Cards (30)

  • Jose Burgos, Jacinto Zamora, at Mariano Gomez
    -Pangalan ng tatlong paring martir na naidawit ng pamahalaang kolonyal at mga fraile sa nabigong pag-aalsa sa Cavite noong 1872 kung kaya't sila'y binitay
  • Burgos - isa sa mga pari ng GOMBURZA na nagsulat ng kritikal ukol sa gobyerno ng Espanya
  • illustrados - sa Ingles ay "the enlightened ones"; ay isang grupo ng mga Pilipinong nakapag-aral sa ibang bansa at napagtanto ang katiwalian ng Espanya sa pamamagitan ng kanilang Europeong mga kaibigan
  • La Solidaridad - nailimbag noong 1889; isang pahayagan ng "Propaganda Movement" na nagsulat ukol sa kahirapan ng Pilipinas bilang kolonya ng Espanya na nagsilbing inspirasyon sa mga Pilipino upang mag-alsa laban sa kanilang mga kolonisador
  • Graciano Lopez Jaena - unang editor ng La Solidaridad na sumulat ukol sa direktang pagbubuwis kapalit ng:
    • tributo at
    • pwersahang pagtatrabaho.
  • Malolos Diariong Tagalog - kaunaunahang bilingual na pahayagan sa Pilipinas na pinangunahan ni Marcelo H. Del Pilar na siyang nagsilbing behikulo ng demokratikong mga ideya sa mga magsasaka at mga Pilipinong mahihirap
  • Valeriano Weyler - konserbatibong gobernador heneral ng Pilipinas na siyang nagdeklara na si Del Pilar ay isang "filibustero y anti-espanol"
  • Matapos ang 1860's ang katawagang "Filipino" ay tumutukoy na sa:
    • Creoles
    • Katutubo
    • Chinese mestizos
    • Spanish mestizos
  • Bakit tinawag na "moderno" ang mga intelligentsia o illustrado?
    Sapagkat sila ay may kanluraning kaalaman at Pilipinong pag-unawa ng lokasyon at nasyonalidad
  • Ano ang pangunahing salik ng paglaganap ng edukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga kastila (Ayon kay Mojares)?
    Dahil sa pangangailangang panlipunan kung saan kinailangan ng lipunan ang magkaroong ng mga edukadong mamamayan
  • 1865 - ipinagutos ng Madrid na magtayo ng mga paaralang sekondarya sa ilalim ng superbisyon ng Unibersidad ng Santo Tomas (UST)
  • Latinity schools o escuela de latinidad - mga pribadong paaralan na kadalasan nakabase sa mga bahay na laganap noong 19th century
  • Francisco Baranera's Compendio de la Historia de Filipinas - isa sa mga aklat ng kasaysayan ng Pilipinas na tinuro sa mga Pilipno noon na base sa pananaw ng mga kolonisador
  • Ayon kay Schumacher: "halos lahat ng mga Pilipinong nasyonalista na lider ng propaganda ay isang mason"
  • Pinakakilalang Illustrado sa Pilipinas:
    • Graciano López Jaena
    • Marcelo H. del Pilar
    • Mariano Ponce
    • Antonio Luna,
    • Juan Luna, at 
    • José Rizal
  • Atonio Luna - unang Pilipinong pharmacist sa Pilipinas at nagsulat din sa pahayagang La Solidaridad
  • Del Superior Gobierno - isang gobyernong pampahayagan na nagdalaan ng Europeong balita para sa mga Kastila sa Maynila
  • Tertulias - tawag sa mga salo-salo kung saan (1) binibigkas ang mga tulang makabayan at (2) nagaganap ang mga talakayang pampulitika
  • Bakit nagtayo ng mga paaralan ang mga Kastila?
    Upang maipalaganap ang Kristiyanismo
  • Kilusang Propaganda - naganap sa Barcelona, Espanya noong 1872 hanggang 1892 kung saan binubuo ito ng mga Pilipinong Ilustrado sa Europa.
  • Kilusang Propaganda - nabuo ang kilusang ito dahil sa pagliyab ng diwang nasyonalista sa isip at puso ng mga ilustrado, o mga taong nakabatid ng kalinawan at kaliwanagan, na pinaigting ng mga makasaysayang pangyayari tulad ng pagbitay sa tatlong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora o mas kilala ngayon bilang GomBurZa.
  • Enero 20, 1872 - petsa kung kailan nangyari ang pag-aalsa sa Cavite na naging dahilan ng pagkakadawit ng Gomburza dito kung kaya't sila'y pinapatay
  • Mga naging sanhi pag-aalsa sa Cavite:
    • pagtutol ng mga manggagawang Pilipino sa pagbabayad ng buwis at
    • pagtutol sa kanilang kaparatang mataliwas sa sapilitang paglilingkod.
  • Mga pangunahing layunin ng kilusang propaganda:
    • pagkakaroon ng pantay na pagtingin sa mga Espanyol at Pilipino,
    • pagkakaroon ng kinatawan ng mga Pilipino sa Cortes Generales (kongreso ng Espanya),
    • sekularisasyon sa mga parokya,
    • kalayaan na makapagpulong nang matiwasay,
    • pagbuo ng sistemang edukasyon na walang impluwensiya ng mga prayle,
    • pagbuwag sa mga patakarang hindi makatao tulad ng polo y servicio at vandala, at
    • pati na rin ang pagkakaroon ng malayang pagpapahayag.
  • Pedro Pelaez - ay isang paring Katolikong Pilipino na pumabor sa mga karapatan para sa mga klerong Pilipino noong ika-19 na siglo at nanguna sa sekularisasyon ng mga parokya
  • February 15, 1889 - petsa kung kailan itinatag ang pahayagang La Solidaridad
  • La Solidaridad - nagsilbi itong tinig ng kilusan upang mapakalat at maparinig sa gobyernong Espanya ang:
    • masaklap na kalagayan ng mga mamamayang Pilipino pati na rin
    • ang kalupitan ng mga prayle.
  • Barcelona Spain - lugar kung saan unang nilimbag ang La Solidaridad
  • Graciano Lopez Jaena - unang editor in chief ng La Solidaridad
  • Februray 15, 1889 - September 1, 1895 -> pagsisimula at pagwawakas na petsa ng La Solidaridad