Pagsakop sa Indonesia (Mary and Ana)

Cards (13)

  • Ang Indonesia ay sinakop ng mga bansang Portugal, Netherlands, at England.
  • Ang Netherlands ay dating sakop ng mga Espanyol. Nang makalaya ito ay nagsimula na itong magpalakas ng kagamitan sa paglalakbay sa dagat at sa pakikidigma. Dutch ang tawag sa mga naninirahan dito.
  • Ternate sa Moluccas - nasakop ito ng Portugal.
  • Amboina at Tidore sa Moluccas - inagaw ng Netherlands mula sa Portugal. Panandalian itong nakuha ng England ngunit ibinalik din ito sa Netherlands.
  • Batavia (Jakarta)- nasakop din ng Netherlands.
  • Moluccas - Ito ay kilala bilang spice island. Tinatawag din itong Maluku. Ito ay ang lupain na nais marating ng mga Kanluranin upang makontrol nila ang kalakalan ng mga pampalasa. Sa kasalukuyan, ito ay bahagi pa rin ng Indonesia.
  • DAHILAN NG PANANAKOP
    •Mayaman ito sa mga pampalasa, mga sentro ng kalakalan at maayos na daungan. Mataas ang paghahangad at pangangailangan ng mga kanluranin sa mga makukuha na pampalasa sa Asya tulad ng cloves, nutmeg at mace. Halos kasing halaga ng ginto ang mga pampalasa na ito sa pamilihan ng mga bansang Europeo.
  • PARAAN NG PANANAKOP
    Dahil sa paghahangad sa mga pampalasa, narating ng Portugal ang Ternate sa Moluccas noong 1511. Sila ay nagtayo ng himpilan ng kalakalan dito at nagsimulang palaganapin ang Kristiyanismo.
  • Taong 1655 noong pinaalis ng mga Dutch ang mga Portuges at sinakop ang mga isla ng Amboina at Tidore sa Moluccas gamit ang mas malakas na puwersang pandigma. Upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan ay nakipag-alyansa ang mga Dutch sa mga lokal na pinuno ng Indonesia. Gumamit din sila ng divide and rule policy upang mapasunod at masakop ang mga nabanggit na isla. Dahil dito nagkaroon ng monopolyo sa kalakalan ng mga pampalasa ang mga Dutch.
  • Divide and Rule Policy - Ito ay isang paraan ng pananakop kung saan ay pinag-aaway ng mga mananakop ang mga lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang lugar upang mas madali niya itong masakop. Sa ibang lugar ay ginagamit naman ng mga mananakop ang isang tribo upang masakop ang ibang tribo.
  • Lalo pang napatatag ng Netherlands ang monopolyo nang itatag nito ang Dutch East India Company.
  • Dutch East India Company - Itinatag ito ng pamahalaan ng Netherlands noong 1602 upang pag-isahin ang mga kompanya na nagpapadala ng paglalayag sa Asya. Pinahintulutan ang Dutch East India Company na magkaroon ng sariling hukbo na magtatanggol laban sa mga pirata, magtayo ng daungan sa mga lupaing nasasakop at makipagkasundo sa mga lokal na pinuno ng mga bansa sa Asya. Binigyan din ito ng karapatan ng pamahalaan ng Netherlands na manakop ng mga lupain. Nakontrol nito ang spice trade sa Timog-Silangang Asya na nagpayaman sa bansang Netherlands.
  • Pansamantalang nakuha ng England ang Moluccas dahil sa epekto ng Napoleonic Wars subalit naibalik din ito sa mga Dutch matapos ang digmaan.