AP 1st summative

Cards (8)

  • Komersiyal na pangingisda
    gumagamit ng mga barko na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada at ito ay isinasagawa sa malalaking dagat at karagatan na nakapalibot sa ating bansa.
  • Aquaculture
    kontroladong paraan ng produksiyon ng isda at iba pang
    yamang-tubig, pag-aanak, pag-aalaga, pag-aani ng mga isda, shellfish, algae at iba pang organism sa lahat ng mga uri ng mga kapaligiran sa tubig.
  • Munisipal na pangingisda
    gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hindi hihigit o mas mababa sa tatlong tonelada at ito ay isinasagawa sa loob lamang ng bayan at munisipyo.
  • Republic Act 3844
    Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Diosdado Macapagal, pinalawig nito ang batas sa reporma sa lupa. Ang bagong patakarang ito ay naglalayong tuluyang matanggal ang sistema ng pananakahan. Isinabatas ang pagbili ng pamahalaan ng mga pribadong lupaing pansakahan upang ilipat ang pagmamay-ari nito sa mga magsasakang umookupa rito sa pamamagitan ng mahabang installment plan.
  • Code of Agrarian Reform
    Binuo naman ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Department of Agrarian Reform sa pamamagitan ng Decree na ito. Inatasan ng batas na ito na ang bawat magsasakang nangungupahan sa mga pribadong sakahan ng bigas at mais ay dapat magkaroon ng limang ektaryang parte sa lupang kanilang sinasaka.
  • Republic Act 6657
    Ang pinalawak na agrarian reform ay isinabatas sa panahon ni Pangulong Corazon Aquino. Ang batas ay nag-uutos na ipamahagi ang lahat ng pampubliko at malalaking pribadong sakahan sa mga magsasakang walang sariling sakahan.
  • Philippine Development Plan 2011-
    Ito ay nabuo sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Noynoy Aquino.
    Isa na rito ang estratehiya para sa agrikultura. Nakapaloob sa PDP 2011-2016 ang ilang pangunahing tunguhin para sa sektor ng agrikultura:
  • Republic Act 1400
    Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ramon Magsaysay naisabatas ang repormang ito. Inatasan ng batas ang Land Tenure Administration na bumili ng mga pribadong lupang sakahan upang maibenta sa mga nananakahan dito.