PAGBASA AT PAGSUSURI (final)

Cards (55)

  • Pananaliksik
    Ayon kay Aquino (1974), ito ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
  • Kerlinger (1973)
    • Kontrolado
    • Empirikal
    • Haypotetikal
  • Plagiarism
    Latin word "plagiaries" meaning kidnapper/ninanakaw
  • Minimalistic Plagiarism
    Ideya o konsepto na nakuha o nabasa mo mula sa kanilang sources ay ginamit pero sarili nilang salita o paraphrasing.
  • Full Plagiarism
    Parehong-pareho mula sa iyong pinagkunan
  • Partial Plagiarism
    dalawa o higit pa ang iyong pinangkukunan at kumbinasyon ng mga ito ang kinalabasan ng iyong ginawa
  • Source Citation
    binigay ang pangalan ng may-akda o pinagkuna pero hindi na madaling malaman dahil kulang o hindi sapat ang impormasyon na ibinigay. (Rephrasing)
  • Self-Plagiarism
    Inilathala mo ang isang materyal na nailathala na pero sa ibang mediyum. (Recycling Fraud)
  • Intellectual Property Law
    Uri ng batas kung saana ng mga nag-imbentong mga manunulat, artist, atbp. ay binibigyan ng 'eclusive property rights' o sila ang kinikilalang nagmamay-ari ng kanilang gawa.
  • Intellectual Property Rights
    Mahigpit na pagsunod sa mga probisyon nito upang makaiwas sa anumang kasong sibil at kriminal na maaaring kahantungan ng isang mananaliksik.
  • Etika ng Mananaliksik
    1. Paggalang sa karapatan ng iba
    2. Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang confidential
    3. Pagiging matapat sa bawat pahayag
    4. Pagiging abhektibo at walang kinikilingan
  • Panimulang Pananaliksik (Basic Research)

    Agarang nagagamit ang resulta
  • Pagkilos sa Pananaliksik (Action Research)
    Maresolba o masagot ang ispesipikong tanong io problema ng isang larangan. Ito ay nagagamit bilang batayan
  • Pagtugong Pananaliksik (Applied Research)

    Malutas ang kuryosidad ng mga mananaliksik. Hindi agaran ngunit lubhang nakaaapekto.
  • Kwantitatibong Pananaliksik (Quantitative Research)

    Isang imperikal na imbestigasyon. Nagbabatay sa mga numero, matematika, statistic
  • Kwalitatibong Pananaliksik (Qualitative Research)

    Malalim na pag-aaral tungkol sa mga paksang hindi kayang sukatin sa tiyak na paraan. Kadalasang tumatalakay sa mga relasyon at kaugnayan ng iba't ibang aspeto sa ugali, karanasan at pag-iisip ng isang tao.
  • Deskriptibong Pananaliksik (Descriptive Research)

    Sumasagot sa ano, saan, sino, kailan, at paano
  • Historikal na Pananaliksik (Historical Research)

    Mas maunawaan ang nakaraan
  • Pag-aaral ng Kaso o Karanasan (Case Study)

    Isang komprehensibing pag-aaral. Matinding obserbasyon at dedikasyon
  • Komparatibong Pananaliksik (Comparative Research)

    Nagkukumpara ng mga aspeto. Ginagamit bilang analisis ng mga aspeto
  • Etnograpikong Pag-aaral (Ethnographic Research)

    Iba't ibang kaugalian, pamumuhay, at kultura ng iba't ibang komunidad
  • Pananaliksik
    binubuo ng limang kabanata
  • Kabanata 1: Suliranin at Kaligiran
    naglalaman ng mga seksyon na tinatalakay ang mas malalim na konsepto ng pananaliksik
  • Panimula
    Nakasaad dito ang kabuuang ideya ng pag-aaral. Tinatalakay nito ang overview ng pananaliksik upang magkaroon ng ideya ang mambabasa
  • Paglalahad ng Suliranin
    pangunahin suliranin at ang layunin na kailangang lutasin ng mananaliksik.
  • Kahalagahan ng Pananaliksik
    pagtalakay sa kapakinabangan at benepisyo sa resulta ng pag-aaral
  • Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral
    nakasaad dito ang parametro ng pag-aaral. Dito rin nililimitahan kung hanggang saan lamang ang tatalakayin ng pananaliksik
  • Teorya ng pananaliksik
    Batayang teorya na sumusuporta sa kabuuan ng pananaliksik.
  • Konseptwal na Balangkas
    balangkas ng pananaliksik sa pamamagitan ng paggamit ng mga grapikong pantulong.
  • Depinisyon ng mga Termino
    nakasaad sa seksyong ito ang operasyonal at konseptuwal na depinisyon ng mga salitang madalas gamitin sa pananaliksik
  • Operasyonal na depinisyon - tumutukoy sa kung paano ginamit ang salita sa pananaliksik

    Konseptuwal na depinisyon - aktuwal na kahulugan ng salita batay sa diksyunaryo
  • Kabanata II - Rebyu ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral

    naglalaman ng mga suportang literatura at pag-aaral upang pagtibayin ang reperensiya ng pag-aaral
  • Kabanata III
    nagtatalakay ng mga paraan at proseso upang mainterpreta ng maayos ang mga datos.
  • Disenyo ng pananaliksik

    nakasaad dito kung ano ang uri ng pananaliksik na ginamit ayon sa disenyo nito. Ipinaliliwanag dito ang kahalagahan ng paggamit ng isang disenyo upang makakuha ng kapaki-kapakinabang na resulta
  • Metodo ng pananaliksik

    pagtalakay ng proseso na pinagdaanan upang makakuha ng datos
  • Respondente ng pag-aaral

    nakasaad dito ang paliwanag tungkol sa pagpili ng mga kalahok sa pag-aaral marahil batay sa bilang, katangian, at iba pa
  • Instrumento ng pananaliksik
    ginamit na kasangkapan o dokumento upang makakalap ng datos
  • Statistikal Tritment ng mga Datos
    mga kinakailangang tritment upang mainterpreta ang mga datos na kinuha. Dito sinusuri at inaalisa ang mga impormasyon o numerikong datos upang mabigyan ng kahulugan ang mga ito
  • Kabanata IV
    presentasyon ng mga datos
  • Kwantitatibong uri ng pananaliksik

    inihahayag ang mga bilang at porsyento ng mga datos na sinagot ng mga respondente. Maaaring gumamit ng mga grapikong ilustrasyon gaya ng bar graph, line graph, at pie chart