Sa Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin, karamihan sa mga daungan sa rehiyong ito ay napasa kamay ng mga kanluranin. Mataas ang paghahangad nila na makontrol ang kalakalan ng pampalasa. Nauna ang bansang Portugal at Espanya sa pananakop. Nang lumaya ang Netherlands ay nagtayo rin ito ng mga himpilan sa TS Asya. Hindi nagtagal ay sumunod na rin ang mga bansang England at France.