Nang tuluyang bumagsak ang Imperyong Roman, naharap ang Europa sa panahon ng kalituhan at kaguluhan bunsod ng pananalakay ng mga barbaro sa iba't ibang bahagi ng imperyo sa panahong tinawag na?
Panahon ng Karimlan
Ang panahong ito ay nagsilbing kasagutan sa paghahanap ng seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan sa Europa?
Panahon ng Karimlan
Sa gitna ng kaguluhan sa Europa dahil sa pagbagsak ng Imperyong Roman at pananakop ng mga barbaro, ang ____ lamang ang tanging institusyong nanatiling matatag at hindi pinanghimasukan ng mga barbaro?
Simbahan
Nagsilbi ang _____ bilang takbuhan ng mga mamamayan at nagbigay ng kalinga sa panahon ng kalituhan?
Simbahang Katoliko
Sa kabila ng pagtamlay ng pamumuhay at kultura, nagsilbi ang___ bilang tagapangalaga at tagapagreserba sa isinantabing maningning na kultura ng Europa?
Simbahang Katoliko
Malaki ang naging papel ng mga ___ at ___ sa paglaganap ng Kristiyanismo sa Medieval Europe. Ipinalaganap nito ang mga turo at aral ng Simbahang Katoliko sa iba't ibang bahagi ng Europa?
Misyonero at Monghe
Matagumpay niyang naipalaganap ang turo at aral ng Kristiyanismo sa Ireland sa pagsisimula ng ika-4 na siglo CE?
St. Patrick
Siya ang pinuno ng mga Frank. Bukod sa pagpapakasal sa isang Kristiyano, nabinyagan din siya bilang isang Katoliko noong 496 CE?
Haring Clovis
Ang kanyang pagpapabinyag ay dahil sa kanyang pagtatagumpay sa isang labanan na diumano ay hiniling niya sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal?
Haring Clovis
Pagkatapos niya mabinyagan, ang mga kasapi ng kanyang hukbo at kinalaunan ay lumaganap ang Kristiyanismo sa buong nasasakupan niya?
Haring Clovis
Sa utos ni Papa Gregory the Great, nagtungo siya sa England kung saan malugod siyang tinanggap ng hari ng Kent sa Canterbury noong 587 CE?
St. Augustine
Nagawa niyang maipalaganap ang turo at aral ng Kristiyanismo sa Canterbury at kinalaunan ay naging sentro ito ng relihiyong Kristiyanismo sa England?
St. Augustine
Siya ang relihiyosong responsable sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Germany. Dahil dito, tinagurian siya bilang "Apostol ng Germany"?
St. Boniface
Naging Kristiyano ang mga estado at lugar sa Balkan Peninsula dahil sa pagpapalaganap dito ng magkapatid na?
Cyril at Methodius
Naging pangunahing tagapagtanggol ng Simbahang Katoliko sa Rome ang tribung ___ na naging maimpluwensiya at namayagpag ang kapangyarihan sa Gaul (kasalukuyang France)?
Frank
Naging katuwang ng Simbahang Katoliko sa Rome ang mga ___ sa pagtataguyod ng sibilisasyon ng Kanlurang Europa na tumamlay sa Panahon ng Karimlan?
Frank
Namayagpag ang impluwensiya ng pamilyang ____ sa Gaul simula noong 486 CE-761 CE. Mula sa pagkakatatag ng hari ng mga Frank na si Clovis ng isang maliit na kaharian, lumawak ang impluwensiya at teritoryo ng pamilyang ito sa Gaul?
Merovingian
Matagumpay niyang nilupig ang huling puwersa ng mga Roman sa Gaul noong 486 CE. Winasak din nya noong 507 CE ang kaharian ng mga Visigoth na naghari sa timog ng Gaul?
Clovis I
Mula sa kahinaan at kapabayaan ng mga pinunong Merovingian ay umusbong sa kapangyarihan ang Mayor ng Palasyo o pangunahing opisyal ng hari na si?
Pepin II
Humalili kay Pepin II ang kaniyang anak na si ____ bilang Mayor ng Palasyo noong 714 CE?
Charles Martel
Ibinagay kay Charles ang titulong ___ na nangangahulugang "martilyo" dahil sa kaniyang angking galing sa pakikipaglaban?
Martel
Ang kahusayan ni Charles Martel ay napatunayan nang matagumpay niyang napigilan ang tangkang pananakop ng mga Muslim sa Europa sa Labanan sa ___noong 732 CE. Nahadlangan ng kaniyang pagkapanalo sa labanan ang pagnanais ng mga Muslim na ipalaganap ang Islam sa Europa?
Labanan sa Tours
Humalili bilang pinuno ang anak ni Charles Martel na si ___. Sa pagkakataong ito, pinahintulutan ng Papa ng Rome na maging hari ng mga Frank siya sa halip na Mayor ng Palasyo lamang?
Pepin the Short
Ang mga haring Frank na namuno sa Gaul mula sa linya ni Pepin the Short ay tinawag na mga haring ___?
Carolingian
Noong 771 CE ay itinanghal bilang hari ng mga Frank si ___. Nangangahulugan ang kaniyang pangalan na Charles ang Dakila (Charles the Great) dahil sa kaniyang husay at galing bilang isang pinuno?
Charlemagne
Nakuha ni Charlemagne ang paghanga ng noon ay Papa ng Rome na si ___ nang magtungo si Charlemagne sa Italy upang lupigin ang puwersa ng mga Lombard na naging banta sa Simbahan ng Rome?
Pope Adrian I
Pinuno ng mga Lombard?
Haring Desiderius
Naging asawa ni Charlemagne ang anak ni Haring Desiderius na si?
Desiderata
Hiniwalayan ni Charlemagne si Desiderata matapos ang kanilang pagsasama ng tatlong taon. Ito ang naging ugat ng galit ni ___kay Charlemagne at sa Simbahan?
Haring Desiderius
Dahil sa tagumpay ni Charlemagne, iginawad sa kaniya ang titulong ___ na ang ibig sabihin ay "tagapagprotekta ng Papa at Simbahan ng Rome"?
Patricius Romanus
Pinamunuan ni Charlemagne ang isang malawak na imperyo. Upang maayos na mapangasiwaan ang imperyo, hinati-hati niya ang mga teritoryo nito sa ilang mga yunit na pampolitika na kung tawagin ay mga?
County
Humirang si Charlemagne ng mga pinunong lokal sa mga county na tinawag na mga?
Konde
Upang masiguro ang katapatan ng mga konde at kaayusan ng kanilang pamumuno, taon-taon ay nagpapadala siya ng mga ____ upang manmanan ang mga konde at alamin ang kalagayan ng bawat county?
Missi Dominici (mensahero ng panginoon)
Naging sentro ng pamumuno ni Charlemagne ang lungsod ng ___ (Aix-la-Chapelle)?
Aachen
Nang magtungo si Charlemagne sa Rome noong 800 CE, araw ng Pasko, kinoronahan siya ni ____ habang siya ay nagsisimba?
Pope Leo III
Itinanghal si Charlemagne ng Papa bilang ____ ng Banal na Imperyong Roman (Holy Roman Empire) na nangangahulugang may basbas ng Simbahan ang kaniyang pamumuno bilang emperador?
Banal na Emperador
Noong 814 CE, namatay si Charlemagne at humalili sa kaniya ang anak na si?
Louis the Pious
Sa pamamagitan ng ____, nahati sa tatlong anak ni Louis the Pious ang teritoryo ng Banal na Imperyong Roman?
Treaty of Verdun
Sino ang anak ni Louis the Pious na pinamunuan ang France?
Charles the bald
Sino ang anak ni Louis the Pious na pinamunuan ang Germany?