Pagbasa 2

Cards (43)

  • Deskriptibong Pananaliksik
    Pinag-aaralan dito ang mga pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan, at kalagayan. Nagbibigay ito ng tugon sa mga tanong na sino, ano, kailan, saan, at paano na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral. Hindi ito makatutugon sa mga tanong na "bakit" sapagkat naglalarawan lamang ito ng tiyak at kasalukuyang kondisyon ng pangyayari at hindi ng nakalipas o hinaharap.
  • Aksiyong Pananaliksik (Action Research)

    Inilalarawan at tinatasa ng isang mananaliksik ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya, at iba pa sa layuning palitan ito ng mas epektibong pamamaraan. Habang isinasagawa ang pananaliksik ay bumubuo rin ng mga plano at estratehiya ang mananaliksik kung paano siya makapagbibigay ng makabuluhang rekomendasyon. Kailangan din ang mga serye ng ebalwasyon na magpapakita kung nakakamit o hindi ang ideyal na output.
  • Historikal na Pananaliksik
    Ito ay gumagamit ng iba't ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos upang makabuo ng mga kongklusyon hinggil sa nakaraan. Batay sa mga datos at ebidensiya, pinalalalim ang pag-unawa sa nakaraan, kung paano at bakit nangyari ang mga bagay-bagay, at ang pinagdaanang proseso kung paanong ang nakaraan ay naging kasalukuyan.
  • Pag-aaral ng Isang Kaso o Karanasan (Case Study)

    Ito ay naglalayong unawain ang isang partikular na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang kongklusyon sa iba't ibang paaksa ng pag-aaral. Ginagamit ito upang paliitin, maging mas espesipiko, o kaya'y pumili lamang ng isang tiyak na halimbawa mula sa isang napakalawak na paksa.
  • Komparatibong Pananaliksik
    Ito ay naglalayong maghambing ng anumang konsepto, kultura, bagay, pangyayari, at iba pa. Madalas na gamitin ang ganitong uri ng disenyo sa mga cross-national na pag-aaral upang mailatag ang mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga lipunan, kultura, at institusyon.
  • Pamamaraang Nakabatay sa Pamantayan (Normative Studies)

    Ito ay madalas na inihahanay sa deskriptibong uri ng pananaliksik ang disenyong normative dahil naglalayon itong maglarawan ng anumang paksa. Gayunpaman, naiiba ang disenyong ito sapagkat hindi lamang simpleng deskripsiyon ang layunin nito, kundi nag-bibigay diin ito sa pagpapabuti o pagpapaunlad ng populasyong pinag-aaralan batay sa mga tanggap ba modelo o pamantayan.
  • Etnograpikal na Pag-aaral
    Isang uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na nag-iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay, at iba't ibang gawi ng isang komunidad sa pamamagitan ng pakikisalamuha rito. Nakabatay ito sa pagtuklas ng isang panlipunang konteksto at ng mga taong naninirahan dito sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang mga pagpapahalaga, pangangailangan, wika, kultura, at iba pa. Nangangailangan ito ng matapat na pag-uulat ng naranasan o naobserbahan ng isang mananaliksik.
  • Disenyong Eksploratori
    Isinasagawa ito kung wala pang gaanong pag-aaral na naisagawa tungkol sa isang paksa o suliranin. Ang pokus nito ay magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa isang paksa na maaaring magbigay-daan sa mas malawak at komprehensibong pananaliksik.
  • Ayon kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
  • Ayon kina Manuel at Medel (1976), masasabing ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan.
  • Ayon kay Parel (1966), ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
  • Ayon kina Calderon at Gonzales (1993), ang pananaliksik ay sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, paglilinaw, pag-oorganisa, pag-unawa at pagpapakahulugan ng isang datos na nangangailangan ng kalutasan sa suliranin. Ito rin ay isang ekspansyon sa limitadong kaalaman at pagpapakita rin ng umuunlad na buhay ng tao.
  • Ayon kay Atienza atbp. (UP), ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.
  • Kuwantitatibo
    Tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba't ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng matematika, estadistika, at mga teknik na gumagamit ng komputasyon.
  • Kuwalitatibo
    Kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito.
  • Disenyo
    Tumutukoy sa kabuoang balangkas at pagkakaayos ng pananaliksik.
  • Pamamaraan
    Tumutukoy sa kung paano mabigyang-katuparan ang disenyo.
  • Iba't ibang pamamaraan na maaaring isagawa ng isang mananaliksik
    • Sarbey - mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan
    • Pakikipanayam o Interbyu - pagkuha ng info sa isang kalahok na may awtoridad
    • Dokumentaryong Pagsusuri - kumalap ng info na susuporta at magpapatibay sa datos
    • Nakabalangkas na Obserbasyon at Pakikisalamuhang Obserbasyon - nangangailangan ng field study Gaya ng etnograpiyo
  • Plagiarism, Plagyarismo, o Pamamalahiyo
    Tahasang paggamiit at pangongopya ng mga salita at/o ideya nang walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito.
  • Redundant Publication - nagpapasa ang isang mananaliksik ng iisang pag-aaral sa dalawang magkaibang refereed journal para sa publikasyon.
  • Plagiarism, plagyarismo, o pamamalahiyo
    Tahasang paggamiit at pangongopya ng mga salita at/o ideya nang walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito
  • Iba pang anyo ng pamamalahiyo
    • Pag-angkin ng gawa, produkto, o ideya ng iba
    • Hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag
    • Pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag
    • Pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng teksto ngunit pangongopya sa ideya nang walang sapat na pagkilala
    • Ang pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita sa isang pinagkunan na halos bumuo na sa iyong produkto, tukuyin mang o hindi ang pinagmulan nito
  • Redundant Publication
    Nagpapasa ang isang mananaliksik ng iisang pag-aaral sa dalawang magkaibang refereed journal para sa publikasyon
  • Self-plagiarism
    Ang bahagi ng isang pananaliksik ay inuulit sa isa pang pananaliksik nang walang sapat na pagbanggit kahit pa sarili ring ideya ang pinagmulan nito
  • Etika
    Nakaugaliang pamamaraan ng pamumuhay at pakikipagkapwa
  • Etika(free dictionary 2014)

