Kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado
Ang konsepto ng citizenship ay umusbong sa panahon ng kabihasnang Griyego
Polis (lungsod-estado sa Gresya)
Binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin
Binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan
Pagiging citizen ay may kalakip na mga karapatan at tungkulin
Citizen (sa Gresya)
Inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng paglahok sa mga pampublikong asembliya at paglilitis
Maaaring politiko, administrador, husgado, at sundalo
Ang konsepto ng citizenship ay nagdaan sa maramingpagbabago sa paglipas ng maraming panahon
Citizenship (sa kasalukuyan)
Isang ligal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-estado
Ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado
Pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin
Ang Saligang Batas ng Pilipinas inisa-isa ang tungkulin at karapatan ng mga mamamayan nito
Sino ang maituturing na mamamayan ng Pilipinas
Yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito
Yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas
Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang
Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
Katutubong inianak na mamamayan
Mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino
Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas
Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito
Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas
Ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal ay maaaring mawala kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibangbansa
Mga dahilan kung bakit maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal
Panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa
Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag maydigmaan
Nawala na ang bisa ng naturalisasyon
Jus Sanguinis
Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang
Jus Soli o Jus Loci
Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak