Ang mga salik, pangyayari at kahalagahan nito sa pagbuo ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya
Ang mga mag-aaral ay napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 Siglo)
Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 Siglo)
Nasusuri ang mga salik, pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya
Pagbuo ng mga Bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya
Ang mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng Nasyonalismo
Subukin mong sagutan ang panimulang pagtataya upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman sa araling ito
Nasusuri ang mga salik at pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong at pag-unlad ng nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
Naipaliliwanag ang iba't-ibang manipestasyon ng nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
Nabibigyang halaga ang papel ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya
Nakakagawa ng isang flyer na nagpapakita sa mga mahalagang bahaging ginampanan ng mga Asyano
Ang pagtutuonan mo ng pag-aaral sa modyul na ito ay ang pag-unlad ng nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
Ang mga Kanluranin ay nagpatupad ng mga patakaran sa mga bansang sinakop sa Asya sa ilalim ng imperyalismo at kolonyalismo na naging dahilan ng pagpapakita nila ng nasyonalismo dahil hindi ito naging patas para sa kanila
Noong ika-18 siglo dumanas ng pinakamaigting na imperyalismo ang Silangang Asya mula sa mga Kanluranin
Ang imperyalismong Kanluranin sa nabanggit na rehiyon ay nagdulot ng epekto sa kabuhayan, pamahalaan, lipunan at kultura ng mga Asyano
Ang hindi mabuting epekto nito sa kanilang pamumuhay ay naging dahilan kaya naghangad na makawala mula sa imperyalismong Kanluranin ang mga Tsino at Hapones
Nagsimulang mawalan ng kontrol sa kanyang bansa ang China nang matalo ito ng Great Britain sa Unang Digmaang Opyo (1839-1842) at sa Great Britain at France noong Ikalawang Digmaang Opyo (1856-1860)
Bunga nito, nilagdaan ang Kasunduang Nanking noong 1843 at Kasunduang Tientsin noong 1858 na naglalaman ng mga probisyon na hindi patas para sa mga Tsino
Ang hindi nagustuhan ng mga mamamayan sa nasabing mga rehiyon sa Asya ay ang imperyalismo ng mga Kanluranin
Rebelyong Taiping
1. Disyembre 1850 hanggang Agosto 1864
2. Naglalayong mapabagsak ang Dinastiyang Qing na pinamumunuan ng mga dayuhang Manchu upang mahinto na ang pamumuno ng mga dayuhan sa kanilang bansa at magkaroon ng pagbabago sa lipunan
3. Nagapi ng Dinastiyang Qing ang Rebelyong Taiping sa tulong ng mga British at French
Rebelyong Boxer
1. 1899
2. Tinawag itong Rebelyong Boxer dahil ang mga naghimagsik ay miyembro ng samahang I-ho Chu'an o Righteous and Harmonious Fists
3. Ang layunin ng rebelyon ay pagtuligsa sa korupsiyon sa pamahalaan at patalsikin ang lahat ng mga dayuhang nasa bansa kabilang ang mga Kanluranin
4. Nagapi ang mga nagrebelde dahil nagpadala ng may 2,100 pwersang militar ang United States, Great Britain, Russia, France, Italy at Japan upang protektahan ang kanyang mga mamamayan sa China at masupil ang rebelyon
Sa pagkabigo ng dalawang rebelyon, nagpatuloy ang pamamayani ng mga dayuhan sa China dahil sa impluwensiya ng mga dayuhan sa pamahalaang Manchu
Nang mamatay si Empress Dowager Tzu Hsi noong 1908 lalong lumala ang sitwasyon ng kahirapan sa China
Pinalitan siya ng dalawang taong gulang na si Puyi o Henry Puyi na para sa mga Kanluranin ay siya ang naging huling emperador ng Dinastiyang Qing (Manchu) at itinuturing din na huling emperador ng China
Ang pagsisimula ng ika-20 siglo ay nangahulugan ng pagpasok ng dalawang magkatunggaling ideolohiya sa China ang demokrasya at komunismo na nagdulot ng pagkahati ng bansa at naghudyat sa tunggalian ng mga pinunong Tsino
Ideolohiyang Demokrasya
Isinulong ni Sun Yat-Sen ang pagkakaisa ng mga Tsino gamit ang tatlong prinsipyo: 1. san min chu-i o nasyonalismo, 2. min-tsu-chu-i o demokrasya, at 3. min- sheng-chu-i o kabuhayang pantao
Naging ganap ang pamumuno ni Sun Yat-Sen sa Tsina ng pamunuan niya ang mga Tsino sa pagpapatalsik sa mga Manchu sa tanyag na Double Ten Revolution na naganap noong Oktubre 10, 1911
Itinatag niya ang Partido Kuomintang o Nationalist Party noong 1912
Ipinagpatuloy ni ChiangKai-Shek ang pakikipaglaban sa mga warlords hanggang sa magapi niya ang mga ito
Nahaharap naman siya sa bagong kalaban - ang pagpasok ng katunggaling ideolohiya, ang komunismo na ipinalaganap ni Mao Zedong
Ideolohiyang Komunismo sa China
Nagsimula noong 1918 sa pamumuno ni MaoZedong. Sinuportahan niya at isinulong ang mga prinsipyo ng komunismo gaya ng tunggalian ng uring manggagawa o proletariat laban sa uri ng kapitalista o bourgeois
Itinatag ni MaoZedong ang Partido Kunchantang noong 1921 kasama ang iba pang komunistang Tsino
Ang mga nakaligtas na komunistang sundalong Tsino ay pinamunuan ni Mao Zedong at tinawag itong Red Army na tumakas patungong Jiangxi
Pansamantalang natigil ang pagtutunggali ng puwersa ni Chiang Kai-Shek at Mao Zedong dahil sa banta ng pananakop ng mga Hapones sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Pareho nilang isinara ang kanilang bansa at daungan mula sa mga Kanluranin