    Mga pamantayan ng pagkilos at pag-uugali batay sa katanggap-tanggap na ideya kung ano ang tama at mali
  • Etika (sa Pilosopiya)

    Isang sangay ng pag-aaral na nakapokus sa mga prinsipyo at paniniwala sa kung ano ang mabuti at nararapat
  • Mga pangyayari na nagtulak sa mga mananaliksik na pagnilayan ang pangangailangang bumuo ng mga etikal na prinsipyo sa pananaliksik
    • Nuremberg War Crimes Trial
    • Tuskegee Syphilis Study
  • Mga gabay sa etikal na pananaliksik

    • Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Ideya sa Pananaliksik
    • Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok
    • Pagiging Kumpidensyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok
    • Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik
  • Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
    1. Pamimili at paglilimita ng paksa
    2. Pagbuo ng tanong ng pananaliksik
    3. Pagbuo ng mga haypotesis
    4. Pagbabasa ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral
  • Pagdidisenyo ng Pananaliksik
    1. Pamimili ng disenyo at pamamaraan ng pananaliksik
    2. Pagbuo ng paradaym, konseptuwal, at teoretikal na balangkas
    3. Pagpaplano ng mga proseso ng pananaliksik
    4. Pagtukoy sa populasyon ng pananaliksik o materyales na pagmumulan ng datos
  • Pangangalap ng Datos
    1. Pagbuo ng kasangkapan na gagamitin sa pangangalap ng datos at aktuwal na paggamit dito
    2. Pagkuha ng datos mula sa mga kalahok ng pananaliksik
    3. Pakikipanayam, sarbey, obserbasyon, o pagsusuri ng dokumento
    4. Pagsasaayos ng mga datos para sa presentasyon
  • Pagsusuri ng Datos
    1. Presentasyon ng datos
    2. Pagsusuri at interpretasyon ng datos
    3. Paggamit ng mga paraang estadistikal sa interpretasyon ng datos sa kuwantitatibong pananaliksik at pagbuo ng mga tema o kategorya sa kuwalitatibong pananaliksik
    4. Pagbuo ng lagon, kongklusyon, at mga rekomendasyon
  • Pagbabahagi ng Pananaliksik
    1. Pagbabahagi ng mahahalagang konklusyon ng pananaliksik
    2. Paglalathala sa iba't ibang publikasyon gaya ng mga refereed journal (online o hindi), libro, at iba pang uri ng lathalain
    3. Pagbabahagi sa mga plenary o parallel session ng mga pambansa at pandaigdigang kumperensiya
    4. Pag-oorganisa ng lokal na research forum sa loob ng paaralan
    5. Pamimili ng journal kung saan ilalathalata ang pananaliksik
    6. Rebisyon ng format at nilalaman batay sa rebyu ng journal
    7. Presentasyon sa mga kumperensiya o iba pang paraan ng pagbabahagi
  • Ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga sagot sa mga partikular na tanong ng tao sa kaniyang lipunan o kapaligiran
  • Sa pamamagitan ng pananaliksik, lumalawak at lumalalim ang kaniyang karanasan, hindi lang tungkol sa partikular na paksang pinag-aralan niya, kundi na rin sa kontekstong lipunan ng kaniyang pananaliksik
  • Malaki ang gampanin na paunlarin ang maka-Pilipinong pananaliksik na may oryentasyong kakaiba mula sa kagawiang pananaliksik sa kasalukuyan
  • Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino at/o mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan
  • Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik ang pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino
  • Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik