Ang tao na nilikha ng Diyos na Kanyang kawangis ang siyang nasa itaas ng lahat ng Kaniyang mga nilikha bilang pakikiisa sa banal na gawain ng paglilikha
Ang kalikasan ay hindi nararapat na gamitin bilang isang kasangkapan na maaaring manipulahin at ilagay sa mas mataas na lugar na higit pa sa dignidad ng tao
Ang responsibilidad na pang-ekolohikal ay gawaing para sa lahat bilang paggalang sa kalikasan na para rin sa lahat, kabilang na ang mga henerasyon ngayon at ng sa hinaharap
Sa pagharap sa mga suliraning pangkalikasan, nararapat na isaalang-alang muna ang etika at dignidad ng tao bago ang makabagong teknolohiya
Ang kalikasan ay kaloob ng Maylikha sa mga tao na dapat gamitin nang may katalinuhan at pananagutang moral
Ang politika ng kaunlaran ay nararapat na naaayon sa politika ng ekolohiya. Ang halaga at tunguhin ng bawat pagpapaunlad sa kapaligiran ay nararapat na bigyang pansin at timbangin nang maayos
Ang wakas ng pagkamundong kahirapan ay may kaugnayan sa pangkalikasang tanong na dapat nating tandaan, na ang lahat ng likas na yaman sa mundo ay kailangang ibahagi sa bawat tao na may pagkakapantay-pantay
Ang karapatan sa isang malinis at maayos na kapaligiran ay kailangang protektahan sa pamamagitan ng pang-internasyonal na pagkakaisa at layunin
Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng pagbabago sa uri ng pamumuhay na nagpapakita ng moderasyon o katamtaman at pagkontrol sa sarili at ng iba. Ito ay nangangahulugang pagtalikod sa kaisipang konsyumerismo
Ang mga isyung pangkalikasan ay nangangailangan ng espiritwal na pagtugon bunga ng paniniwala na ang lahat na nilikha ng Diyos ay Kaniyang kaloob kung saan mayroon tayong responsibilidad