Ito ay binubuo ng mga talata na nagbibigay ng pahapyaw na kaalamang magiging mabisa sa pagtalakay ng mga sumusunod na bahagi
Panimula
Kailangang ito ay nakakapukaw ng atensyon, kawili-wiling basahin at nagsasaad din ng kahalagahan ng paksa
Panimula
Maikli lamang ang bahaging ito, kung maglalahad ng impormasyon mainam na may kalakip na katunayan o katibayan mula sa mga dokumento at babasahin
Kaligiran ng Pag-aaral
Tinatalakay sa bahaging ito kung kalian, paano at saan nagsimula ang suliranin
Isinasama rito ang mga sitwasyon sa nakaraan tungo sa kasalukuyan at kung bakit kailangang bigyang-pansin ang paksang napili
Suliranin ng Pag-aaral
Ito ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik dahil nakasentro dito ang pag-aaral. Kung wala ito walng pag-aaral na magaganap
Paraaan ng Paglalahad ng Suliran
1. Patanong (question) kadalasang ginagamit ang “Ano, Paano, Gaano" at iba pa.
2. Papaksa (statement) ginagamit sa pangkalakalang pananliksik.
Batayang Teyoretikal
Pagsasaalang-alang ng mga teorya na hango sa mga naisagawang pananaliksik
Batayang Konseptwal
Likha o gawa ng kasalukuyang mananaliksik
Haypotesis
Ito ay ang pansamantalang hinuha o hula sa maaringkalabasan ng isinasagawangpananaliksik.
Ito ay maaaring tanggapin o hindi tanggapin batay sa kalabasan ng pag-aaral.
Sa pagbuo ng haypotesis kailangang ito ay tiyak, may pagkakaugnay-ugnay ng mga baryabol masusubukan masusuri at malinaw.
Saklaw
Tumutukoy sa lugar kung saan isasagawa ang pag-aaral, panahon kung kailan isasagawa ang pag-aaral, sino ang mga kalahok at ilan sila.
Limitasyon
bahagi ng imbestigasyon na maaaring makaapekto sa resulta mg pag-aaral. Timutukoy dito ang hindi kasangkot sa gagawing pag-aaral upang mas maging tiyak at maiwasan ang malaking sakop na iikutan ng pananliksik
Kahalagahan ng Pag-aaral
Tumutukoy kung sino ang makikinabang sa pag-aaral na isinasagawa
Kahulugan ng mga Katawagan
Ang mga katawagan o terminolohiya ay ilang mga pilingsalita na ginagamit sa pananaliksik
Dalawang Uri ng Pagpapakahulugan
Konseptuwal na kahulugan - tumutukoy ito sa mga kahulugang kinuha sa diksyunaryo at iba pang aklat na naglalaman ng pangkalahatang kahulugan ng salita.
Operasyunal - tumutukoy sa kahulugan ng salita ayon sa pagkakagamit nito sa iyong pananaliksik. Sa ibang salita, ito ang kahulugang konteksto sa pananaliksik.