot ng pagkakahati-hati, hidwaan, at poot
  • Kakulangan o kawalan ng sigla
    Kabaliktaran ng pagpapahalaga sa sarili; may mahalagang epekto sa layuning mapanatili ang kagandahan at kabutihang panlahat ng tao sa isang lipunan
  • Salungatan ng Batas o Kahalagahan
    Hindi katakataka na sa isang lipunan ay may nakakalitong batas at kahalagahan
  • Kultura na Walang Pakialam
    Nang kamti natin ang kalayaan ay ibang uri at estilo ang pumalit na pananakop ang umalipin sa bansang Pilipinas
  • Multinational Corporation
    May kontrol sa ating kabuhayan at ekonomiya
  • Kultura ng pagpatay
    Pinaiiral ang walang patumannggang pagkitil ng buhay ng tao
  • Droga at Korporasyon
    Ang gawaing masama ay nagdudulot ng kapahamakan, lungkot, sakit, eskandalo, pang-aapi, panlalamang, at kamatayan
  • Kawalan ng paggalang
    ang bawat tao ay may karapatang mapabuti ang sarili at tungkulin ng bawat isa na ito ay tanggapin
  • Tatlong kondisyon ang kailangan upang makamit ang kabutihang panlahat ayon kay Joseph de Torre (1987) sa kanyang aklat na Social Morals
  • Tatlong kondisyon ang kailangan upang makamit ang kabutihang panlahat
    Ang lahat ng tao ay dapat mabugyan ng pagkakataong makakilos
    Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na pangalagaan
    Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kanyang kaganapan
  • Karapatang Pantao
    Nangangalaga sa dignidad ng tao at nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay
  • Politikos
    (Tagalog) Politiko, galing sa Griyegong salitang "patungkol sa mga mamamayan"
  • Lipunan
    Pagsasama-sama ng nagkakaisang mga tao na may interaksiyon o partisipasyon ng bawat isa na nakabubuo ng isang alituntunin o layunin upang mapaunlad at magkaroon ng kaganapan ang bawat isa
  • Subsidiarity
    Prinsipyo na ang mga pangangailangan ng tao na hindi niya makakamtam bilang indibidwal ay makakamit niya lamang sa tulong ng pamahalaan o organisadong pangkat tulad ng mga pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan
  • 4P's
    (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) Programa ng pamahalaan na nagbibigay ng pinansyal na tulong sa pinakamahirap na pamilyang Pilipino na layunin na maahon sa gutom at kahirapan
  • Politikos
    (Tagalog) Politiko, proseso na ginagamit ng politikong tao para makamit ang posisyon ng pamahalaan upang magorganisa ang mga mamamayan ng estado o bansa
  • Ang politiko ay makapagbibigay ng masisining na proseso at ang politiko lang ang may kalinga at malasakit sa mga mamamayan ang makagagawa ng lipunang politikal
  • Mapapansin ng marami ang pangangailangan ng tao: materyal, pisikal, pinansiyal, emosyonal, sosyal, sikolohikal, legal, at marami pang iba
  • Subsidiarity
    Nangyayari sa mga pagkakatao na may mga pangangailangan ang tao na hindi makakamtan bilang indibidwal, ay makakamit lang niya sa tulong ng pamahalaan o organisadong pangkat tulad ng mga pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan
  • Pananagutan
    • Ng pinuno: pangalagaan ang pamayanan
    • Ng mga kasapi sa lipunan: maging mabuting kasapi sa lipunan
  • Ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa lipunan ay pagtupad ng kanilang tungkulin, pagsali sa pag-iisip at pagpapasya at paglahok sa mga komunal na gawain
  • Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng pag-aambag ng talino at lakas ng mga kasapi sa kabuvang pagsisikap ng lipunan
  • Matatag
    • Nagpapakita ng tibay, lakas, at tapang sa kanyang mga gawain at desisyon. Hindi natitinag sa anumang batikos at panlalait dahil alam ng pinuno ang tama, legal at tuwid ang kaniyang ginagwa
  • Disiplinado
    • May kontrol sa sarili, iwasan ang mga bisyo ng katawan, wala sa lugar na pag-uugali, pagiging korap, walang delikadesa, kayabangan, bruskong katapangan, mainiting ulo, at mga kamalian sa buhay
  • Matalino
    • Pagpapakita ng talino at kaalaman sa pamamahala sa lipunan. Tapatan o lampasan ang inaasahang katalinuhan ng kanyang mga nasasakupan at praktikal na kaayusan ng lipunan gamit ang praktikal na kaalaman
  • Hindi namumulitika
    • Nagtatrabaho sa kapakanan at kabutihang panlahat. Walang kinikilingan o pinapaborang ilang mamamayan at isinasantabi o inaapi ang ilang tao o grupo sa lipunan
  • Hindi maluho
    • Responsableng pamamahala ng yaman ng lipunan. Hindi maluho sa buhay politika