SIMOUN - Napakayamangmag-aalahas at kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan-Heneral.
KAPITAN HENERAL - Hinirang siya ng Espanya bilangpinakamataas na pinuno ng pamahalaan.
MATAAS NA KAWANI - Isang Espanyol at mataas na kawani ng pamahalaan na kagalang-galang; tumutupad sa tungkulin; may paninindigan;at may kapanagutan
PADREFLORENTINO - Mabuti at kagalang-galang na paring Pilipino.
PADRESALVI - ParingPransiskano na pinakikinggan at iginagalang ng iba pa niyang kasamahang prayle.
PADRE SIBYLA - Matikas at matalinongparingDominiko. Siya ang Rector ng Unibersidad ngSantoTomas.
PADRE IRENE - Paring Kanonigo na minamaliit at digaanongiginagalang ni Padre Camorra.
PADRE FERNANDEZ - ParingDominiko na bukas ang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon ng mga mag-aaral.
PADRE CAMORRA - Isang batang paring Pransiskano na mahilig makipag-tungayaw kay Ben Zayb sa kung ano-anong bagay na maibigan. Siya ang kura ng Tiani.
PADRE MILLON - Paring Dominiko na propesor sa pisikaatkemika.Mabutingpilosopo at bantog sa husay sa pakikipagtalo subalit hindi lubusang maiparanas o maituro nang mahusay ang aralin sa mga mag-aaral.
TELESFORO JUAN DE DIOS - Kilala rin bilang si Kabesang Tales, ang napakasipag na magsasaka na dating kasama sa mayayamang may lupain.
JULIANA/JULI - Ang pinakamagandang dalagasa Tiani na anak ni kabesang Tales. Larawan siya ng Pilipinang madasalin, matiisin, masunurin, at madiskarte sa buhay para makatulongsa pamilya.
TATASELO - Ang kumalinga sa batang si Basilio sa gubat ng tumakas siya mula sa mga guwardiyasibil sa NoliMeTangere. Siya ang maunawaingtatay ni Kabesang Tales.
TANO/CAROLINO - Anak ni KabesangTales na tahimik at kusang -loob na sumunod sa kagustuhan ng amang siya’y magsundalo. Nawala ng matagal na panahon.
BASILIO - Nalampasan niya ang mga hilahil ng buhay dahil nagpaalipin kay Kapitan Tiago. Nagpunyagi sa pag-aaral at nakapanggamot agad kahit hindi pa natatanggap ang diploma ng pagtatapos.
ISAGANI - Malalim na makata at mahusay samakipagtalo. Matapang sa pagpapahayag ng kanyang pinaniniwalaan kaninuman. Pamangkin siya ng butihing si Padre Florentino
MAKARAIG - Mag-aaral sa abogasya na nangunguna sa panawagang pagbubukas ng akademya sa pagtuturo ng Kastila. Siya ay napakayaman at bukas-palad sa kapwa.
PLACIDO PENITENTE - Mahinahon at mapagtimpi ang kahulugan ng kanyang pangalan na pilit niyang pinaninidigan kahit pa lubhang kinaiinisan din niya ang pangalang ito. Kapag siya ay napuno, parang bulkan siyang sumasabog at walang kinatatakutan.
PECSON - Mapanuring mag-aaral at masigasig makipagtalo upang mailabas ang matalinong kaisipan at kasagutan sa iba’t ibang usapin.
JUANITOPELAEZ - Mayamangmag-aaral na tamad at lakwatsero.Laging inaabuso at tinatakot si Placido. Masugid siyang manliligaw ni Paulita Gomez na pinaburan ng tiyahin niyang si Donya Victorina.
SANDOVAL - Isang tunay na Espanyol si Sandoval na lubos na kaisa sa adhikain ng mga estudyanteng Pilipino. Mahilig makipagdebate sa kahit anong paksa upang siya ay mahangaan. Nais niyang mailabas ang katotohanan sa isang usapin.
TADEO - Isang mag-aaral na lubhang tamad at laging nagsasakit-sakitan tuwing makikita ng propesor. Hangad niyang laging walang pasok sa paaralan upang makapaglakwatsa.
PAULITA GOMEZ - Isang masayahin at napakagandang dalagang hinangaan ng karamihan sa mga lalaki. Pamangkin siya ni Donya Victorina at kasintahan ni Isagani. Larawan siya ng dalagang laging maayos at maalaga sa sarili.
DONYAVICTORINA - Larawan si Donya Victorina ng isang Pilipinang walangpagpapahalaga sa kanyang lahi. Inaalimura, tinutuligsa, at itinatakwil ang mga Indiong kanyang kalipi.
DON TIBURCIO - Isang Espanyol na asawa ni Donya Victorina na nagtago at nagpasiyang di na muling pakita sa asawa dahil sa kapritso nito. Siya ang larawan ng mga lalaking walang buto, sunod-sunuran, at takot sa asawa.
KAPITAN TIYAGO - Dating kaibigan ng mga prayle subalit sumama ang loob sa mga ito. Nawalan ng kahulugan ang kanyang buhay nang pumasok si Maria Clara sa monasteryo. Siya ang kasangkapan sa pagbabago ni Basilio.
MARIA CLARA - Ang tanging babaeng inibig ni Ibarra sa kanyang buhay. Isa siya sa mga dahilan ng pagbabalik ni Ibarra sa katauhan ni Simoun sa Pilipinas. Nais siyang itakas ni Simoun mula sa monasteryo.
KAPITAN BASILIO - Isang mayamang-mamamayanna taga-San Diego. Siya ang ama ni Sinang at asawa ni kapitan Tika. Galante sa mga pinuno at kawani sa pamahalaan at sa mga prayle upang maiwasan ang problema o kagipitan sa mga pabor na kanyang kakailanganin.
DON CUSTODIO - Nakapag-asawa ng maganda at mayamang mestisa. Umangat ang kanyang posisyon hanggang naging opisyal na tagapayo ng Kapitan Heneral dahil sa likas niyang talino.
BEN ZAYB - Ang mamahayag na malayang mag-isip, at minsan ay kakatwa angpaksang nais niyang isulat magkaroon lamang ng ilalathala. Mababa ang pagtingin niya kay Padre Cammora.
GINOONG PASTA - Nagingalila ng mga praylehabangnag-aaral bago siya naging pinakatanyag na abogadong Pilipino. Mapanuri at namimili siya ng kausap. Takot siyang mamagitan para sa kaunlaran ng mga mag-aaral at tilawalangmalasakit sa kanilanginiisip at kabutihan.
PEPAY - Isangkaakit-akitnamananayaw. Maputi at kakaiba ang kulay sa karaniwang Pilipina. Mahilig siyang humingi ng pabor kay DonCustodio na nahihibang sa kanyang alindog. Kaibigan din niya si JuanitoPelaez.
HERMANA BALI - Isangbatikang panggingera at nangunguna sa pagbibigay-payo sa mga suliranin sa kanilang baryo. Siya ang nagpayo kay Juli na magpaalipin nang kapusin sa pananalapi ang amang si Tales. Siya rin ang nagbalita kay Juli tungkol sa pagkakulong ni Basilio.
HERMANAPENCHANG - Masimbahingmanang at naging amo ni Juli.Mapanghusga siya sa mga taong sawimpalad.Takot sa mga prayle kaya ayaw tumulong sa inaakala niyang kalaban ng mga ito.
KAPITANATIKA - Asawa ni KapitanBasilio at ina ni Sinang.Ayaw niyang magpahalatangnagugustuhannilang mag-ina ang magaganda at mamahalingalahas.
SINANG - Ang isa sa matalik na kaibigan ni Maria Clara sa NoliMeTangere. Siya ay nakapagasawa na sa nobelang ito. Siya ay anak ngmayamang si Kapitan Basilio at ni KapitanaTika.
KABESANGANDANG - Butihing ina ni PlacidoPenitente. Kahit balo namatiyaga niyang pinag-aral ang anak. Siya ay larawan ng ulirangmagulang dahil sinisiguro niyang matutugunan ang mga pangangailangan ng mga anak.
QUIROGA - Mayamangmangangalakal na Intsik. Halos kontrolado niya ang takbo ng kalakalan. Iniaangkop niya ang ugali depende sa kanyang kaharap. Isinusulong rin niya ang pagkakaroon ng konsulado ng mga Intsik sa bansa.
DONTIMOTEOPELAEZ - Ang ama ni JuanitoPelaez. Larawan siya ng mapandustangmangangalakal. Siya ang nakabili ng tahanan ni Kapitan Tiago sa murang halaga. Naging kasosyo siya sa negosyo ni Simoun.
MR.LEEDS - Mahusay sa mahika.Napaniwalaniya ang mga manonood at nakapag-usig sa budhi ni PadreSalvi sa kanyangpalabas.