mga tauhan ng el fili

Cards (88)

  • Simoun
    - napakayamang mag-aalahas
    - kaibigang matalik at tagapayo ng kapitan-heneral
    - makapangyarihan kaya't iginagalang
    - palihim na naghahasik ng rebolusyon
  • Kapitan Heneral
    - hinirang ng Espanya bilang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan
    - masipag at nagpapahalaga sa oras
    - gumagawa ng importanteng paspapasiya
    - pabigla-bigla at makapritsong humatol
    - palaging salungat sa pasya ng mataas na kawani
  • Mataas na Kawani
    - isang Espanyol
    - kagalang-galang at may paninindigan
    - tumutupad sa tungkulin
    - may mabuting kalooban para sa mga nagsusulong ng pagtuturo ng wikang Kastila
    - laging sumasalungat sa mga di mabuting panukala ng mga opisyal at kawani
    - sumasalungat sa kapitan Heneral kapag nagpasya ito ng hindi marapat at mabuti
    - mapanuri at makatarungan
  • Padre Florentino
    - Tiyuhin ni Isagani
    - paring Pilipino : mabuti at magalang
    - pinilit lamang siya ng inang maglingkod sa Diyos
    - kumupkop sa pamangking si Isagani nang maulila ito sa mga magulang
  • Padre Bernardo Salvi
    - paring Pransiskano na iginagalang ng ibang prayle
    - mapag-isip
    - umibig ng lubos kay Maria Clara
  • Padre Fernandez
    - isang apring dominiko na bukas ang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon
    - sang-ayon a adhikaing makapag-aral ng wikang kastila ang mga estudyante
    hindi nalulugod sa mga gawaing tiwali ng pamahalaan at kapwa niya prayle
  • Padre Irene
    - Paring kanonigo
    - minamaliit at di gaanong iginagalang ni Padre Camorra
    - nilapitan ng mga mag-aaral upang maipasa ang panukalang akademya sa pagkakaroon ng wikang kastila sa mga estudyante
    - naging tagaganap ng huling habilin ng kaibigang si kapitan Tiago
  • Padre Hernando Sibyla
    - isang matikas at matalinong pareng Dominiko
    - Vice Rector ng Unibersdad ng Santo Tomas
    - salungat sa pagpasa ng panukala upang matuto ng wikang kastila ang mga mag-aaral
  • Padre Camorra
    Batang paring pransiskano
    - mahilig makipagtungayaw kay Ben Zayb
    - kura ng Tiani
    - walang galang sa mga kababaihan lalo na sa magagandang dilag
  • Padre Millon
    - isang paring Dominiko
    - propesor sa Kemika at Pisika
    - mabuting pilosopo at mahusay makipagtalo
    - hindi niya lubusang maituro nang mahusay ang aralin sa mga mag-aaral
    - makikita sa kanya ang maling sistema ng edukasyon sa bansa
  • Telesforo Juan de Dios
    Kabesang Tales
    - napakasipag na magsasaka
    - dating kasama sa mga mayayamang may lupain
    - umuunlad dahil mahusay gumamit ng kinikitang pera
    - pinili na maging kabesa ng Barangay dhila sa kanyang kasipagan at pagiging mabuting tao
  • Juliana/Juli
    - ang pinakamagandang dalaga sa Tiani
    - anak ni Kabesang Tales
    - larawan ng pilipinang madasalin, matiisin, masunurin at madiskarte
    - tunay siyang mapagmahal sa pamilya
    - tapat at marunong maghintay sa katipang si Basilio
  • Tata Selo
    - kumalinga sa batang si Basilio sa gubat nang tumakas siya mula sa mga gwardiya sibil
    - maunawaing tatay ni Kabesang Tales
    - mapagmahal na lolo nina Julia at Tano
  • Tano/Carolino
    - anak ni Kabesang Tales na tahimik
    - kusang-loob na sumunod sa kagustuhan ng amang siya'y magsundalo
    - nawala nang matagal na panahon
  • Basilio
    - nalagpasan ang mga hilahil dahil nagpaalipin kay Kapitan Tiago
    - nagpunyagi sa pag-aaral
    - nagtagumpay at nakapanggamot agad kahit hindi pa nakukuha ang diploma ng pagtatapos
  • Isagani
    - isang malalim na makata
    - mahusay makipagtalo
    - matapang sa pagpapahayag ng kanyang pinaniniwalaan kaninuman
    - matuwid sa paggamit ng adhikain
    - pamangkin siya ng butihing si Padre Florentino
  • Makaraig
    Mayamang estudyante na masigasig sa pagtatayo ng Akademya
    - nangunguna sa panawagang pagbubukas ng akademya sa pagtuturo ng kastila
    - masipag mag-aral
    - mahusay makipagtalo
    - mapitagan at nakalulugod na mag-aaral
    - palabasa ng iba't - ibang libro
    - napakayaman at bukas-palad sa kapwa
  • Placido Penitente
    Mahinahon at mapagtimpi ang kahulugan ng kanyang pangalan
    - parang bulkan siyang sumabog kapag nagalit
  • Pecson
    Mapanuring mag-aaral
    - masigasig makipagtalo
    - hindi siya agad naniniwala sa mga bali-balita lamang
    - laging nag-aalala
  • Juanito Pelaez

    - mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero
    - laging inaabuso at tinatakot si Placido
    - may kapansanang pisikal
    - masugid na manliligaw ni Paulita Gomez na pinaburan ng kanyang tiyahin na si Donya Victorina
  • sandoval
    - tunay na Espanyol
    - lubos na kaisa sa adhikain ng mga estudyanteng PIlipino
    - mahilig makipagdebate nang kahit anong paksa
    - nais niyang maipalabas ang katotohanan sa isang usapin
  • Tadeo
    - mag-aaral na lubhang tamad
    - laging nagsasakit-sakitan tuwing makikita ang propesor
    - hangad niyang laging walang pasok upang makapaglakwatsa
    - may kahambugan
    - walang ambisyon sa buhay
    - malaswang magsalita
    - nagyayabang sa mga walang muwang na nilalang
  • Paulita Gomez
    - masayahin at napakagandang dalaga nahinahangaan nang karamihang lalake
    - pamangkin siya ni Donya Victorina
    - kasintahan ni Isagani
    - larawan siya ng dalagang laging maayos at maalaga sa sarili
  • Donya Victorina de Espadana
    - larawan ng isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi.
    - inaalimura , tinatakwil at itinutuligsa ang mga Indiong Kanyang kalipi
    - asawa ni Don Tiburcio
  • Don Tiburcio de Espadaña
    Ang nakaisang dibdib ni Doña Victorina at nagpanggap na isang doktor
    - nagpasyang di na muling magpakita sa asawa dahil sa kapritso nito
    - larawan ng mga lalaking walang buto, sunod-sunuran, at takot sa asawa
  • Don Santiago "Kapitan Tiago" delos Santos
    - dating kaibigan ng mga prayle subalit ngayo'y masama na ang loob niya sa mga ito
    - nawalan ng kahulugan ang kanyang buhay nang pumasok si Maria Clara sa monasteryo
    - nalulong sa sabong at paghithit ng apyan
    - nawala sa katinuan
    - siya ang naging kasangkapan sa pagbabagong-buhay ni Basilio
  • Maria Clara delos Santos
    - ang tanging inibig ni Simoun sa kanyang buhay
    - ISa sa mga dahilan sa pagbabalik ni Ibarra sa katauhan ni Simoun sa Pilipinas
    - nais siyang kunin at itakas ni Simoun mula sa monasteryo
  • Kapitan Basilio

    - mayamang mamamayan ng San Diego
    - ama ni Sinang at asawa ni Kapitana Tika
    - galante sa mga pinuno at prayle upang maiwasan ang problema o kagipitan sa mga pabor na kanyang mga kakailanganin
  • Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo
    - nakapag-asawa ng maganda at mayamang mestisa
    - umangat ang posisyon hanggang naging opisyal na tagapayo ng Kapitan Heneral dahil sa likas niyang talino
    - Ang mga salitang masipag, mapanuri, matalino at palaisip ay ilan lamang sa mahuhusay na bansag sa kanya dahil ito sa mabuting panulat ni Ben Zayb na kanyang kaibigan
    - alam na alam ni Don Custodio ang kanyang tungkulin subalit kakatwa ang kanyang mga panukala at pasiya sa mga ito
  • Ben Zayb
    - mamahayag na malayang mag-isip
    - minsan kakatwa ang paksang nais niyang isulat magkaroon lamang ng ilalathala
    - mababa ang tingin niya kay Padre Camorra
    - siya ang utak sa lumalabas na magaganda at mabubuting balita tungkol sa Kapitan Heneral at sa iba pang matataas na opisyal upang mapalapit siya sa mga ito
  • Ginoong Pasta

    Naging alila siya ng mga prayle habang nag-aaral bago siya naging pinakatanyag na Abogadong Pilipino
    - dating kaklase ni Padre Florentino
    - Mapanuri at namimili siya ng kausap
    - takot siyang mamagitan para sa kaunlaran ng mga mag-aaral at walang malasakit sa kanilang iniisip sa kabutihan
  • Pepay
    - isang kaakit-akit na mananayaw
    - siya ay maputi at kakaiba ang kulay sa mga karaniwang Pilipina
    - mahilig siyang humingi ng mga pabor sa kaibigang si Don Custodio na nahihibang sa kanyang alindog
    - kaibigan din niya si Juanito Pelaez
  • Kapitan ng Barko
    - isang beteranong marinero
    - siya ay may malawak na karanasang paglalakbay sa iba't-ibang panig ng mundo noong kanyang kabataan luulan ng matutulin at malalaking barko
  • Tiyo Kiko
    matalik na kaibigan ni Camaroncocido.
    - isang matandang pandak na buhay na buhay ang mga mata
    - nabubuhay sa pagbabalita ng mga palabas at pagpapaskil ng mga anunsiyo
    - isang siyang mahirap na Indio
  • Camaroncocido
    - tanging nilalang sa siyudad na walang pakialam sa pinagkakaguluhan ng lahat sa siyudad na opereta mula sa Pransiya
    - dating mamamahayag at anak ng kilalang pamilyang Espanyol pero sa kadahilanang di nabanggit ang nobela ay namumuhay nang maralita at namamalimos
  • Sinong
    ang kutserong dalawang ulit na nahuli ng guardiya sibil bago mag-noche buena dahil sa wala siyang sedula at wala rin ilaw ang kanyang kalesa
    - naging kutsero ni Simoun sa huli at naging kasapi siya ng lihim ng kilusan
  • Mr. Leeds
    mahusay na mahika
    - napaniwala niya ang mga manunood at napag-usig sa budhi ni Padre Salvi sa kanyang palabas
  • Don Timoteo Pelaez
    - siya ang ama ni Juanito Pelaez
    - larawan ng mapandustang mangangalakal
    - nakabili ng tahanan ni Kapitan Tiago sa murang halaga
    - naging kasosyo siya sa negosyo ni Simoun
  • Quiroga
    - isang mayamang mangangalakal na Intsik
    - Iniaangkop niya ang ugali depende sa kanyang kaharap
    - isinisulong niya ang pagkakaroon ng konsulado ng mga Intsik sa bansa
  • Kabesang Andang
    Ina ni Placido Penitente
    - kahit balo na, matiyaga niyang pinag-aral ang anak
    - naghigpit siya ng sinturon para sa sarili mabigyan lamang ng edukasyon ang anak
    - siya ay larawan ng ulirang magulang dahil sinisiguro niyang matutugunan ang mga pangangailangan ng anak